Chapter 2: Rooftop

107 9 0
                                    

Nilipad ang buhok ko nang makaakyat sa rooftop. Walang ibang estudyante kaya gumaan ang pakiramdam ko. Mas gusto kong mapag-isa rito. Sa rooftop ako pumupunta kapag recess imbes na sa cafeteria. May dala akong baunan, ang laman ay bisquit at juice para hindi na ako bumili sa cafeteria. Alam kong hinahanap ako lagi nina Kendra pero ayos lang naman sa kanila kapag sa rooftop ako at sa lunch ay magkakasama kami.

Pinatong ko ang aking baunan at naupo. Napapikit ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Kaya gusto ko sa rooftop ay mahangin minsan ay sa likod ako ng school pumupunta. Sumasandal ako sa puno. Mas gusto ko ang mag-isa kahit walang kausap. I'm not friendly like Kendra. Minsan lang ako kumausap ng tao kasi pakiramdam ko sasaktan ako ni mommy kapag nakita niya akong maraming kasama. Kaya simula noon ay hindi ako kumakausap ng tao kapag hindi kailangan. Si Kendra at Ishihara lang ang kaibigan ko.

Tahimik kong kinain ang aking baon. May kasambahay kami na mas matanda sa akin ng ilang taon at kasundo ko kaya minsan ay pinagbibigyan niya ang mga gusto ko dahil naaawa siya. Nakikita niya kasi kung paano ako saktan ni mommy. Sa bahay ay si Ate Meira lang at daddy lang ang malapit sa akin. Hindi ko kasundo ang iba dahil alam nilang magagalit si mommy sa kanila. Tanda ko pa noon ay sinisante ni mommy ang ibang kasambahay nang makitang kasama kong nanonood sa aking kwarto.

Sinikop ko ang may kahabaang buhok dahil nadala ng hangin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ganitong kapayapaan ang gusto ko. Kung wala lang kasunod na klase ay hindi na ako aalis dito. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa baba at halos malula ako sa sobrang taas. Ibinuka ko ang aking mga kamay at sinalubong pa lalo ang mga hangin.

Nawala ang ngiti ko nang may sumigaw. Natigilan ako nang lumingon. Ramdam ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ang singkit nyang mga mata ay nanlalaki habang nakatingin sa akin. Nakaawang ang labi nya. Binaba ko ang mga kamay at tuluyan na siyang hinarap. Mas lalo akong nagulat nang hilahin niya ako.

Natigil ang tingin ko sa aking pulsuhan na hawak niya. Lutang na lutang ang kulay ko dahil sa sobrang puti niya. Kailangan ko pang iangat pati ang ulo para makita ko ang mga mata niya dahil ang tangkad niya.

"Nababaliw ka na ba?! Balak mo bang magpakamatay?!"

Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya.

Umawang ang labi ko sa gulat. Sobrang lapit ng katawan ko sa kanya at amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga at pabango. Ang singkit na mga mata ay may bakas ng galit. Namumula pa ang pisngi niya.

Hindi agad ako nakasagot dahil na-distruct sa amoy niya at sa gwapong mukha. Ngayon ko lang sya natitigan sa malapitan. Dati ay tinatanaw ko lang siya sa malayo at natatakot lapitan. Natatakot kausapin. Natatakot mapalapit sa kanya.  Hindi dahil kay mommy, dahil sa school na 'to ay marami na syang naging girlfriend at nagtatagal lang yata ng tatlong linggo at mapapalitan na agad niya.

Napakurap ako nang binitawan niya ako at lumayo siya na parang napaso sa akin. Parang may tumusok sa puso ko at sumakit. Hindi nawala ang galit sa mga mata niya. Magkadikit pa rin ang dalawang kilay.

"Hindi naman ako magpapakamatay. N-nagpapahangin lang ako," kinakabahan kong sagot.

Nakakatakot ang galit nyang mga mata at bumaba ang tingin ko sa mapupula nyang labi na mariin ang pagkakatikom.

"Anong hindi?! Nagpapahangin ka kaya ka nakatayo roon? Edi paano kung mahulog ka?!"

Muli akong napapikit sa lakas ng boses niya.

Mas lalo akong natatakot dahil parang hindi siya marunong kumalma. Pumikit siya ng mariin at umiwas ng tingin. Tumigil ang tingin nya sa baunan ko.

"S-sorry... hindi naman 'yon ang intensyon ko kaya ako narito. G-gusto ko lang naman talaga magpahangin."

Chasing Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now