Chapter 12: New friend

58 7 0
                                    

"What do you want, Kends? Bilis! Libre namin!" sabi ko at ngumiti.

Umayos sya sa pagkakahiga at tinago ang mukha. Nagkatinginan kami ni Ishihara at sabay na bumuntong hininga.

Ganito si Kendra. Mabilis magbago ang mood. At kapag nagalit ay kaonting lambing ay bibigay din naman.

Lumapit kami kay Kendra at kiniliti namin sya. Tumatawa sya habang panay ang iwas sa pangingiliti namin sa kanya ni Ishihara.

Nagtawanan kami at mas lalo namin syang kiniliti. Tumigil lang kami nang hinihingal na.

"Galit ako," sabi ni Kendra habang pinipigilan ang matawa. Nagtaas kami ng kilay ni Ishihara sabay na akmang kikilitiin ulit si Kendra nang itaas nya ang dalawang kamay.

"Fine! Hindi na! Kasi kayo, eh!" Inayos nya ang nagulong buhok at sinamaan kami ng tingin.

Tumawa ako.

"Your joke was too corny, eh," sagot ni Ishi.

Tumawa ulit ako at sumang-ayon kaya lalo kaming sinamaan ng tingin ni Kendra.

"Oo na lang! Hindi nyo lang kasi agad na-gets iyung joke ko kaya corny para sa inyo, hmp!"

"So bati na?" tanong ko at ngumisi.

Umirap sya at mahinang bumuntong hininga.

"Oo nga! Para namang kaya kong magalit nang matagal sa walang kwentang dahilan!"

"Kaya mo. Umabot nga ng tatlong araw, eh."

"It's just three days! Hindi naman umabot ng one week!"

"Matagal pa rin iyon!"

"Hindi!"

"Matagal iyon para sa akin!"

"Stop! Baka pati iyan ay pag-awayan na naman," sinabi ko para matigil na sila.

Nagkatinginan sila at nagkibit balikat.

Buong araw kaming magkasamang tatlo at puro kalokohan ang ginawa.

Bumalik na ulit sa dati nilang classroom sina Ishi at Kendra ang iba pa nilang kaklase. Mas naging maayos na ang banyo at lumaki rin naman. Gusto kong matuwa dahil hindi na pumapasok sa isip ko 'yung narinig sa dating banyo na nasunog o sinunog. At kapag nakikita si Luke ay hindi na rin bumabalik sa alaala ko iyon.

Kaya katulad nang dati ay madalas ulit ako sa rooftop at likod ng school dahil minsan ay nauuna kami ng ilang minuto sa section nina Kendra. Kaya kapag uuwi o sa bahay nila na lang kami madalas nakakapag-usap at kwentuhan. Pero kung umasta kami ay parang sobrang lalayo ng mga bahay namin sa isa't-isa.

Dumaan na ang pasko at bagong taon pero kahit paano ay parang may nagbabago naman. Hindi ko na rin talaga madalas pinagtutuunan ng pansin ang takot ko kay mommy. At unti-unti kong inaayos ang pakikitungo sa ibang tao. Inaalis ko sa isipan ang mga negatibong naiisip. At hindi ko na rin iniisip ang mga iniisip nila.

Ang gusto ko lang ay makipag-usap nang maayos o makipag-close. Dahil naisip ko na hindi palaging mahalaga kung paiiralin ko ang takot kay mommy at sa mga gagawin nya. But I know, I'm doing my best. Para kay mommy lang naman na mali ang pakikipag malapit ko sa ibang mga tao.

At sinabi ko sa sarili na katulad ng mababagong taon, babaguhin ko na rin ang sarili ko. Hindi para kay mommy, hindi para kay lola at lolo kundi para sa akin. I  need to appreciate and love myself. Kalimutan ang takot at iwasang isipin ang mga iniisip ng ibang tao sa akin. Hindi naman na dapat mahalaga iyon para sa akin. Dahil wala naman silang alam. Kaya hahayaan ko na lang sila.

Chasing Him (COMPLETED)Where stories live. Discover now