Wakas (Part Two)

310K 8.9K 9.2K
                                    

Hello! This is the last part of The Broken Vow! This is my 3rd novel this year! Yay! More to come! Sana napasaya, napaiyak at napatawa kayo nina Angelo at Philie! I hope you also learned from this book. See you in Sibyl and Queen's Story! Sandejas is baccck!!!

May nakahula ba ng title? If mayro'n, dm me on twitter! Join us in our twitter party! #TBVUnbrokenVows

--

Wakas (Part Two)

Elsa: Far From Home

I couldn't remember how much I screamed and cursed that time when the bulky carabao ran after me. I didn't even know how many laps I ran just to escape it, maybe a month worth of jogging is what I've done kaya no'ng mapagod na ang kalabaw ay nag-50/50 ata ako.

"Ikaw! Kapag nalaman ni Philomena na pinahabol mo sa kalabaw ang asawa niya, naku!" Nanay Rosita exclaimed and smacked Tatay who's been staring at me sharply.

"Bakit magsusumbong ka?" Tatay spat kaya mabilis akong umiling at napasandal pa sa puno habang nag-aagaw-buhay.

"N-no..." I shook my head, "h-hindi po, Tay."

"Anong Tatay? Hindi tayo close! Sinabi ko bang tawagin mo 'kong Tatay?!" he scolded.

"Hindi po. Sorry po..." I puffed a breath, "—tatay."

"Aba, pesteng yawa—" nang inabahan niya ako ng sapok ng tsinelas niya ay napaatras na.

"Sorry po, sorry..." hinahapong bulong ko, "'di ko na po uulitin, Tatay."

Narinig ko ang diin ng mura ni Tatay sa narinig at si Nanay ay napailing lang pero natatawa, tinulak si Tatay sa bahay sabay lapit at hawak sa braso ko.

"Naku, naku, Angelo!" Nanay gasped, "yari ako kay Philomena kapag nalamang nandito ka! Ayos ka lang ba, 'nak?"

"Opo..." habol na hininga kong sabi, "s-si Tatay ang lakas pa tapos ako nag-aagaw-buhay na."

That made her laugh. Nailing siya at may kinuha sa bulsa at 'yon na lang ang ngiti ko nang iangat niya ang hawak na bimpo at pinunasan ang noo ko.

"Ikaw talaga," she sighed, "'di ko alam kung anong mayroon sa inyo ni Philomena pero sana maayos ninyo, ah? Basang-basa ka ng pawis, oh. Tumalikod ka at pupunasan ko ang likod mo."

The motherly presence with my mother, I can feel it to from Nanay Rosita kaya tumalikod ako.

"Salamat, Nay." Lambing ko.

"Magagalit kasi si Philomena kapag nalamang nandito ka tapos pinabayaan. Basa ka ng pawis, baka magkapulmonya ka. Kailangan malakas ka at malusog. Mahirap na at baka bumalik si Philie sa dati." Aniya habang abala sa pagpunas ng likod ko.

"Po? Dati?"

"Oo. Proud na proud kasi 'yon at may kayakap na sa gabi. Kapag nagkasakit ka, mahirap na at baka diploma na naman ang yakap niya." Aniya na seryoso pa pero napahagalpak ako.

It made her laugh too kaya nilingon ko siya, "she's actually telling me you're mean to her." Usyoso ko.

"Aba't totoo naman!" tumawa siya, "puro 'yan study first noon kaya nahuli ang love life. No'ng unang kita ninyo nga nag-kwento 'yan na nakita na niya ang papalit sa diploma niyang kayakap sa gabi."

Mas napatawa ako. nang humarap ako kay Nanay ay inayos niya ang buhok ko at tinapik ang pisngi ko.

"Pero kahit ginaganyan ko si Philomena, mahal na mahal ko 'yan." She smiled at me, "Reyna 'yan ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro kaya feeling special kaya alagaan mo ng special, ah? Naku, Angelo, gusto kita sa anak ko pero kapag sinaktan mo 'yan—ako pa mismo papahabol sa 'yo sa kalabaw ng Tatay mo, isama mo na 'yong mga kambing atsaka manok namin."

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon