Kabanata 2

187K 6.5K 5.3K
                                    

Kabanata 2

Sorry, girls, may nanalo na!

I gave Ika and her friends the sweetest smile I could ever give. I saw how they frowned at me pero ma-drama lang akong naglakad papunta sa may harapan ni Angelo at pabidang ibinaba ang tray ko roon.

Slowly, I flipped my hair, glancing sideways at the girls na nakita ko na lang na iritang umalis.

Bigla akong napatawa, napalakas ata dahil kumunot ang noo ni Angelo habang nakatitig sa akin kaya tinakpan ko ang bibig ko at umayos ng upo sa harapan niya.

"Sorry...sorry, nadala lang." I said, marahang tinatanggal ang kape at burger sa tray na hawak habang nakatitig sa kanya.

His intense jet black eyes stared back at me, it was nothing but a hollow of non-emotional eyes pero feeling ko ay gandang-ganda siya sa akin.

"Watch out!" biglang sabi niya pagkabaling sa kamay ko at suminghap na lang nang matantong medyo nabuhos ang mainit na kape sa kamay.

"Aray..." I groaned and he shook his head, inagaw niya ang tray sa kamay ko para ilagay sa upuan sa gilid at mabilis na inabot ang tissue at idinikit sa kamay ko.

"Are you alright?" he asked and I nodded, staring at him.

"May himala, Angelo. Masakit pero no'ng hinawakan mo, parang nawala." I said with a smile.

His brows furrowed, padarag niyang ibinaba ang kamay kong hawak at nag-iwas ng tingin kaya napatawa na ako.

"Why? Suplado naman ni Doc." I commented and he didn't say anything. I saw his jaw clenched a bit, tahimik siyang sumimsim ng kape at pinunasan ko muna ang kamay kong napaso bago ginaya siya sa pag-inom.

The silence bothered me kaya binaba ko ang kape at nagsalita, "salamat, Doc!" napaisip ako. "Uy, tunog ng palabas sa TV. Salamat, Doc!" I sang a bit and stopped when he coughed, napatakip siya sa bibig niya kaya napasinghap ako.

"Hala!" I exclaimed, "ayos ka lang?!"

He was still coughing kaya umakma akong tatayo para hawakan siya pero umiling siya sa akin at tumikhim.

"I-I'm fine..." he answered and cleared his throat again, brushing his messy hair with his fingers.

"Are you sure?" I asked again, watching his face and he nodded, wala na namang sinasabi kaya ngumuso na ako.

Why is he this way? Ang tahimik masyado.

"Uh, first time mo ba sa convention sa ibang bansa?" I asked, opening my burger. "Ako kasi first time ko lang, eh. Kaya alam mo ba, mabigat 'yong bag ko kasi madaming pinadalang pagkain si Nanay, akala ata magpi-fieldtrip ako." I chuckled.

Inangat ko ang tingin ko, I saw him staring at me kaya ngumiti ako ng malambing at ibinaba niya ang tingin sa kapeng iniinom kaya ngumuso ako.

"Ikaw, first time mo rin?" I asked and he shook his head, not saying anything.

"So...maraming beses ka na pumunta sa ibang bansa?" tanong kong muli at saglit siyang tumango kaya umawang ang labi ko.

"Wow, sana all!" I exclaimed, "ako first time ko kaya super excited ako. Nag-aalala nga sa akin si Nanay, alam mo ba? Akala ata 'di ako magaling mag-English, eh, dean's list kaya ako kaya panis mga kaklase ko sa'kin, kasali pa ako dati sa sabayang pagbigkas, English edition."

Parang walang pakialam niyang hinalo ang kape pero sa halip na mainis ay nangingisi ako, paano ba naman kasi at kahit hindi umiimik ay halata sa kanyang nakikinig.

"Mabuti na lang talaga nakilala kita rito, same lang ba ang pupuntahan natin?" Hindi siya sumagot kaya inangat ko ang kamay at kinalabit siya. "Salita naman diyan, sayang laway natin baka mapanis." Biro ko.

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now