Kabanata 23

218K 6.7K 5.5K
                                    

Kabanata 23

I'm annoyed.

"Oh, Philomena, ang aga-aga't nakabusangot ka riyang bata ka? Anong nangyari?" ani Nanay pagkakita pa lang sa akin.

Hindi ako sumagot, kinagat ko na lang ang pandesal na mainit-init pa at mas humaba ang nguso.

"Hoy, Philie." She called again, "anong nangyari't mas madilim pa sa langit ng San Isidro 'yang mukha mo?"

"Nanay, wala na akong Kiwi..." I said in a small voice and she stared at me for a while, as if she couldn't believe it and then laughed.

"Oh, ano naman? Mayro'n naman siguro sa Bayan?" she asked and I shook my head after sighing heavily.

"Wala na raw sabi ni Aling Rosing," malungkot kong sabi. "Nanay, parang mamatay na ako sa lungkot." I touched my chest and gave her a sad look.

"Ka-dramahan nga naman ng anak ko," she uttered and chuckled, "magkakaroon din 'yan, h'wag kang mag-alala. Baka nawalan ng stock kasi pinapatos mo lahat."

"Nay, one day na akong walang Kiwi!" napasipa pa ako, "gusto ko na..."

"Ano bang nangyayari sa 'yo at nag-aadik ka niyan, huh?" she asked, "kahapon, nakita kitang lumalantak ng chocolates. Naubos mo ata 'yong isang pack ng Kisses, ano?"

Natahimik ako at napaisip bago tumango, "substitute kasi 'yon, Nanay." I said, "kapag walang Kiwi, gusto kong chocolates pero medyo nagsasawa na ako. Gusto ko na ulit ng Kiwi."

"Ano ba sabi ni Rosing?" she asked.

"Baka next week pa raw magkaroon." Malungkot kong sabi, "'yong may available raw na Kiwi sa kabilang bayan pa, tatlong oras byahe kaya 'di sila makapunta kaagad."

"Ah..." she nodded, "antayin mo na lang, kaya mo naman sigurong pigilan 'yang katakawan mo."

"Nanay!" I glared at her at tinawanan lang ako, "bakit mo ako inaaway palagi?"

"Kasi ang tahimik mo minsan. Kaya inaaway kita para magdaldal ka. Ayos ka lang ba talaga?" she asked me, "hanggang ngayon ay wala pa rin kaming ideya ng Tatay mo at gano'n kayo ng asawa mo. Hindi kita pinipilit na magsabi, Philomena, pero isipin mo rin ang sarili mo. Kapag itinatago mo 'yan mas lumalalim ang sakit, mas mahihirapan kang makabangon."

"Nay..." sa sinabi niya'y parang may humaplos sa puso ko.

"Nandito lang naman ako, Philomena. Alam ko madalas tayong naglolokohan pero seryoso akong makikinig ako, naiintindihan mo?" she tapped my hand kaya ngumiti ako. "Si Angelo, nakikita kong seryoso ang pagsuyo sa 'yo. Kinausap ko na 'yan noong nakaraan na umuwi na lang at ayaw mo siyang kausapin pero sabi niya'y ayos lang daw. Aantayin ka raw niya at hindi guguluhin, gusto niya raw tumulong doon sa sakahan natin."

"Nanay, kapag...kapag kunwari sinabi ko sa 'yong maghihiwalay kami, ayos lang ba?"

Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mata roon, ang sakit ay namuo kaya napalunok ako.

"K-kunwari lang..." I trailed off, thinking of more ways to tell them the truth of us, separating.

"Masakit, s'yempre." She lowered her head, "parang naging anak na rin namin 'yang si Angelo sa tagal ng relasyon niyong dalawa. Nanay ako at may asawa rin. Nakikita ko namang maayos ang batang 'yon at ramdam kong mahal na mahal ka pero...ano bang magagawa ko kung ayaw mo na?"

Sumikip ang dibdib ko at mas humigpit ang hawak sa kanyang kamay.

"Ano ba talagang nangyari, Philie? Baka naman makatulong ako? Nangaliwa ba 'yan? Kung oo'y sinasabi ko sa 'yong hiwalayan mo na."

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now