Kabanata 12

145K 5.4K 3.9K
                                    

Kabanata 12

The wedding successfully ended and we had fun in our reception near the beach. Pinaghandaan lahat, simula sa damit ng mga bridesmaid, sa groom's men, sa mga flower girl at pati na rin ang sa sponsors namin.

Angelo is having fun with his friends, ayaw pa nga munang humiwalay sa akin at palaging nakalingkis na akala mo'y mawawala ako pero napilit ng mga kaibigan kaya naroon at naglolokohan sila.

I smiled and chuckled, watching them teasing Gelo in the middle.

"Nice naman, blooming na blooming ang bagong kasal!" Cairis exclaimed kaya mabilis akong tumayo para yumakap.

Nagtawanan pa kami at inaya ko siyang maupo saglit.

"You two finally got each other, huh?" ngiti niya kaya natatawang tumango ako at muling sumulyap sa asawa kong inaasar ng mga kaibigan pero ngayo'y nakabusangot na roon at naninipa.

"Who would have thought, right?" I chuckled and glanced at her. "I mean, I liked him a lot, I fell in love with him since I get to know him kaya nakakagulat din na ganito ang ending namin."

"Persistent ka kasi kaya nahulog din sa taong yelo, alam mo namang simula dati pa walang emosyon 'yan, parang si Tito Terrence." Nagkatawanan kami nang matantong mana nga talaga ang asawa ko sa Dad niya.

"But still...you melted the ice." She said and smiled. "Sana all, Philie."

"Ganyan talaga—"

"Excuse me, uhm, hi, Philie!" nawala ang atensyon ko sa kaibigan nang may magsalita sa may gilid ko at napatayo ako nang makita ang isang babaeng naka-dress at may hawak na paper bag.

"Oh, Samantha!" napangiti ako, hindi pinahalata ang gulat sa mga mata na nandito siya.

I thought she's not coming? Then...

"Congratulations sa wedding, Philie!" she smiled and offered me her gift. "Pasensya na at hindi ako nakadating ng maaga."

Her voice is friendly kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Ayos lang, salamat. Kain ka na." I said, pointing the buffet table.

"Oh, sure. Congrats again, where's Dean?" she smiled.

"Dean?" my forehead creased.

"Oh, sorry, I mean Angelo. Sorry, nasanay akong tawagin siya sa first name." Tawa niya at bigla kong naisip ang first name ng asawa ko kaya marahan akong tumango, nag-aalangan pa noong una.

"Uhm, there. Sa mga kaibigan niya." I said.

She nodded, nag-beso at saglit na yumakap bago pumunta sa asawa ko para bumati.

"Huh, she still calls my cousin Dean." Napasulyap ako kay Cairis nang magsalita siya. She sounded sarcastic. "Hindi maka-move-on?"

"Cairis," I called softly. "It's in the past, wala na 'yon. She looks friendly tho."

Ngumiwi lang siya sa akin at tumango. "Sa bagay, Angelo chose you. Wala na siyang magagawa."

"Sana nga friendly," biglang sumingit si Phoebe na may kagat-kagat pang cupcake na nasa dessert namin. "She smells fishy to me, tignan mo kung paano makahawak sa braso ng asawa mo."

I am not the type to think bad about people around me, hindi ako 'yong tipong pagdududuhan ang lahat kahit hindi ko pa sila lubos na kilala pero napatitig ako sa kamay ni Sam sa braso ni Gelo.

It was resting there, tahimik si Gelo, nakikita ko. Medyo umusog pa pero dumikit muli si Sam kaya napatikhim ako.

"I think she's not like that," I said and glanced at my friends. "Kasal na kami ni Gelo, ako lang nakatunaw sa yelo niya. Even Sam couldn't do that, right?" confident ko pang sabi, inaalis ang kung anong masamang naiisip kasi mali.

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Where stories live. Discover now