Kabanata 28

201K 7.2K 6K
                                    

It's been a while! Thank you for the patience, Archers! 2 more chaps to go!

--

Kabanata 28

The past months has been hard for us, it was tiring and saddening. Naalala ko pa nga ang nangyari noon sa ospital ng San Isidro noong nag-OB siya. Dami ko pang sinasabi sa utak kong impossible pero mukhang manifesting ang nangyari.

"Philie, good morning!" bumati rin ako bago nag time-in at nakita ang mga professor ko dati noong dito pa ako nagsisimula.

Saglit ko silang kinausap at nagbatian, akala ko'y makaalis na ako pero may tinawag sila sa may likuran.

"Oh, Dra. Philie, we also have a new OB here in San Isidro!" she exclaimed, mabilis akong napalingon at nakita ang pamilyar na lalaking papalapit sa amin.

Angelo's now wearing his white doctor's coat, nakasalamin pa at may hawak na chart pero nang tinawag ay mabilis na napaangat ng tingin.

Our eyes met, he smiled at me a little pero mabilis akong nag-iwas at bumaling sa mga senior ko. Napapanguso na.

'Di talaga 'ko lulubayan ng hamog na pastol na 'to!

Angelo lowered his chart and walked closer, nang tumabi siya sa akin at magdikit ng bahagya ang mga kamay ay may kung anong kuryenteng dumaloy doon kaya natulos ako.

I think he felt it too because of his sudden movement, medyo napatitig siya sa kanyang kamay bago ako tignan pero hindi ako sumulyap pabalik.

"Dr. Samaniego," Dra. called him with a smile, "I want you to meet our newest Pediatrician. We'll she isn't really knew, nandito siya nanggaling bago lumipat sa ospital niyo sa Maynila. Maybe, you two knew each other?" she asked, obviously not knowing our status.

Kakauwi lang kasi nila sa convention sa abroad at ako kaagad ang naabutan nang malamang nag-contractual ako muli sa ospital namin dito.

Napatingin silang lahat sa akin kaya mabilis akong umiling, "no." I answered. "Not personally, Dra."

"Oh, really? I thought magkakilala kayo talaga dahil sabay kayong pumunta rito. You are a contractual too, Doc? Bakit biglaan naman? Kumusta ang Maynila?"

"It's good," his baritone voice answered, "it's just that my home's here." Naramdaman ko ang titig niya sa akin pero 'di ko nilingon.

"Oh, nakabili kang lupa?" Dra. asked brightly, "naku, maganda iyan! Hindi lang kilala ang San Isidro pero sa tanawin ay busog na busog ka! Sakto rin at may Doktora tayo ritong maganda!"

Nagulat ako nang pabiro akong siniko ni Dra. kaya napaayos ako ng tayo.

"P-po?" I asked.

"Asus, si Philie..." she even giggled. "May boyfriend ka na ba, hija? Aba't, bagay kayo nitong si Dr. Samaniego, oh? Ang gwapong bata!"

"Wala po, Dra." I shook my head, "atsaka wala akong time—"

"Asus, puro ka rin study first noon, eh! Sige na, nagtataka talaga ko't 'di kayo magkakilala at nasa isang ospital lang kayo noon?" she even glanced at Angelo who then cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya.

"I guess I should formally introduce myself to our beautiful pediatrician here?" he asked, staring intently at me kaya muling nagwala ang puso ko. I felt like my stomach is churning and Dra. is giggling beside me.

"Dr. Dean Angelo Samaniego, Dra. Suarez." He said and offered his hand. "Single and ready to mingle."

Nagitla ako roon, narinig ko ang tawa ni Dra. at mas siniko pa ako na kinikilig kaya kinagat ko ang labi at unti-unting inangat ang kamay para makipagkamay sa kanya.

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang