SIXTEEN

12 2 0
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Miss Jimenez ay agad din naman akong bumalik sa room namin. Habang naglalakad ako pabalik, naramdaman kong parang may sumusunod sa akin kaya naman tumingin ako sa likod pero nung lumingon ako eh wala naman akong nakitang tao, nagtaka ako syempre pero hindi ko na lang rin pinansin dahil baka nagha-hallucinate nanaman ako. Hindi na bago sakin yung ganitong scenario, yung bigla bigla na lang magha-hallucinate, pero ewan ko ba, ngayon kase iba yung pakiramdam ko, pakiramdam ko meron talagang sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa yung paglalakad ko na halos tumatakbo na ako.

Sa sobrang pagkataranta ko eh hindi ko na napansin na meron na pala akong makakasalubong at dahil don ay nagkabanggaan kami dahilan para ma-out balance ako at mapa-upo sa sahig.

"Oh Shit/Ahhh!!" sabay na sabi naming dalawa

"Elysia?... Shit sorry.... Okay ka lang ba?" rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses kaya naman tumingala ako para makilala kung sino yung taong nakabanggaan ko at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay napakunot naman ang noo nya tsaka sya umupo din sa harapan ko..

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" mahinahon at concerned na tanong nya at nagtataka naman akong nakatingin lang sakanya

'Umiiyak? Ako?' takang tanong ko sa sarili ko habang dahan dahang hinaplos yung pisngi ko at nagulat ako dahil umiiyak nga talaga ako

"Here..... Hindi ko pa nagagamit yan don't worry..." muling saad nya sabay abot sakin ng isang panyo na agad ko din namang kinuha

"S-Salamat..." mahinang sabi ko saka dahan dahang tumayo napansin nya siguro na medyo nahihirapan akong tumayo kaya agad nyang hinawakan yung magkabilang braso ko saka nya ako tinulungan tumayo

"Are you okay? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong nya ulit ng makatayo na ako ng maayos

"Hindi na, ayos lang ako..."

"Sigurado ka? Umiiyak ka kanina eh, baka iba pang masakit sayo"

"Hindi ako umiiyak napuwing lang ako kaya nagluluha yung mata ko" pagdadahilan ko at mukhang naniwala naman sya dahil nakita kong tumatango sya

"Ehhh bakit ka tumatakbo?" muling tanong nya na ikinatigil ko sa paglalakad and unconsciously tumingin ako sa likod

"Ely?"

"H-ha?"

"Tinatanong ko kung bakit ka tumatakbo kanina..."

"A-ahhh a-ano.... kase ano... a-akala ko kase m-may sumusunod sakin p-pero guni-guni ko lang siguro yun" paliwanag ko saka binigyan sya ng isang ngiti pero binigyan nya lang ako ng isang tingin na hindi ko mabasa kaya umiwas na lang ako ng tingin sakanya at hindi ko na sya hinintay at nauna na akong maglakad ulit

'Siguro iniisip nyang nasisiraan na ako ng ulo... Sino ba naman kaseng normal na tao ang hahabol sakin sa hallway ng school na'to...' saad ko sa isip ko habang umiiling-iling pa

"Teka Ely!!! Ihahatid na kita sa classroom mo...." rinig kong sabi ni Dave sa likod ko kaya tumigil ako sandal para makasabay sya sakin pero hindi ko sya nilingon

Tahimik lang kaming naglalakad, walang gustong magsalita sa aming dalawa, hindi ko din naman alam ang sasabihin ko at mas lalong ayaw ko ng ipahiya pa lalo yung sarili ko sa harap nya. Kotang-kota na ako ngayong araw na'to

"Nandito na tayo" gulat akong naptingin sakanya ng bigla syang magsalita

"Nandito na tayo sa room nyo..."

" Ahh... O-oo salamat sa paghatid" sabi ko at ngumiti sakanya

Papasok na sana ako nang bigla naman akong hinawakan ni Dave sa kamay ko, buti na lang wala pa yung kasunod na subject teacher namin, pero halos lahat ng kaklase ko nakatingin saaming dalawa...

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now