EIGHT

29 2 0
                                    

Nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sakin. Nakarinig din ako ng mga boses sa labas ng kwarto pero hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila dahil tuwing nagsasalita sila ay isang matinis na tunog lang ang naririnig ko.

'Ano bang nanyari? Nasaan ako?' Tanong ko sa sarili ko habang inililibot ang mga mata ko sa buong kwarto

Sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari bago ako mapunta sa lugar na ito, pero ang tanging naaalala ko lang ay magkausap kami ni Anne sa labas ng classroom namin at tinawag nya ako sa pangalang hindi ko na matandaan.

Sinusubukan ko din na igalaw ang katawan ko para sana umupo, pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko may isang mabigat na bagay ang nakapatong sakin.

Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ng marinig kong bumukas ito at napakunot ang noo ko ng pumasok ang dalawang lalaking hindi ko kilala at imposibleng makilala ko sila dahil sa sobrang labo ng mga mukha nila.

Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung anong sinasabi nila dahil wala akong maintindihan kahit isa.

Sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas sakin, para akong natuyuan na lalamunan pero hindi ako tumigil hanggang sa unti-unting bumalik yung boses ko.

"Na...nasa...nasaan ako?" Mahina at utal kong sambit pero mukha namang narinig nilang pareho dahil bigla silang napatingin sa direksyon kung nasan ako at dali-dali namang lumapit sakin yung unang lalaking pumasok kanina

Nang makalapit sya saakin ay naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko at hindi ko naman maialis ang tingin ko sa kanyang mga ngiti na ngayon ay malinaw na, pero hindi ang buo nyang mukha.

Tinititigan ko lang sya at sinusubukang aninagin ang mukha nya pero malabo talaga kaya't bumalik ang tingin ko sa mga labi nya at nakita ko namang bumubuka ang bibig nya na parang may sinasabi pero wala akong marinig at maiintindihan.

"Sino ka?" Muling tanong ko gamit ang mahinang boses at nakita ko namang napatigil sya sa pagsasalita nya

"Sino ka? Sino kayo? Nasaan ako?" Muling tanong ko habang nararamdaman kong unti unti ng nababasa ang pisngi ko

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawang taong nandito sa loob ng kwarto, umaasang may maririnig akong sagot mula sa kanila pero isang mahigpit na yakap lang ang natanggap ko mula sa lalaking kanina ay nakahawak sa kamay ko.

"Please, ibalik nyo na ako... iuwi nyo na ako... ayoko dito, gusto ko kay lola..... Please..." Pagmamakaawa ko habang mas maraming luha pa ang dumadaloy sa magkabilang pisngi ko, pero mas humigpit lang ang yakap ng lalaki sakin

"Please...." Paulit-ulit kong sambit pero kahit isa wala akong narinig na sagot mula sakanilang dalawa

Hindi ko alam kung nagsasalita ba sila at sinasagot yung mga tanong ko o sadyang hindi lang sila nagsasalita. Hindi ko sila kilala, hindi ko maaninag ng maayos ang kanilang mga mukha, at hindi ko maintindihan ang mga salitang sinasabi nila dahil sa matinis na tunog na sumasabay sa bawat buka ng bibig nila, kaya't laking gulat ko na lang ng marinig ko ang isang bago ngunit pamilyar na boses na bumubulong sakin sa paraan na para bang natatakot syang masaktan ako.

"It took you long enough to be back even though it's just temporary and I will not mind to wait for another months... or years for you to come back to me permanently... For now, just rest...." Tinanggal nya ang mga braso nyang nakayakap sa katawan ko at unti unti tumayo sa gilid ng higaang kinalalagyan ko

Masyado akong nagulat sa boses na narinig ko kaya't wala akong nagawa kundi ang titigan ang parte ng mukha nyang malinaw sa paningin ko. Kagat kagat nya ang pang-ibabang labi nya na para bang ito lang yung naiisip nyang paraan para pigilan yung sarili nya sa pag-iyak.

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now