TWELVE

32 3 0
                                    

Having different kind of thoughts and thousands of emotions inside your head are enough to make you insane. Yung tipong hindi mo na alam kung alin at ano yung paniniwalaan mo kaya unti-unti ka ng nawawalan ng tiwala sa lahat ng bagay pati na rin sa sarili at desisyon mo. Palagi na lang merong pagdududa kung tama ba ang desisyong ginawa mo o dapat ka bang magdesisyon.

Mahirap malagay sa ganitong sitwasyon lalo na kung hindi mo alam yung dahilan kung bakit nangyayari sayo lahat ng yon pero wala ka na lang din magagawa kundi pakisamahan ang mga nangyayari at makisabay sa kung paano laruin ng tadhana ang buhay mo. Wala eh, wala kang laban, dahil bulag ka sa katotohanan.

Minsan nga napapa-isip na lang ako, 'normal pa ba ako? Ito ba talaga yung mundo ko? Nararapat ba ako dito?', pero lahat ng iyon ay naiiwang mga tanong na walang sagot. Kahit saan ako tumingin o mangapa, wala akong makitang sagot sa mga tanong na sarili ko din mismo ang gumawa.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang mawala sa paningin ko sina Josh at Anne at muling humarap kay lola at ngumiti na parang walang nangyari.

"Pasok na po tayo, la..." Saad ko bago ako maunang pumasok sa loob ng bahay nang hindi na hinintay pang makasagot si lola

'Let time do it's mission... You just need to have faith in your mind and heart...'

Those lines that lola told me earlier was like a puzzle. I don't know. It's confusing yet comforting in a way that I can't explain.

Ang mga salitang yun ang nagbigay ng kaunting kasiguraduhan saken na matatapos din ang lahat ng ito, na malalaman ko din ang kasagutan, na babalik lahat sa normal...

Pero hindi pa rin mawala sakin yung pakiramdam na parang pati si lola may tinatago sakin. Simula kase ng sabihin ko kay lola yung mga nakikita ko sa panaginip ko wala syang ibang ginawa kundi bigyan ako ng mga malalalim na mensahe na kahit ako hindi ko alam kung ano bang kinalaman ng lahat ng yon sa mga nakikita ko. Kahit nakikita nyang nahihirapan ako, ang sasabihin lang nya, "don't cry, he'll not like it...", laging ganyan, tho pabulong nyang sinasabi yun, naririnig ko pa rin. Hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya pero palagi akong nawawalan ng lakas ng loob na itanong kay lola kung ano ang mga ibig sabihin ng mga mensaheng binabanggit nya at kung sino yung taong tinutukoy nya.

BREAKING NEWS!!!

THE FAMOUS WRITER, "Nabiscapes", WHO WAS ADMITTED TO ST. JONAS HOSPITAL 5 MONTHS AGO DUE TO AN ACCIDENT, WHICH LEAD THE WRITER TO BE UNDER COMA, WOKE UP 5 DAYS AGO. IT'S STILL A SHOCKING NEWS TO THE FAMILY OF THE WRITER EVEN THOUGH IT'S ONLY FOR A FEW MINUTES THAT THE WRITER OPENED HER EYES. WE ALSO TRIED TO GATHER UP SOME STATEMENTS AND REACTIONS FROM HER FAMILY BUT THEY REFUSED TO TALK, SAYING, THEY NEED PRIVACY ABOUT THIS MATTER AND THEY'LL ONLY INFORM US IF THE WRITER'S CONDITION GOT BETTER.

Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan nang marinig ko ang balitang yon. Hindi ako pamilyar sa nasabing writer pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba nang marinig ko ang balitang iyon.

'Nabiscapes' sounds familiar for some reasons tho, pero wala akong matandaan na nakabasa na ako ng mga libro nya. The name itself was familiar but not the person who has this name, kaya bakit parang bigla akong kinabahan?

"Mabuti naman na nagiging okay na sya kahit papaano" napalingon naman ako kay lola nang marinig ko ang boses ni lola kaya napatingin ako sakanya at nagulat ako nang makita ko sya na nasa tabi ko.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Kilala nyo po ba sya?" Tanong ko

"Marami akong nakikitang mga balita tungkol sakanya at sa mga obra na sinusulat niya at kung hindi ako nagkakamali sa obserbasyon ko masyado ng maraming pinagdaanan sa buhay ang bata na yan, kaya di na din ako nagtaka nang ibalita na isinugod sya sa ospital at under coma. Di mo rin naman kasi sya masisisi kung gusto nyang magpahinga sa buhay kahit saglit lang." Sagot ni lola pero as usual wala akong naintindihan sa mga sinabi nya

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now