SIX

30 2 0
                                    

Recess time na namin ngayon at nasa labas ako ng classroom. Wala lang, ang ingay kasi sa loob eh, wala akong gana makinig ng mga iba't iba nilang ganap sa buhay kaya sa labas na lang ako tumambay. Si Josh hanggang ngayon di pa rin ako kinakausap, tinitingnan? Oo, pero hindi nya ako kinakausap. Siguro napapansin nya na wala akong gana makipagbiruan at makipag-usap kaya ayun, yung ibang mga kaklase namin yung inaasar at kulinukulit. Ewan ko nga kung pano natagalan ni Anne ng dalawang taon 'yang si Josh eh, sobrang magkaiba kase nila, si Anne tahimik, si Josh naman maingay at makulit.

"Parang ang lalim naman ata ng iniisip mo, baka malunod ka nyan..." Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likod ko kaya tumingin ako sa likod at nakita ko si Anne na nakasandal sa pader

"Kanina ka pa?" Tanong ko at umiling naman sya bago naglakad papalapit sa tabi ko

Binalik ko naman yung tingin ko sa mga ulap. Hindi ko alam pero nakakakalma kapag tumitingin ako sa mga ulap, nawawala lahat ng iniisip at pinoproblema ko.

"Alam mo..." Napatingin ulit ako kay Anne nang bigla syang magsalita, pero hindi sya nakatingin sakin

"Hmm?"

"...before I met Josh, hindi na ako umaasa na may magmamahal sakin ulit, kase sino ba naman ako diba? I'm cold, I push everyone who wants to help me, I leave everyone who cares for me, and I hurt everyone who loves everything about me. Lahat yun ginagawa ko because I don't believe in love anymore after maghiwalay ng mga magulang ko at mamatay yung mommy ko. I thought love will only cause you too much pain that'll will cause you to death kase yun yung naranasan ng mommy. Nasaktan sya ng sobra na hindi na kinaya ng katawan at puso nya. Natakot akong magmahal, natakot akong makaramdam ng pagmamahal, but that was until I meet Josh in the hospital..." Tumigil sya sa pagsasalita bago pinaglaruan yung mga daliri nya

Nakatingin lang ako sakanya at pinagmamasdan yung ekspresyon nya. Hindi sya malungkot, hindi ko din naman masabing masaya....

"Tapos anong nangyari nung makilala mo si Josh?" Tanong ko dahil masyado na akong kinain ng kuryosidad

"Hindi pangkaraniwan yung unang pagkikita namin ni Josh, kahit nga ako hanggang ngayon hindi pa din makapaniwala na ganun yung unang beses naming pagkikita at pag-uusap..." Tumigil ulit sya pero ngayon tumingin na sya sakin deretso sa mga mata ko ay hindi ko magawang umiwas ng tingin

"I first met him when he's in a coma for three weeks and I first talked to him when he's just a lost soul... A soul who's lost and doesn't know how to go back to his own body..."

"Huh?" Naguguluhang tanong ko dahil, posible ba talagang mangyari yung bagay na yun?

"I know mahirap paniwalaan pero maniwala ka man o hindi, yun yung totoong nangyari..." Umiwas sya ng tingin sakin at muling tumingin sa mga ulap

"I was in the chapel that time dahil yun yung parehong araw na sinabi ng doctor na wala na yung mommy ko. Hindi ko alam yung gagawin ko nun dahil yung tita ko nasa trabaho kaya ako lang mag-isa yung bantay ni mommy... I remember sitting beside my mom's hospital bed nang bigla kong marinig yung machine na nakakabit sa katawan ni mommy na tumunog ng isang matinis at mahabang tunog. Natakot ako kaya tumakbo ako palabas at humingi ng tulong, luckily for me, hindi ko na kailangan bumaba ng ground floor para sunduin yung doctor dahil nakasalubong ko na sya, kaya agad kong hinila yung doctor papasok sa kwarto ni mommy, nung nakita nila yung nangyayari kay mommy agad nila akong pinalabas at di nila akong hinahayaang makapasok sa loob... Umiiyak lang ako at nagmamakaawa na papasukin ako pero hindi nila ako pinapakinggan not until narinig ko yung boses ni mom na sinasabi sakin na kapag may problema ako at gusto ko ng kausap lumapit lang ako sa kanya..." Sabi nya sabay turo sa langit kaya napangiti naman ako

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now