FOURTEEN

37 2 0
                                    

Nang makarating ako sa school ay sakto namang tumunog yung bell. Medyo nahirapan akong makaalis ng bahay dahil hindi ako pinapakawalan ni lola hangga't hindi ko sinasabi yung dahilan kung bakit namamaga yung mga mata ko, kaya wala akong choice kundi sabihin yung dahilan na umiyak ako buti na lang hindi na nya tinanong yung dahilan ng pag iyak ko dahil paniguradong hindi ko alam kung anong isasagot ko kay lola. I mean alam ko naman yung sagot and I do trust her, she's my lola after all, pero kase sa mga past events na nangyayari saken palaging si lola yung kasama ko and she's acting weird everytime nakikita nya akong nahihirapan. I feel like she's blaming me in a way na hindi ko maipaliwanag pero nararamdaman ko. Hindi ko naman sya matanong ng maayos dahil hindi ko maintindihan yung mga sagot nya at minsan din yung mga sagot nya yung nagti-trigger sakin na magfaint na lang out of nowhere, so you can't blame me diba?

"Ely!!" Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng classroom ko. Naramdaman ko na lang bigla na may yumakap sakin.

"Ely!! OMG! Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nahihilo? Ano?! Ely magsalita ka! Ohmyghad don't tell me na hindi ka na marunong magsalita ngayon? OMG Ely, don't worry I'll---" hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil nagsalita na rin ako

"How can I utter a word when you keep on rambling multiple questions through my ear?!" I snapped. I mean I didn't mean but it just happen and I immediately feel guilty when I saw the look on Jane's face and also Josh and Anne's.

"Shit! Jane look I'm sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka. Hindi lang talaga maganda yung simula ng umaga ko ngayon eh... I'm sorry.." saad ko habang nakayuko. Hindi ko siya magawang tingnan ng deretso dahil nahihiya ako sa inasal ko kanina. Alam ko namang nag-aalala sila at hindi ko naman sila masisisi dahil kung ako yung nasa katayuan nila sigurado ako ng ganun din yung gagawin ko. Hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko, naiinis ako na nalulungkot na ewan. Hindi ko na alam yung nagyayari.

"Hey it's okay. Wag ka ng umiyak after all it's just a simple misunderstanding..." Saad ni Jane habang pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko

Tumango na lang ako kay Jane dahil I can't trust my voice right now, parang feeling ko kapag nagsalita ako hindi ako makakabuo ng kahit isang word lang dahil iiyak nanaman ako.

Muling tumunog ang bell kaya kailangan na naming pumasok sa kanya kanya naming classroom. Nagpaalam na si Jane na papasok na sya sa classroom nya at sabay na lang daw kaming apat magrecess mamaya.

Pumasok na kaming tatlo sa classroom namin at dumiretso agad ako sa assigned seat ko. Tumigil pa kase si Josh sa iba nyang kaibigang lalaki para makipagkwentuhan kaya nauna na ako. Umpisa pa lang ng araw pero pakiramdam ko pagod na pagod na agad ako

"Ely?" Narinig kong tawag no Anne sa likod ko

'Dumeretso din pala sya sa upuan nya, akala ko sasabay sya kay Josh eh' pagkausap ko sa sarili ko

"Hmm?" Yun lang ang tanging naging sagot ko

"Alam mo napapansin ko lang ha, this past few weeks nagiging iyakin ka na, I mean it's not a bad thing pero kase I know you as a tough girl na hindi basta basta umiiyak but now you seem...... weak?" She said kaya napatingin ako sakanya at tinaasan na lang sya ng kilay, sana lang hindi ako ng mukhang mataray dahil don

"Weak?" I almost whispered not having enough strength to talk loudly

"Yeah... Not physically weak but emotionally. You seem tired also." She said using her worried tone. Minsan lang nya iparinig yung boses nya na yun pero kapag pinarinig nya sayo yun she really cares about you. Ayun yung napansin ko kay Anne sa mga taong nagkasama kami

"It's nothing Anne... I'm fine" Saad ko at binigyan sya ng isang maliit at pilit na ngiti bago muling tumingin sa harapan habang hinihintay yung adviser namin

Narinig kong huminga sya ng malalim at parang may gusto pa syang sabihin pero hindi na lang din sya nagsalit ulit..... Or so I thought....

"Do you still remember how me and Josh met?" Tanong nya kaya nilingon ko ulit sya nd she have a small smile on her lips now

Sa totoo lang bagay sakanya yung laging nakangiti pero hindi nya kase pinapakita sa iba yung ngiti nya pwera na lang kung malapit ka sakanya. She's really beautiful, inside and out.

"How you and Josh met?" Pag uulit ko sa tanong nya and she nodded her head

Pinipilit kong alalahanin yung mga bagay na kinuwento nya saken and it's really hard to remember dahil naghalo halo na yung mga nangyayaro sa utak ko at hindi ko na alam yung totoo. But suddenly I heard her voice in the back of my head.

"I first met him when he's in a coma for three weeks and I first talked to him when he's just a lost soul... A soul who's lost and doesn't know how to go back to his own body..."

"Lost soul?" I whispered questioningly. Those words are familiar to me, parang narinig ko na din syang sinabi ng ibang tao sakin

"Yes, Ely. A lost soul. It's rare case but it's not impossible. Ely I understand you're situation but I can't help you to find your way back but I can only say this to you. Trust your heart, do what your heart desires and don't hesitate to follow it. Mind can forget but not the heart. Always remember that."

"Wait but how?" I asked proud of myself that I didn't stutter for the first time after hearing such words. Minsan kase yung mga salita na yun yung nagti-trigger sakin para makaramdam ng sakit ng ulo or worst nagiging dahilan ng pagkawala ng malay ko

"What how?"

"How can you be so sure that my situation and Josh's situation before is the same? Kase you sabi mo diba kaluluwa ni Josh yung nakita at nakausap mo before while I'm here infront of you young and alive, how can I be one of those lost soul you're talking about?"

"Minsan ba napapaisip ka na lang kung nababagay ka ba talaga sa mundong ito?" Tanong ni Anne at tumango naman ako dahil totoo naman, ilang beses ko ng tinanong yung sarili oo kung nababagay ba ako sa mundong ito o ito ba talaga yung mundo ko

"Nararamdaman mo bang may kulang? Nararamdaman mo ba sa puso mo na parang nakakasakit ka ng isang tao kahit wala ka namang sinasaktan? Naranasan mo na bang umiyak dahil lang pakiramdam mo may naiwan ka? Dahil kung oo lahat ang sagot ko sa mga tanong na binaggit ko, Ely you're no doubt one of them...." Pagpapatuloy pa nya at dahil don para akong nawalan ng mga salitang sasabihin para kumontra at sabihing ilusyon lang lahat yun

"I... I d-don't know... Hindi ko pa rin maintindihan, Anne..." Naiiyak na sabi ko sakanya

"Me and Josh's situation are completely different kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pinipilit mo na isa ako sa mag lost soul na tinutukoy mo..." Dagdag ko pa

"Ely... Hindi lang iisang klase ang lost soul. There are different types of lost souls, just like how people define love base on their experiences, types of lost souls can be defined on what the lost soul's situation is." Paliwanag nya

"Josh's situation is just a simple lost soul situation kung saan naligaw sya dahil aksidente syang nahiwalay sa katawan nya and he doesn't know how to come back dahil hindi nya rin alam kung paano sya napahiwalay. And yours Ely..." Sambit nya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko

"You chose to escape from your body, you chose to leave, you chose to be one of the lost souls and you chose to forget. Your mind don't want to be on your real body anymore but your heart is craving to go back kaya ka nahihirapan paniwalaan lahat. Ely you know what the truth is, ayaw mo lang itong tanggapin... So please be open and accept the truth, stop hurting yourself..." Hinawakan nya ang mga kamay ko na ngayon ay nanginginig na dahil sa mga impormasyon na nalalaman ko mula kay Anne

"I know a lost soul when I see one, Ely... And don't worry, you don't need to rush yourself for everything, just trust your heart and the light will come and it will guide you back home..." Muling saad nya at magsasalita pa lang sana ulit ako pero narinig ko ng pumasok and adviser namin sa classroom.

Binigyan nya lang ako ng isang tango at maliit na ngiti bago nya binitawan ang mga kamay ko. Huminga naman ako ng malalim bago muling humarap sa harapan.

'So you're real? And you don't just live in my imagination?'

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now