TEN

29 2 0
                                    

"They are your reality Elle, we are just part of your dream. You need to come back to your reality soon Elle. You need to, no matter what."

'Anong ibig sabihin ni lola sa sinabi nyang yon? Bakit pati sya sinasabing kailangan kong bumalik sa reyalidad? Hindi ba ito ang reyalidad? Kung hindi ito, ano? Bakit di na lang nila sabihin saken ng deretso kung talagang ayaw nila ako makitang nahihirapan?' Kunot-noong saad ko sa isip ko habang inaalala ang huling sinabi sakin ni lola ng gabing iyon

Ilang araw na ang nakalilipas nang sabihin ni lola yon at ilang araw na din ang nakalilipas ng may makita ako sa panaginip ko na konektado sa misteryosong lalaki na laging laman nito.

I was too focused thinking about lola's behavior recently at yung mga bagay na sinabi nya sakin. Simula ng gabing nagbreakdown at nagkwento ako kay lola tungkol sa mga nakikita ko, she seems more distant at masyado na rin syng maingat magsalita. Masyadong weird ngayon si lola at kanina lang bago ako umalis ng bahay para makipagkita kina Anne at Josh ay may binigay sya sa saakin na kwintas out of no where....

Nagtataka ako syempre, dahil wala namang okasyon para bigyan nya ako ng regalo at malayo pa rin naman ang birthday ko kaya para saan to....

Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang kwintas na ngayon ay suot ko....

'Sabi ni lola sakin daw talaga itong kwintas na to, pero wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng kwintas na may pendant na paru-paro at may initials na CB, hindi naman ito ang initials ng pangalan ko kaya mas nagtataka ako kung bakit pinipilit ni lola na sakin talaga ang kwintas na toh...'

~Few Hours Ago~

Ilang minuto na akong naghihintay kay lola pero hindi pa rin sya bumababa, sabi nya kase may kukunin lng sya sa kwarto nya at hintayin ko sya bago ako umalis, pero hanggang ngayon hindi pa rin sya bumababa.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kulinuha at tiningnan kung sino yung nagtext sakin....

Josh:
Hey, nandito na kami sa labas ng bahay nyo.

Napahinga ako ng malalim bago ako nagreply sakanya na lalabas na din ako. Tumayo ako sa sofa na kinauupuan ko at nagsimulang umakyat papunta sa kwarto ni lola, pero hindi pa man ako nakakaapak sa panglimang hakbang ng makita ko si lola na kumabas ng kwarto nya.

"Oh Ely... pasensya na apo, naghintay ka ba ng matagal?" Tanong ni lola ng makita nya ako at lumapit sya sakin

"Hindi po La.... Uhhh lola?"

"Hmm?"

"Nanjan na po kase sina Josh sa labas, hinihintay na po ako..."

"Ah ganun ba? Oh sya sige, mag ingat kayo ha, pakikamusta mo na lang ako kay Josh at Anne..."

"Opo La... Babalik din po ako bago mag ala-sais...." Pagpapaalam ko dahil ayoko ng mag-alala ulit sakin si lola dahil sa paghihintay

"Sige apo pero sa restaurant ka na dumeretso mamaya ha, pupunta din kase ako ngayon doon at may aasikasuhin ako..."

"Sige po lola.... Una na po ako..." Sabi ko pa at tumango sya kaya humalik ako sa pisngi nya bago muling bumaba ng hagdan at maglalakad na sana ako papunta sa pinto pero bago ko mabuksan ng tuluyan ang pinto bigla ulit akong tinawag ni lola kaya naman napalingon ulit ako sa kanya.

"Bakit po?" Tanong ko dahil baka may nakalimutan syang sabihin sakin pero nagulat na lang ako ng may isang maliit at kulay pulang box syang iniabot sakin

Spring Day (ON-HOLD)Where stories live. Discover now