Isla Trenta'y Nueve: Tulak

4 2 0
                                    

Halos lumipad ang kaluluwa ko ng may yumugyog sa akin at biglang nanampal. Why the hell she needs to do this! Natutulog yung tao!

Pagmulat ko, si Carina agad ang bumungad sa akin.

"Darn it! Gumising ka rin!" Sigaw niya mismo sa akin sabay takbo na palayo.

"Bangon na, nagsisimula na silang humabol." Nilahad ni Elrich ang kamay sa akin. Tinanggap ko 'yon at hinila niya ako patayo.

Erich is helping Mirich to put a lot of cover sa baby habang si Troy kumukuha ng iilang gamit at biglang ibinato sa akin kaya sinalo ko na lang rin.

"Takbo na!" Sigaw ni Carina.

Lumingon kami sa likod at nakakita na ng kahoy na may apoy sa dulo. Hindi pa makita ang mga demonyo pero kailangan na naming tumakbo.

We all run away. Wala nang hintuan, takbo lang ng takbo. Sumulyap ako kay Mirich. She's holding her son so tight, unang pagkakataon ko ito na masilayan kung gaano katakot si Mirich. Napasulyap rin siya sa gawi ko. Nginitian niya ako para sabihing maayos lang siya.

Alam kong hindi siya okay kaya tumakbo ako sa tabi niya.

"Kung may masamang mangyari sa'kin, aasahan kita kay Trvi." Sabi niya agad sa akin.

Umiling ako. "Walang masamang mangyayari sa'yo. Sabay tayong lalabas sa tanginang isla na 'to."

"We can't get out from here. We are all rats trapped in a maze." Sumulyap ako sa anak ni Mirich, gising ito at nakatitig lang sa kaibigan ko. Mirich smiled on her son. "Tanggap ko na. We can't get out from here."

Hindi na ako nagsalita, papatunayan ko kay Mirich na makakalabas kaming nga natitira rito ng buhay. Lalabas kami ng kumpleto pa ang mga braso't paa, lalabas kaming sugatan man pero humihuminga pa at lalabas kami rito ng payapa matapos maipasok sa gulo na dulot ng mga diablo.

Takbo lang takbo, hapong hapo na ang lahat pero hindi parin tumitigil. Richanne and Carina who's running before us already stopped nearby.

They already reached their limits so as us but we just can't stop.

I look back and saw the fire coming from their torches. I can hear the demon's march and it's creeping me out.

"May naririnig ba kayo?" I asked them. Lalong lumalakas sa pandinig ko ang mga hakbang ng mga demonyo.

"Dagat lang ang naririnig ko." Troy replied.

"I can hear their steps." Erich spoke.

"I can too." I said. Nagtataka ang mga mukha nila pero tanging pagngiti na lamang ang ginawa namin ni EJ.

Ganito ba ang kailangang maranasan ng mga taong may hawak sa singsing? Kailangan ba namin marinig ang mga yabag ng demonyo para iparating na hindi na kami makakatagal dahil iaalay na kami?

Ang hirap mabuhay sa pilit mong winawaglit na katotohanan.

Napabuntong hininga ako. Nakalapit kami kung nasaan sina Richanne. Nahawakan ko ang kwelyo ni Ichan at dinarag na siya patayo.

"Gazi! I'm tired!" Pagmamaktol niya pero nakitakbo rin ng mapagtantong hindi ko siya binibitawan. Sa kabilang banda naman, hinila rin ni EJ si Carina

"Walang lugar ang pagod rito, Richanne." Seryosong sabi ko. "Mabubuhay tayo, tangina."

"Tangina, mabubuhay tayo." They repeated what I said. And we all run with all our might.

Isolated Island (Island Trilogy #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now