Isla Dos: Ang Pagtago

32 4 0
                                    

"You know, secrets of Academies. As you have known, maraming estudyante ang bigla na lang nawawala rito tapos may iilang ring naipapasok bigla sa Hospital dahil sa mga hambalos. You know, this Academy isn't just a simple Holy School, this Holy School might hold a lot of secrets."

"Pero bakit natin kailangang usisain?"I asked them.

"Huwag ka nang kumontra sumama ka na lang para may maituro kami mamaya."sabi ni Dirich at tinulak ako kaya naglakad na lamang ako habang nagbubuntong hininga.

Paglabas sa dorm agad kong sinuot ang black hoodie ko, silang apat rin nakahoodie. Bawal lumabas ng ganitong oras kaya mukhang madedetention kami kapag nahuli kami. Kahit naman kasi Summer kailangan paring sundin sila kasi nasa puder parin nila kami.

"Umayos ka Gazi ah."paalala ni Richanne kaya napatango ako. Napahinto ako at bahagyang napalingon sa likod.

My eyes widened as I saw a light coming from the flashlight, halatang paakyat ang kung sino mang mayari non.

"Takbo!"I whispered furiously. Agad silang napatakbo. Tinulak ko si Dirich dahil ang bagal bagal niya.

Halos mapatampal ako sa noo dahil biglang natapilok si Richanne. Napalingon si Dirich at Jurich.

"Oh my ghad, you're so bobo sissy."Jurich told Richanne who's still laying on the floor.

Ang lapit na nang ilaw sa amin kaya basta basta ko na lang kinatok ang pintuan ng kung sino man to. Pagbukas agad na bumungad sa amin si Troy, tinulak ko siya papasok.

"Hoy! Hoy!"

"Bilis! Pasok!"I shouted furiously and hopelessly. Hindi ko alam ang i-rereact ng hinila nina Dirich at Jurich si Richanne sa paa habang itong si Garicha halos hindi magkamayaw sa pagpaypay, senyales ng mukhang sumunod si Mirich.

Pagpasok ng tatlo ay siyang pagpasok rin nina Mirich at Garicha. Si Mirich gulo gulo pa ang buhok.

"What the fuck girls are you doing here?"

Sabay sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses.

"Obvious ba? Edi para makitago! Gwapo mga Bobo naman."agad na nang irap si Mirich kaya napakagat ako sa labi dahil sa kaba.

Itong kwartong napasukan namin eh kay Elrich, describe nina Mirich dito Is badboy, isa ring magandang description ng Holy Shit. Kasama niya sina Chase ang childish rin na halos nagbabantay ka nang bata kapag kasama mo. Si Troy na kauri ni Mirich na everyday new flavor. Si Dior na Mister Friendly, wala naman, ang bait rin nito eh pero maharot. Si Taurus na halos balot ng misteryo dahil tuwing titignan ka niya akala mo alam niya mga nagawa mong kasalanan. Wala yung kaibigan nilang si Erich Josiah na SPPC PRESIDENT.

"Ikaw na nga ang nagtresspass rito tapos ikaw pa yung Galit."ganti ni Troy. Agad na ngumisi si Dior habang deretsong nakatingin sa akin kaya bahagya akong napangiwi.

Agad silang nagsagutan hanggang sa may narinig akong yabag. Agad akong pumagitna at sumenyas na tahimik.

"Si Sister nasa labas."sabi ko kasabay non ay siyang pagkatok kaya agad silang tumahimik at napatingin sa pinto.

"Plano!"Mirich whispered kaya napatingin ako sa buong dorm nila. Bawat tao, unang lilibutin ang Sala, tapos yung mga drawer sa kusina, then the balcony, tapos yung higaan maliban sa closet. Ewan ko pero ganun yung mga Madre tuwing nagiinspection, hindi nila tinitignan yung closet, maybe they're respecting students privacy.

"Closet!"I whispered. Agad na tinuro nang mga lalaki kung saan kaya nagtakbuhan kami.

Una ko silang pinapasok. Akmang sasampa na ako nang umiling sila sabay turo sa mga pwesto nilang mukhang nagsisiksikang sardines.

Isolated Island (Island Trilogy #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now