Isla Bente Siete: Pagubos

7 2 0
                                    

MARK POV

Christmas Party • Before

Nakakabwiset rito, kaliwa't kanan ang mga nakikita kong ka-corny-han. Namiss ko tuloy ang mga girls ko. Napatingin naman ako kina Gazi at EJ, mukha silang magjowang may LQ dahil tahimik lang silang magkaharapan habang kumakain. Sa kabilang banda naman, napailing iling na lang ako nang makitang pumasok sina Troy at Mirich sa banyo. Sina Chase at Jurich naman, nagbabardugalan, habang ang iba, nagiinuman.

Napatingin ako kay Owen ng tumayo siya."San ka pupunta tanga?" I asked him.

"Mukha kang gago, buntot ka ba? Sa banyo."

"Umalis ka na lang ron, pangit mo." Sinipa ko siya sa pwet sabay tawa kaya kinaltukan niya ako bago umalis.

Itong si Cris naman bantay sarado si Gazi kaya agad ko siyang tinunggo. Napalingon naman siya sa akin.

"Kaya hindi nakakalusot si Aldrin dahil bantay sarado mo." Nakangising sabi ko at nagsubo nang kung ano mang pagkain na 'to basta eatable.

Binatukan niya ako. Tangina talaga nang mga kaibigan kong 'to, kawawa ulo ko sakanila eh, kaya nawawala ang mga brain cells ko dahil sa mga kaltok pero okay lang wala naman silang utak, sina Gazi at EJ ang pagasa namin eh.

"Pakialam mo? Crush mo rin?" Gusto mong idagdag kita sa listahan ng sinuntok namin ni Akino?" Maangas niyang tanong kaya kinaltukan ko rin siya.

Sumama naman ang mukha ko."Hindi ako stick to one, stick to many ako, atsaka, mukha bang crush ko 'yang pinsan mo? Mukha lang akong gago pero duh! Wala akong ginagalaw rito."

"Arte mo rin, katulad mo si Owen. Manahimik ka na lang jan at kumakain ako, baka mamaya tumalsik ang laway mong may rabis."

"Gago!" Asik ko, humagikgik lang si Cris kaya napangiwi ako.

Maya maya pa, may nagdoorbell. Puchang yawa tong Eskwelahan na 'to, nasa glass building na nga ang classroom, tapos may elevator may doorbell pa. Hindi namin alam kung magkano binabayad ng mga magulang namin pero halatang sobra sa milyon, sa mga istraktura pa lang rito ang lulupit na, may mga free cars pa na pwedeng gamitin at mall na hindi naman kami nagbabayad sa mga kinukuha namin. Kaya nga hindi namin alam kung ano ang feeling humawak ng pera eh, lol.

Tumayo si Lyn at pinagbuksan kung sino man 'yon. Doon naman natuon ang paningin ng lahat.

Dumungaw si Sir Cielo."Kids, you can party until four in the morning, we don't have any class tomorrow. That's all."

Agad kaming naghiyawan! Party party men! Party! Party!

Umalis na rin agad si Sir Cielo pero ang mga tingin ng babae nasa pintuan parin.

"Hoy!" Sigaw ng mga lalaki sa tabi nila kaya sabay sabay nilang sinamaan ng tingin ang mga sumigaw.

Hanggang sa nagbarudugalan nanaman sima Jurich at Chase. Mukha silang mga tanga, dinadaan daan pa sa bardugalan eh halatang crush naman yung Isa't isa.

Medyo nakakabored na rito dahil nagsimula nang maginuman kaya nakiinom na rin ako. Nakapalibot lang kaming lahat sa mesa na maraming inumin. Sina Troy at Mirich hindi parin lumalabas sa banyo kaya pinalakasan namin lalo yung music dahil baka may marinig kami.

Si Dior, Cris at Chase nag cocontest ng paubusan ng isang bote nang alak, ang mga babae rito, panay naman ang cheer maliban sa mga pipe girls, Gazi, Gai at Dirich. Pangisi ngisi lang sina Gai at Dirich habang itong si Gazi panay lang ang ngiwi.

Isolated Island (Island Trilogy #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now