Isla Dise Nuebe: Ang Paghabol

5 3 1
                                    

GAZCHELA (GAZI) POV

"May oras ka pa talagang mag crop top ha."sabi ni Troy kay Mirich. Napatawa na lang ako dahil ginupit ni Mirich na damit ni Troy yung suot niya pang crop top.

"Of course."

"Kanino bang damit yan? Bakit familiar?"

Mirich laughed,"Sayo. Syempre."

Agad na napamaang si Troy kaya lalo pa akong napatawa. May anim na tent rito, magkatabi sina Elrich, Erich at Troy, tapos sa Isa si Dior, Chase at Tayuu. Habang kaming mga babae, tag-dalawahan. Malaki kasi yung dalawang tent kaya kasyang kasya sila. Tapos, kaninang umaga, kinuha ni Mirich yung damit ni Troy at ginupit kasi namimiss niya raw mag crop top.

"Ay tangina nabobo ka ba? Hoy! Puta! Gucci yan!"hinila hila ni Troy ang suot ni Mirich na damit. Umirap si Mirich sabay suntok kay Troy sa tiyan.

"Wala akong pakialam, wala akong damit."ngumuso si Troy at hinang hina na nakatingin sa damit niya kaya  napailing iling na lang ako.

Kaming tatlo pa lang yung gising dahil alas singko trenta pa lang naman ng umaga. Tumahimik lang ako habang pinapanuod sina Troy at Mirich na magbangayan. Mukha talaga silang maggirlfriend at boyfriend.

Habang nakaupo sa buhanginan inabot ko ang isang junk food. Akmang bubuksan ko 'yon ng may bumatok sa akin at inagaw 'yon. Pagtingin ko sa gilid ko kung saan may naupo ron, agad na nagsalubong ang kilay ko matapos makita si Erich na hawak hawak na ang kakainin ko.

"Akin na."itinuro ko naman ang hawak niyang kinuha niya sa akin.

He shook his head,"Maaga pa, mamaya."inirapan ko na lang siya dahil nagiging katunog niya na si Gai.

"Here, eat up." May nilahad nanaman siyang wheat bread kaya agad kong kinuha 'yon at kinain.

He then seated in front of me with a pouch.

"Why are you taking care of those? I can do it." I'm about to snatch the pouch when he slapped my hand before he fixed his specs.

"I know more than you have known. Just let me do it." Itinaas niya ang damit ko, itinali niya iyon, hindi naman masyadong mataas. Sakto lang na makita ang kabuuan ng sugat ko.

Habang nililinisan niya ang mga sugat ko ay siyang paglabas ni Elrich habang may dala dalang mga can goods.

"Morning." Bati ni Elrich at nakipagapir sa akin, kay Troy at Mirich. Ginulo niya naman ang buhok ng Kapatid niya na agad na nagsalubong ang kilay.

"Si Gai?" Tanong ko sakanya dahil huli silang natulog kagabi, tapos, supposed to be, katabi ko si Gai pero wala akong katabi.

Agad na ngumiti si Elrich kaya sumama ang mukha ko. Napatawa naman siya.

"Tinabihan ka ni Gai, pero nung madaling araw biglang lumabas sa tent niyo habang may dalang comforter. Andun siya oh." Nilingon naman namin ni Erich ang tinuro ni Elrich. Si Gai nga, nasa ilalim ng puno habang tulog na tulog.

"Ayaw yatang tumabi sayo kasi mabaho ka."pangaasar agad ni Erich. He saw my face with a twitching lips that made him chuckle.

"Just kidding." Inirapan ko na lang siya.

"Tatabihan ko nga sana kaso sinipa ako kaya bumalik ako sa tent." Paliwanag niya at tinulungan si Elrich sa paglilinis ng sugat ko.

"Kapag tinusok ko to may mararamdaman ka?" Tanong ni Elrich habang nakaturo sa tiyan ko. Si Elrich nasa may bandang binti ko habang pinapalitan ng tela.

Isolated Island (Island Trilogy #1) COMPLETEWhere stories live. Discover now