22

1.6K 44 1
                                    

"Welcome back Architect Gonzal!"

Napatili ako nang sumabog ang confetti at andaming tao naka abang saakin sa loob ng Avec. Halos apat na araw lang ata ako nawala sa pilipinas tapos ganito agad.

"Maam naman! akala ko magtatagal ka!" Niyakap ako ni Glenda.

"Ano kaba!" I laughed.

"Emotera lang!" Tawa ni Kim. "Props lang ganun."

Niwelcome ako muli nang mga tao at nagpasalamat na ako. Pumunta ako sa office ni Ms Del Zalle at nagulat rin siya na bumalik ako. Bumalik na ako sa office ko at ang table ko ay  wala dun ang mga gamit, nasaan kaya?

"Ayan." Biglaang inabot saakin ni Xai.

Oo nga pala nasakanya! Kinabahan pa ako.

Umalis na ako sa opisina para pumunta sa construction site at andun na ang hotel. Maganda na ang progress. Magaling na engineer din si Kim. Mukhang matibay talaga at pantay ang pagkakagawa.

Sumilip ako sa loob at malaki nga ang lobby. Panigurado akong maganda ang kalabasan nito kapag natapos na ang hotel. Nanlaki mga mata ko nang makita ang babagsak na bato sa ulo ko kaya tumili lamang ako, pero tumakbo si Kim at naitulak ako. Parehas lamang kami nalaglag sa sahig.

"Ano ba yan!" Inis na sabi niya. "Bobo ka teh?"

Tinawa ko nalang lamang iyon. "Hindi ko napansin."

"Jusko! bakit ka kasi andito? sa labas ka lang hoy!" Panenermon niya.

Pinagpag ko na ang damit kong nadumihan at nagkastain pa ang long sleeve ko. Shutangina! Muntik akong madapa nang may tumawag dahil nagulat ako.

"Oh bakit?! miss mo na ako? crush mo nanaman ba ako? charot!" Malanding sabi ko kay Kaisel.

[Are you free tonight?] 

"Free ako kung libre mo, libre din ba pagmamahal mo? char!"

[Seriously huh? We'll have a dinner later with my parents, you should come.]

"Akin nalang magulang mo!" Malanding sabi ko muli.

[Whatever.] Sabi niya sabay baba sa tawag.

Tumawa nalang lamang ako at umalis na sa site. Nagpaalam na ako sakanila at tumango, dahil as of the moment puro kay Kim na trabaho iyon. Bumalik ako sa condo ko at naghanap na ng damit para mamaya. Kailangan presentable ang itsura ko. I met her mom already. Pero kinakabahan ako sa tatay niya.

I wore a plaid cami bodycon and a white shirt inside. Nagmukha akong teenager sa outfit ko pero cute naman. Sinuot ko na ang puti kong sapatos.

Sinundo na ako ni Kaisel nang makalipas ng gabi. He was wearing a solid slant pocket tapered pants, and a plain black shirt. May jewelry siyang suot at mukhang ang ganda kaya napatanong naman ako.

"Kanino iyan?"

"From Ely."

Kumunot ang noo ko at may pa necklace ang bestfriend niya. Sa bagay, kung kay Xai baka ganun rin gawin ko.

Nang makarating na kami sa venue, bumaba na ako. It was a fancy, and nice restaurant. Malaki siya at maganda ang design. Nang umapak ako sa hagdan nadapa ako at natumba pa ako.

"Hoy shuta!" 

"You're so clumsy." He said.

Bumangon na muli ako at sinundan siya sa loob. Napakadaming tao kaya hindi ko makita kung saan. Nanlaki mga mata ko nang nasa tabing table pala ang magulang niya at ako kung saan saan pa tumingin.

Flowers Of The Destiny (Career Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora