02

2.6K 94 53
                                    

"Putangina! papakasalan ko na ba to?" Sigaw ko sa kwarto.



"Aga aga!" Sigaw ni Alora.



"Ano ba nangyari?" Tanong ni Kim.



Tumalon talon ako sa kitchen hanggang sa malaglag ko ang baso doon kakatalon ko.



"Ayan sige! Nabasag na ayan na!" Sigaw ni Alora.



"Hala! Sorry! Azari!" Kumuha ako ng walis at humingi ng tawad kay Azari.


"Be careful kasi but it's fine, you're in the mood right now, what happened?" She chuckled.


"Finollow ako ni Kaisel sa IG!" Tumili ako.



"Ang tanong gusto kaba?" Kim chuckled.




Nagsimangot ako. "Wag naman ganon! Walang ganunan!" I pouted.



"If that's the case, why not puntahan natin siya sa La Salle?" Sabi naman ni Azari.



"What? No! Pag nakita nalang kami ulit!" Sabi ko.


"Bumanat ka kasi Aira!" Umirap si Kim.


"Paano nga?" Sabi ko, dahil hindi naman ako marunong bumanat.



"Sabihin mo, "Ako nalang si Linggo tapos ikaw si Lunes para ikaw ang kinabukasan ko"."



"Andami mo talagang alam!" Sabi ko.



"Banat girl of the year goes to me" Pumalakpak siya.




Nagready na ako dahil uuwi na rin ako pero hindi na ako nagpahatid kay Azari dahil nakakahiya na sobra. She offered but I said na kaya ko naman.



Nauna na ako umalis dahil tatambay pa daw si Alora at Kim sa condo ni Azari at mamaya pa sila uuwi.



Nag jogging pants nalang ako na adidas at white na crop top dahil uuwi lang naman ako sa condo.


7AM na at ang daming tao sa labas. Well ganun naman ang buhay maynila kahit anong oras mapa alas dose pa ng madaling araw madami talagang tao.


Tatawid na ako habang nagphophone nang may humila ng tshirt ko palikod at nay kotseng mabilis na dumaan sa harap ko. Muntik pa ako mabangga.



"Putang-" Nagulat ako nang mahila ako at hindi ko inaakala ang bubungad sa saakin.


"Watch out." He said.


"Uy Kaisel!" Sabi ko.


Nakatitig siya saakin at binatuhan nalang ako ng makapal niyang kilay. He was wearing a black shorts and a white hoodie.



"Crossing roads while using your phone? Are you even thinking?" Panenermon niya.


"Hindi ko napansin eh" Kinamot ko ang ulo ko.


Umirap siya "whatever."

Attitude yan?


"Oh sige tatawid na ako." I chuckled before moving a step forward but....



"I'll go with you." Sabi niya.



Inakala kong nag iimagine lang ako ng mga naririnig ko o baka nabingi lang ako dahil siguro dun kaya hindi ko nalang pinansin at naglakad ako.



Nanlaki mga mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at magkatabi kaming naglalakad. Nagmukha akong sumusunod sakanya dahil nasa harapan ko siya.


Flowers Of The Destiny (Career Series #1)Where stories live. Discover now