Kabanata 19

4.3K 123 10
                                    

Kabanata 19

Decision


Hindi nga nagsisinungaling si Perlita. Talagang pinag-uusapan si Cavios at Lachelle sa school dahil sa madalas nilang pag-aaway. Wala naman dapat akong ikatakot lalo pa't alam kong labas ako sa away nila ngunit ang mga classmate ko at ibang istudyante ay ako ang sinisisi kung bakit nagkaka-ganito ang dalawa. I want to voice out my side but they didn't listen to me. Para lang akong tanga na magsasalita sa unahan at walang nakikinig. Kaya hinayaan ko nalang silang pag-usapan ako.

Aaminin ko, nandito pa rin si Cavios sa puso ko at hindi ko siya makakalimutin ngunit ngayon ay naisip kong i-set aside nalang muna ang nararamdaman para sa kanya at mag-focus sa pag-aaral lalo pa't nasa senior high year na kami. I need to focus on my studies! I need to give my best for my study. Ayokong masayang ang lahat ng sakripisyo, hirap at pawis kung hindi manlang ako makakapagtapos. I want to become a flight attendant, and I know I will reach it. With God's faith and love. 

Kaya iyon ang laman ng utak ko sa bawat klase. Sa tuwing umuuwi ako sa mansyon nila, hindi ko na siya pinapansin dahil ayoko ng away. At kapag nagkakatagpo kami sa kusina o kahit saang parte ng mansyon, ako nalang ang unang umiiwas. Bagama't nararamdaman ang mabibigat niyang mga titig sa akin, hindi ko nalang 'yon binibigyan ng pansin. Minsan kapag nandito si Lachelle, naririnig ko silang nag-aaway sa kwarto niya. Tulad ngayon, rinig na rinig ko ang sigaw ng babae niya.

"Aminin mo na kasi na nawawalan ka na ng oras sa akin dahil sa babaeng 'yon! Hell I care with that ugly bitch, Cavios! Ang gusto ko lang ay malaman ang totoo sayo!" galit na sigaw ni Lachelle.

Narinig ko ang kumalabog sa loob ng kwarto. Nagtatanong ang isipan kung ano iyon at bakit may ganoon? Nag-aaway ba sila physically? Baka masaktan ni Cavios si Lachelle. Babae pa naman iyon. 

"What the freaking hell are you talking about, Lachelle? I don't get you! Alam mo, sa tuwing magkasama tayo parati kang ganyan! Naririndi na ako sa mga paratang mo!" parang kulog ang boses ni Cavios.

Kumalabog na naman sa loob kaya napalunok na ako. Jusko, baka nagsasakitan na sila physically. 

"Kasi hindi mo ako mabigyan na ng oras, Cavios! I've been so stress thinking about you! Tapos wala ka manlang pakialam sa akin! Why? Because you finally realized that you like her! Bullshit!" sigaw ni Lachelle.

Jusko, nakakawindang naman 'tong sigawan nila. Sino ba kasi ang third party? Bakit parang may ibang babae sa paratang ni Lachelle kay Cavios? Meron bang ibang babae si lalaki kaya ganito nalang ang sinasabi ni babae? If I'm right, then it's gonna be war.

"Shut the fuck up your mouth, Lachelle! If you will not stop your accusing to me, then it might be a good way to parted." malamig na sabi ni Cavios.

Narinig ko ang hikbi ni Lachelle kaya nakaramdam ako ng awa para sa babae. Naging ganito rin ako noon sa kanya. Kahit hindi niya tanggap ang pagmamahal ko, pinipilit ko pa ring ipadama sa kanya. Kahit isuka niya na ako. Kaya ngayon, gusto kong yakapin si Lachelle at sabihin sa kanyang okay lang 'yan. Ngayon mas lalo kong sinasabi na mas mabuting desisyon itong pinili ko. This is a better way for us. Cavios will never like me. That's the sad truth, but still I love him. 

Bumukas ang pinto at namumugtong mata ni Lachelle ang bumungad sa akin. Punong-puno ng sakit ang kanyang mga mata. Huminto siya ng makita ako, ngunit umiling lang at nagpatuloy sa pag-alis. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa loob kung saan nakaupo si Cavios sa kama at duguan ang kamao. Nanlaki ang mata ko, mabilis na pumasok upang tignan ang sugat ni sir. Lumuhod ako sa harap niya at hindi na hinintay ang kanyang permiso para tignan ang sugat. 

Lumalabas ang dugo na tila malaking sugat ito. Kabadong-kabado ako at pakiramdam ko'y kasalanan ko ang sugat niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, mabilis akong pumasok sa kanyang banyo at kinuha ang emergency kit. Nang makuha ay lumabas ako at lumuhod ulit sa harap niya. Kinuha ko ang alcohol at hinawakan ang kanyang kamay. Walang ilang-ilang, gagamutin ko ang kanyang sugat. Binuhusan ko ng kaunti ang kamay niya, tanging narinig ay ang malalim niyang buntong-hininga. 

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now