Simula

6.9K 199 24
                                    

Simula

“Hoy pangit yung crush mo oh! Ayieeee!”

Hiyang-hiya ako habang nakayuko ang ulo. Labasan na dahil kakatapos lang namin sa klase para sa araw na ito. Ang puso ko ay mabilis ang kabog dahil sa asaran na ginagawa ng mga kaklase ko. Pinilit kong tinago ang mukha sa dibdib dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw at magmakaawa sa kanila na itigil na ang pagsasabi ng ganyan ngunit hindi ko magawa. Takot ako sa kanila, at ayokong asarin pa nila ako.

“Pangit si Cavios oh…yung crush mo! Asus nahiya pa ‘tong maligno na ito!” ulit pa ng mga kaklase kong bully.

Nanunubig na ang mata ko dahil sa ginagawa nila. Kaya kong harapin si Cavios at ipagsigawan ang kagustuhan ko sa kanya pero kapag nandito kami, nanghihina ako. Tumatakbo ang puso ko sa hiya kapag sila na ang nang-aasar sa akin. Kinagat ko ang labi, pinigilan ang pagtulo ng luha. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon. Naiipit ako sa mga istudyanteng nanonood sa amin. Nasa gate kami ng SNHS, at nasa unahan namin si Cavios habang naghihintay ng kotse nila.

Umiling-iling ako habang tinatago ang mukha sa bag. Hindi ko kayang harapin ang lalaking ito ngayon, lalo pa’t nandito ang mga bully kong kaklase. Kung nasa mansyon lang kami ng Costiño ay pwede ko pang landiin si Cavios pero ngayon na nandito kami sa harap ng mga mapanghusga kong klasmeyt ay hindi ko na kaya.

Cavios Archilles A. Costiño is my childhood crush. Mula pa elementary kami ay gustong gusto ko na siya. Mula ng makita siya ng mga mata ko ay crush na crush ko siya. Hindi ko alam kung bakit tumibok ng ganito kaaga ang puso ko sa kanya. Hindi ko sana siya pwedeng magustuhan dahil anak siya ng isa sa mga amo ko. Anak lang ako ng kasambahay nila kaya dapat umiwas ako sa kanila.

Hindi kailanman nababagay ang katulad ko sa kanya, nasa taas sila at nasa baba ako. Nasa rurok sila at nasa pinakababa ako. At alam kong hinding hindi ako mapapansin ng lalaking iyon. Kahit pa sobrang kapal ng mukha ko dahil palagi ko siyang hinahabol-habol, alam kong wala ‘yung silbi sa kanya.

Hindi siya mawala sa sistema ko kahit pa ilang ulit na niya akong sinaktan at pinahiya. Hindi mawala sa puso ko ang kagustuhan sa kanya kahit pa isuka niya ako. Sino ba naman kasi ako para magustuhan ng isang anak ng mayaman? Hindi ako maganda! Marami akong tagyawat sa mukha. Pumuputok ang labi ko sa kapal at maitim ang pisnge ko. Hindi kailanman mapapansin ng isang lalaki na ubod ng gwapo ang itsura ko. Pangit ako! At alam kong wala akong pag-asa sa kanya.

Ilang taon ko na bang ginagawa itong pagpapapansin sa kanya? Simula pa grade seven kami ay ginagawa ko na ito. Ngayong nasa grade ten na kami at matatapos na sa junior high ay patuloy ko paring ginagawa ito. Hindi ko ba alam, kahit ilang ulit niya na akong sinaktan at pinahiya ay hindi pa rin ako napapatigil nito. Hindi ko kayang matapos ang araw na hindi ko siya nasisilayan at pinapangarap. Hindi ko kayang matulog na hindi inaalala ang mukha niya, ang kakisigan niya at ang pagiging seryoso niya. Hindi ko alam pero sa tuwing sinasaktan niya ako ay parang wala nalang sa akin.

Matagal na pala. Matagal ko na pala siyang pinapangarap na maging akin. Matagal na pala akong nangangarap na mapansin ng lalaking iyon. Aminado akong hindi ako maganda, pero masarap naman ako magmahal ah! Masarap akong magmahal kaya alam kong doon ako babawi sa kanya. Oo, pangit ako dahil sa itsura ko pero maganda naman ang puso ko. I sighed heavily.
Naalala ko pa nung una ko siyang makita. Bagong hire na kasambahay si mama sa mansyon ni sir Hermes.

Hindi niya ako maiwan-iwan sa bahay dahil mag-isa lang ako doon kaya wala siyang nagawa kundi isama ako. Mabuti nalang at pumayag si ma’am Estrecia na doon din ako tumira kaya nawala ang problema ni mama. Manghang-mangha pa ako sa mansyon nila dahil ubod ng ganda. Ang luwag at sobrang ganda ng disenyo kaya wala akong masabi.

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now