Kabanata 1

4.7K 117 7
                                    

Kabanata 1

Idiot


Tahimik kong sinisilip si Cavios sa kanyang kwarto, may hawak akong panlinis ng alikabok para maging alibi ko kung may makakita man sa akin. Alam kong bawal itong ginagawa ko lalo pa't anak siya ng amo ni mama at papa. Kinakabahan man ako pero bahala na, ang tanging gusto ko ay pagmasdan siyang seryosong nag-aaral sa study table niya.

Mula sa kinatatayuan, hindi ko mapigilan ang kiligin dahil sa mukha niya. With his thick eye brow, a pointed line noise and thin red lip, he is one good handsome. Magkaiba sa itsura ng mga pinsan niya, malayong-malayo sa kanila. Kaya sa lahat ng Costiño na lalaki, sa kanya lang ako nagkaganito. Sa kanya lang ako nagkaroon ng malalim na nararamdaman. I couldn't lift up myself because I am drowned. Nalulunod sa kanyang mga mata, nalulunod sa kanyang mga ngiti…na hindi naman para sa akin. At nalulunod sa bawat pagseryoso ng kanyang mukha.

Cavios is my ultimate crush, turn to be my extreme love. Bakit at paano ko nasabi? Easily because from my childhood past, he is the only man I like and I want. Yes, ambisyosa ako dahil isang katulad niya ang hinihiling ko pero masisisi ko ba ang sarili na magkaganito sa kanya? Hindi ko kailanman tinago ang nararamdaman sa kanya. Kahit pa pinagtatawanan ako sa paaralan namin, wala akong pakialam dahil tanging si Cavios lang ang binibigyan ko ng atensyon.

Sinubukan ko namang umiwas at huminto ngunit palagi akong sumusubok dahil nagbabaka sakali akong mapansin at baka magustuhan niya rin. Kasi hindi ko alam kung bakit nagkaka-ganito ako. Hindi ko alam kung bakit patay na patay ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa dami ng mga lalaki, sa kanya lang ako nahumaling ng ganito. Alam ko naman na hindi ako maganda katulad ni Lachelle na nobya niya. Hindi rin ako mayaman, hindi makinis at hindi sexy kaya wala akong laban sa babae niya. Ngunit, hindi ko naman kayang pigilin ang puso na nagmamahal sa kanya. Hindi ko kayang iwasan at layuan siya.

May mga tigyawat ang mukha ko, hindi rin naman ako mataas, at hindi maganda ang hugis ng katawan. In short, pangit ako! Walang laban sa kahit kanino, kahit pa sa mga mata niyang malayo ang tingin sa akin. I sighed heavily while still looking at him secretly. Sobrang maamo ngunit seryoso ang kanyang mukha. Mataas din siya, may magandang katawan. Lahat ng bagay sa kanya ay kinahuhumalingan ko. Kaya hanggang sa dulo ng paa niya, gustong-gusto ko.

"Hoy Shekky! Anong ginagawa mo diyan? Sinisilip mo si sir Cavios noh? Hala ka!" pagulat na sabi ni Perlita, ang kasama ko dito sa bahay ng Costiño.

Bukod sa amin, meron ding ibang kasambahay dito. Si Perlita ay anak rin ng kasambahay na siyang katrabaho ni mama. Pareho kaming nandito dahil sa trabaho ng magulang namin. Naging kaibigan ko na rin siya, magkasama kami sa paaralan at siya lang din ang lumalaban para sa akin. Perlita is kind, trusted friend and a joker. Alam niyang may gusto ako kay sir Cavios kaya kapag may umaaway sa akin sa paaralan, to the rescue siya.

"Shhh, ano ka ba! Wag ka ngang sumigaw diyan!" inis kong sabi sa kanya.

Tumawa siya na parang baliw. Gaga talaga 'tong kaibigan ko!

"Haha, takot kang makita ni sir! Alam mo, gawin mo na kasi ang sinabi ko sayo. Gapangin mo si sir sa gabi at ng mabuntis ka! Siguradong kapag mangyari iyon, tiba-tiba tayong dalawa hahaha." tumawa siya.

Namula ang pisnge ko ng muling narinig ang abiso niya sa akin. Shit, seryoso ba siya doon? Paano kung hindi magtagumpay? Anong gagawin ko? Siguradong burado kami sa bansa kapag ginawa ko 'yon! Ang mga Costiño pa naman ay mararahas at walang awa. Kapag gusto nilang mawala, mawawala talaga. Lahat ng kagustuhan nila ay nakukuha, kahit pa buhay ko!

"Natatakot ako e. Baka kasi hindi magtagumpay!" mahina kong sabi.

Ngumisi siya.

"Ano ka ba! Wag mo lang ilalabas ang katas niya siguradong bitbit mo ang anak niyan!" sulsol niya sa akin.

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now