Chapter 27

18.2K 332 63
                                    

NAKANGITI ngayon sa akin harapan si sir Zyair habang hawak pa din ang aking braso.

Hinila niya ako papasok muli sa kusina kaya naman hindi ko na nakita si Zane.

"Does it hurt?"tanong nito.

Piniksi ko naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya napabitaw ito.

"Sir,kalimutan nalang po natin ang nangyari."matapang kong sabi dito.

Dahil sa aking sinabi ay nawala ang masayang awra sa mukha ni sir Zyair at napalitan ng malamig na ekspresyon.

Kinabahan naman ako dahil humawak muli ito sa aking braso na piniksi ko ngunit matibay na at hindi niya ako nabitawan.

"Really Clementine?After i plesure you,ayan ang sasabihin mo sa akin!?"gigil na sabi nito.

"S-sir.Pagkakamali po ang nangyari,
s-sana ay kalimutan ninyo nalang."
kinakabang sabi ko dito.

"Are you sure?"malamig na wika nito.

Dahan dahan naman ako tumango dahil dun ay binitawan niya na ako at lumabas sa kusina.

Naiwan naman akong naka tanga lang at hindi maiwasang sumaya dahil alam kong hindi na muli iyon uungkatin ni sir Zyair.

Isang buwan matapos ang pag uusap namin ni sir Zyair ay maraming nabago.

Kung noon ay malamig na ang pakikitungo niya sa akin,ngayon ay halos parang hindi niya na ako nakikita kapag nasa paligid siya.

Hindi niya na din ako binibilinan dahil kay Nay Yoli niya na yun sinasabi.

Nagtataka na din ako kung bakit hindi pa ako dinadatnan ng buwanang dalaw ngayong dapat ay nakaraang linggo pa.

Pansin ko ding nahihilig ako sa french fries na isinasawsaw sa ice cream nitong mga nag daang araw.

Isa pa ay nakikita ko ding lumalapad ang aking balakang ngunit ipinangsabahala ko nalang ang mga iyon.

Pero iba ngayon,dahil ngayong umaga ay napabalikwas ako sa kama at mabilis na tumakbo papunta sa banyo nang maramdaman kong parang umiikot ang sikmura ko.

Isinuka ko lahat nang kinain ko kagabi sa may inidoro at nanlalatang napasandal sa pader dala nang pagsusuka.

Finlush ko muna ang inidoro bago napagpasyahang tumayo na at mag
hilamos.

Napatingin ako sa salamin ng banyo at nakita ko ang aking sarili na latang lata.

Kita ko din ang pisngi kong mapula at may pagka matambok,hindi ko alam kung dala ba ito ng mga pinagkakain ko o ano.

Lumabas na ako ng banyo at tinignan ang calendar ko sa cellphone para sa period ko.

Nakita kong mahigit dalawang linggo na itong delay kaya naman kinabahan na ako lalo na ng maisip ang nangyari sa amin ni sir Zyair isang buwan na ang nakalipas.

Malakas ang kabog nang dibdib kong lumabas nang kwarto at nagpaalam kay nay Yoli na lalabas at may bibilin lang.

Nang makalabas na ako ng bahay ay dumiretso ako sa pinakamalapit na butika upang bumili ng pregnancy test.

Lima ang binili ko upang makasigurado at umuwi na din,sa kwarto ko na ito gagawin.

Nang makabalik ay agad agad kong tinest ang pt at natulala sa naging resulta nito.

Lahat ng pt ay may dalawang guhit.

Itutuloy.
❄️
Idol niya ata si Celeste.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon