Chapter 20

18.7K 340 40
                                    

ISANG LINGGO na ang nakalipas mula nang pag uusap namin ni sir Zyair at nakauwi na din kami.

Sa isang linggong iyon ay madami akong napapansin.Tulad nalang ng palaging pagsabay sa amin ni Zane kumain.

Napapansin ko ding laging sa akin nakatabi si sir Zyair pagka nasa sala kami.

Ngayon ay naghuhugas ako ng pinggan nang maramdaman ko ang brasonh nakapulot sa aking bewang.

Gulat na napatingin ako dito at nakita ko ang seryosong mukha ni sir Zyair.

Napatingin ulit ako sa kamay niya na nasa bewang ko pa din at sa mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.

"S-sir"alanganing sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay niya doon.

"Stay still"malamig na anya niya.

Kinakabahang hindi nalang ako gumalaw.Lumapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.

"As i said,help me.I mean it"bulong niya sa akin.

"Momma!"rinig kong sigaw ni Zane kaya naman gulat na itinulak ko si Sir Zyair.

Nagpatulak naman si sir Zyair kaya nakita ko ang masamang titig ni Zane sa ama.

Agad agad yumakap sa akin si Zane pagkabitaw ni sir Zyair sa akin.

"Niaagaw mo momma ko, daddy!"galit na sabi nito sa ama.

Napailing iling nalang si Sir Zyair at umalis sa kusina.

Tumingala sa akin si Zane at nakita ko ang nagbabadyang luha nito,mahigpit pa din ang yakap niya.

"Momma why daddy is so close to you kanina?"tanong nito. 

"May sinabi lang siya sakin Zane."
pinilit kong hindi mautal sa aking pagsagot sa kaniya.

Hinaplos haplos ko nalang ang ulo nito para hindi na magtanong.

Gabi na at kakatapos lang naming tatlo maghapunan nang may narinig kaming nag doorbell.

Nagkatinginan kami ni sir Zyair pero walang kumilos kaya naman si Nanay Yoli nalang ang nagpasyang magbukas nun.

Nagpatuloy nalang ako sa paghuhugas ng pinggan habang si Zane ay nanonood ng cartoons sa ipad niya.

Si sir Zyair naman ay patuloy lang sa kung anong pinagkakaabalahan niya sa kaniyang Cellphone.

Nagulat nalang ako ng may matinis na boses ang sumigaw,muntik ko pa ngang mabitawan ang pinggan na hinuhugasan ko dahil sa gulat.

Kilala ko ang boses na yun kaya naman tinapos ko na muna ang paghuhugas bago humarap at tama nga ako.

"Well hello guys, don't you miss me?"
maarteng tanong ni Nicole.

"Oh,andito ka pala oh wait what's your name again miss?"tanong nito sakin.

"Clementine.Her name is Clementine,
my girlfriend."ani ni sir Zyair.

Nanlalaki ang matang napatingin ako dahil sa sinabi niya at mukang nagulat at hindi nakapagsalita si Nicole sa snabi ni sir Zyair.

"W-wait what,Zyair! What do you mean anong girlfriend!?"malakas na anya ni Nicole.

Marahil ay narinig at natakot si Zane dahil nakita ko nalang itong tumatakbong lumapit sa akin at agad na yumakap.

"You heard me right Nicole,hindi ko na uulitin pa.And Get out of my house you're not even welcome here."
malamig na wika naman ni sir Zyair.

Nakita ko naman ang inis na inis na mukha ni Nicole na bumaling sa akin at pinukol ako ng masamang tingin.

Maya maya ay nagulat ako ng tumawa ito ng malakas na parang bruha.

"Are you kidding me Zyair?This Clement girl or what ever her name is,is your girlfriend!?hah!So you are cheating on me?"natatawang anya nito.

"What the fuck are you saying Nicole?"naguguluhang kunot noong tanong ni sir Zyair.

"Oh don't you know pala Zyair?my fault im sorry.Well you are definitely cheating on me because we are still married."sabi ni Nicole.

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig at parang may kung anong kumirot sa aking puso ng sabihin iyon ni Nicole.

Itutuloy.
❄️
Oh no.

BS #1 BetrayedWhere stories live. Discover now