Chapter 12

19.1K 383 18
                                    

NAGHILAMOS agad ako ng mukha pagdating sa banyo upang mawala na ang pamumula ng pisngi ko.

Hanggang ngayon ay nahihiya pa din ako lalo na at napansin pa yun ni Zane.

Hinintay ko muna mawala ang pamumula ng pisngi ko bago ako lumabas sa banyo.

Nakita ko si Zane na patapos nang kumakain ng Snack niya at nanonood ng cartoons.

"Momma bat po ang tagal ninyo sa bathroom?" nagtatakang tanong ni Zane.

Sinabi ko nalang na nagbawas ako at muka naman siyang kumbinsido kaya lihim na napangiti nalang ako.

Maya maya ay nagsawa na si Zane kakanood kaya bumaba muna kami saktong bumukas ang pinto at pumasok doon ang isa sa kaibigan ni Sir Zyair.

"Naku Mayor hindi naman kayo nagsabing pupunta kayo dito, wala tuloy akong nahanda. "sabi ni Nay Yoli na siyang sumalubong dito.

Nagtaka naman ako sa tinawag sakaniya na mayor.

"Ay iha! anjan ka pala pwede mo bang asikasuhin muna itong si mayor Smith at maghahanda lang ako ng makakain niya." aligagang sabi nito kaa napatango nalang ako.

Kasama ko si Zane na umupo sa sofa pati na din ang bisita ni sir Zyair.

"Clementine right?" tanong nito kaya napatango ako.

"So i see in your face that you are confused sa tinawag sa akin ni Nay Yoli."

"And para na din maliwanagan ka, yes I'm a mayor of Province of Isabela"
sabi niya na nagpagulat sa akin.

Kung pagmamasdan kasi ay ang bata niya pa para maging mayor at malayong lugar pa talaga.

"G-ganon po ba M-mayor? edi po malayo ang binabyahe ninyo papunta dito." nahihiya kong saad.

"Don't worry i use my own helicopter to go here." sabi nito na nagpalaki ng mata ko.

Mayaman pala talaga siya dahil may sarili siyang helicopter at parang sa kanto lang nililipad niya kung magpunta siya dito basta basta.

Dahil sa sinabi niya ay humanga ako sa kaniya dahil talagang gwapo na ito at mayor pa at talagang mayaman.

Paniguradong sobrang swerte ng babaeng mamahalin niya at makukuha niya ang lahat.

Ako kaya? sino kaya ang para sa akin?o meron ba talaga, may mag mamahal ba talaga sa isang mahirap na tulad ko?

Iwinaglit ko nalang iyon sa aking isipan at itinuon ang pansin kay Mayor Smith.

Maya maya ay dumating na din si Dir Zyair kaya naman aalis na dapat kami ng pigilan kami nito at sinabing ayos lang na nandito kami.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila maliban sa pangalan ng babaeng binanggit ni Mayor Smith.

Phoebe Calista Davis, ayon lang ang naintindihan ko sa pinaguusapan nila.

Wari ko ay tinamaan dun sa babae si mayor dahil kita ko ang pagmamahal sa mata niya habang binabanggit ang pangalang iyon.

Itutuloy.
❄️
If you want to know Phoebe and Mayor Beckham story,then read Phoebe's Weep-betrayal series 2 its on-going💙

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon