Chapter 19

17.3K 328 21
                                    

KUMATOK muna ako ng dalawang beses sa pintuan ni sir Zyair ngunit walang sumagot kaya tuluyan ko na itong binuksan.

Nakita ko si sir Zyair na nakaupo sa kama at nakayuko,gumagalaw galaw din ang balikat nito tanda na ito ay umiiyak.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya at nang maramdam niya ang presensya ko ay nag angat siya ng tingin.

May ilang luha ang nasa pisngi ni sir Zyair at malalam pa ang mata.

"Get out."malamig na wika nito sa akin at muling yumuko.

"S-sir,narinig ko po ang ingay kanina.
Gusto ko lang pong tanungin kung ayos lang po ba kayo?"kinakabahang tanong ko.

Nag angat itong muli ng tingin sa akin at pinukol ako ng masamang tingin.

"Do you really think that I'm okay!?"
galit na saad nito.

Nataranta naman ako dahil sa pagtaas ng boses niya kaya ikunumpay ko ang aking kamay upang ipahiwatig na kumalma siya.

"Naku,sir wag po kayong sumigaw at baka magising po si Zane."
natatarantang wika ko dito.

Huminahon naman ito at medyo nawala ang galit sa mukha nang marinig ang pangalan ng anak.

"I-i-i don't know what to do anymore."
nanghihinang sabi nito at muling naiyak.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinaplos haplos ang likod upang gumaan naman ang pakiramdam niya.

"My life is so fuck up.Zane is my only strength,siya nalang ang iniisip ko kapag gustong gusto ko nang sumuko sa buhay.Ayokong isipin niya na walang nagmamahal sa kaniya,na yung nanay niya nga ay iniwan na siya,pati ba naman tatay niya iiwan din siya."umiiyak na sabi nito.

Dahil sa awa ko dito ay niyakap ko siya kahit kinakabahan ako dahil baka itulak niya lang ako pero hinayaan niya lang naman ako at yumakap din siya sa akin.

"Help me.Ayokong makita ako ng anak ko sa ganitong kalagayan.Help me,help me please."nagsusumamong sabi niya.

Napatango tango naman at kita kong nakahinga siya ng maluwag.Gusto ko siyang tulungan sa kung anuman ang aking makakaya.

Maya maya ay nagulat ako ng hindi na gumalaw pa si Sir Zyair at nasalo ko na ang lahat ng bigat niya.

Napatingin ako dito at nakita kong nakapikit na ito at mukang nakatulog na sa kakaiyak.

Nakabukas nang kaunti ang bibig dito at nakita ko namang payapa na ang tulog niya.

Inaantok na din ako kaya hindi ko napansin na unti unti na pala akong napapapikit at nakatulog na ng hindi ko namamalayan.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha.

Ramdam ko ang init ng katawan ng aking tabi at ang higpit ng yapos nito sa aking katawan.

Gulat na napatingala ako dito at nakita ang payapang itsura ni sir Zyair na mahigpit ang yakap sa aking bewang.

Nanlalaki ang matang nagpabalik balik ang tingin ko sa kaniyang mga braso sa aking bewang at sa kaniyang tulog na mukha.

Agad agad kong naramdaman ang pamumula ng aking pisngi kaya naman dahan dahan ko nang tinanggala ang mga braso ni sir Zyair.

Ngunit humihigpit lang ang yakap nito kada susubukan kong tanggalin,
Kaya naman ang mga hita niya muna ang sinubukan kong tanggalin at napagtagumpayan ko naman ito.

Sinunod ko na ang kaniyang mga braso pero humihigpit lang lalo ang yapos nito sa akin.

Itutuloy.
❄️
Feel na feel ni Zyair e.

BS #1 BetrayedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon