Kumbaga kaming dalawa lang ang nandito at solong-solo ang mansyon. Habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng bahay, hindi ko mapigilang maalala ang mga nakaraan sa amin dito. Noong panahong nagsisilbi kami bilang katulong nila. Panahon na katulong lang ako at naghahabol sa kanya. Hindi ko mapigilang maisip iyon habang nandito kami. Akalain mo, makakarating pa ako sa ganitong pamumuhay. God is good, that's the truth! Iba siya magbigay ng pagsubok. Iba siya magbigay ng biyaya. Iba rin siya bilang ama sa atin. Kaya kahit sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko sa kanila lalo na sa kanya, gusto ko pa ring magpasalamat sa lahat ng ito.

Naalala ko pa nung panahon na nasa mansyon pa kami nila sir Hermes, iyon ang unang tagpo namin. Doon ko siya nakita at nakilala. Hindi ko nga alam kung bakit kami napunta sa kanila gayong mabuti naman ang pamamalakad ng pamilya nila sir Hermes. Siguro ko nung umalis sila abroad, hinabilin muna kami sa kanyang kapatid upang hindi matigil ang hanap-buhay ni mama. I am so happy that even after hardship, we are here…happy and contented, plus my ultimate dream got achieved! I got him! Cavios is mine now!

Bumukas ang pinto at nagulat ng pumasok si Perlita na may ngisi sa labi. May bitbit siyang apat na plastic, at nang nakita ko yung mangga ay mabilis na nanubig ang bagang ko. Oh shit, that Indian mango! I like it! Agad akong lumapit sa kanya kahit pa hindi nababati. Hinablot ko sa kanya ang plastic at ngumisi na parang nagtagumpay. Sumigaw ako sa pangalan ng asawa ko.

"Bidong! Bumaba ka nga dyan at balatan mo ako ng manga!" sigaw ko.

Mas lalo akong natatakam at nanunubig ang bagang dahil sa amoy ng manga. Shit, kahapon ko pa 'to hinihintay e!

"Grabe bes, hindi manlang nangumusta sa akin noh." si Perlita.

Inirapan ko siya. Kahapon ko pa ito request sa kanya at ngayon lang dumating. Sabi niya'y busy daw sa trabaho tapos malalaman kong magkasama sila ng Brazier na iyon! Talagang inis na inis ako kahapon pa. Kaya wag na wag silang manggugulo sa akin ngayon.

"Bruha ka, kahapon pa ako nag-request sayo." inis kong sabi.

Umirap siya.

"Loka-loka ka ba, syempre may importanteng ginawa ako noh!" she said.

Hinila ko ang kanyang buhok, hindi naman malaka ngunit alam kong nasaktan siya. Bagay lang sa kanya!

"Importanteng gawin na sumama kay Brazier Costiño sa penthouse niya, seriously? Wag mo akong artehan dyan." mataray ang boses ko.

She sighed and shook her head. Nakita kong pababa na si Cavios, maaliwalas ang kanyang mukha at sobrang gwapo. Shit, nanggigigil ako sa kanya ngayon. Gusto kong kainin tuloy! Ano ba 'yan, kung ano-ano nalang ang iniisip ko sa asawa! Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"What is it?" he asked gently.

Ngumuso ako. Natakam bigla ako sa labi niyang namumula kaya hindi ko pinigilan ang sarili na lumapit sa kanya at siniil ng halik sa labi. My friend who's my behind was in shock. Cavios snake his arms in my waist as he kissing me back. Same intension, same emotion. Kinagat-kagat ko ang kanyang ibabang labi, nakita kong ngumisi siya habang kagat-kagat ang bibig. Muli kong siniil ng malalim na halik ang labi bago bumitaw at tinignan siya ng masungit.

"Papapakin ko yang labi mo mamaya." I said sternly.

Ngumisi siya, niyakap pa ako ng mahigpit.

"Sure, no problem baby." sagot niya.

"God, naiinggit ako sa inyong dalawa! Itong best friend ko sobrang hayok sa labi huh! Baka maging mukhang labi ang mukha ng anak niyo." natigilan si Perlita ng tumingin ako sa kanya ng masama.

Shit! Wala na! Buking na! Siraulo din 'tong kaibigan ko e! Humigpit ang yakap ni Cavios sa akin.

"What?" he asked darkly.

Umiling at ngumisi ang kaibigan ko.

"Naku…wala---"

"I'm not deaf not to hear what you said, Perlita." may pagbabanta sa kanyang boses.

Namula ang pisnge ni Perlita animo'y tinamaan ng takot sa boses ng asawa ko. Pinanlakihan ko siya ng mata, naiinis at nagagalit sa kanya. Shit! Wala na talaga! Malalaman na ng asawa ko ang totoo! Ito kasing kaibigan ko e! Matabil ang bibig! Last Friday, ginamit ko ang PT na binigay ni mama sa akin bago sila umalis. I used it to stop my confusion about what I feel. And when the two blue lines reflected, doon ko napagtanto at naamin sa sarili na buntis nga ako. Wala naman akong dapat ikatakot lalo pa't gustong-gusto ni Cavios na magka-anak kami. Kaya hindi ako natatakot at nangangamba.

Gusto ko lang na i-surprise siya at sabihin iyon sa darating niyang kaarawan sa Sabado. Ngunit wala na, nabuko na ako! At dahil 'yon sa kaibigan kong madaldal! Wala na akong sorpresa pa! Nakakainis naman oh! Pati si Perlita ay dumagdag sa inis ko!

"Ah…eh…naku wag mo na akong pansinin pa, Cavios. Itong si Shekky---"

"If you will not tell me, I'll make sure you'll sink." banta ng asawa ko.

Goodness! Nakita ko ang kaba at takot sa mata ng kaibigan. Napahinga ako ng malalim at humarap nalang kay Cavios para sabihin ang totoo. I snake my arms in his leeg, looking at him deeply.

"I am pregnant, Cav. The pregnancy test say it all. Now, calm down and don't warn my friend." kalmado kong sabi.

Hindi ko nakitaan ng gulat ang mga mata niya. Animo'y expected niya talagang magbubuntis ako. Ngunit rumiin ang titig niya sa akin, may galit at pagbabanta doon.

"Mas lalo kitang hindi hahayaang bumalik sa trabaho, Shekky." malamig niyang sabi.

Napahinga ako at tumango nalang. I have no choice! Kahit naman sabihin kong pwede at gusto kong bumalik sa trabaho ay hindi naman siya papayag! Knowing their genes, siguradong mas hihigpitan niya ako ngayon! Shit, hindi na nga ako nakakalabas ng bahay mas lalo pa ngayon! Nakakabwesit! I know that our baby is a blessing from God, but it's just too early to have us a child. Baka hindi namin magampanan ang pagiging mabuting ina at ama sa magiging anak namin. We should be responsible. We should think the better for our child.

"I know about it, Cavios. Ang akin lang ay baka hindi pa tayo handa na magka-anak…" mahina ang boses ko.

Umigting ang kanyang panga. Perlita excuse herself. He hold me tight, making me feel that he's mad.

"What do you mean? I'm not ready for having a child? Are you serious? Kaya nga gustong-gusto ko ng magka-anak e, dahil handa ako at gusto kong maalagaan kayo! What's the problem having a child, Shekky?" galit niyang sagot.

I caressed his chest.

"Calm down, baby. I'm just…stating the possibility of having a child, Cavios. What if we cannot handle it? Anong mangyayari sa bata? We should think better about the child." pilit kina-kalma ang boses.

Umiling siya at binitawan ako. He turned his back on me. Napanghinaan ako ng loob ng makita siyang tumalikod sa akin. Animo'y hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at nagagalit siya sa akin. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya upang hindi na makalayo sa akin. Hays, I need to calm him! Niyakap ko siya patalikod, hindi bibitawan dahil kapag ginawa ko 'yon ay baka mag-away lang kami.

"I know you didn't like my idea---"

"You want to abort my child!" mariin niyang sabi.

Napapikit ako ng mata. Not that I want to abort the child, no! This is God blessing and we should keep it. Ayoko ring magkasala dahil alam kong malaking kasalanan ito sa batas ng Panginoon. Ang akin lang ay hindi pa kami handa para sa ganito. I don't know what's up to my mind, I'm just thinking about it lately. Paano kapag mag-fail kami sa pagiging parents? Paano kung maghiwalay pala kami sa kasagsagan ng pagsasama tapos nandito na ang anak namin, siguradong siya ang pinaka-maaapektuhan sa amin. I don't want my child left alone. That's what I'm thinking!

"Natatakot ka na baka hindi tayo maging mabuting magulang sa kanya kaya iniisip mo 'yan! What the hell, Shekky? Matagal na akong handa sa pagiging tatay! Matagal ko ng gustong maging ama! Kaya bakit ganyan ang takbo ng isip mo? Wala ka bang tiwala sa akin huh?"

Tinanggal niya ang braso ko at iniwan akong tulala sa kinatatayuan. He left me hanging on!




---
© Alexxtott

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz