Lahat kami ay pumalakpak. Hindi ko naman mapigilan na maging proud at ngumiti ng totoo. My grandfather deserves all of gratitude ng lahat ng nandidito ngayon. Hindi magiging matagumpay ang lahat kung wala sya. TC empire is on the top because of his dedication, leadership and good strategies. Kahit wala akong parte sa lahat ng ito ay mayroon din naman akong alam sa business. Nag- babasa ako ng mga libro tungkol dito noong bata pa lamang ako. Inakala ko kasi na kapag nakita nila along ganoon ay mag- iiba na ang pakikisama sa akin ni Kuya. Lahat ng ginagawa nya noon ay ginagawa ko din. Hanggang sa isang araw, pinunit nya mismo sa harapan ko ang mga business book habang sinasabi na hindi ako nababagay sa ganoong larangan. Ayaw na daw nya akong makita at hwag ko na daw syang gayahin. Simula noon ay hindi na ako nakialam sa kompanya. Gumawa ako ng sarili kong mundo. That's the time na nakilala ko ang baseball. Naging paraan iyon upang malimutan ko ang sakit at makapag- simula akong muli.

Literal na naka- upo lang talaga ako sa tabi ni kuya at Mom. Para na akong hangin dito na walang kausap at pumapansin. Samantalang sila ay busy sa mga lumalapit na mga tao. Dahil nga sa hindi ako nakikita dito sa kompanya ay walang nagkaka- interes na makipag- usap sa akin. Bakit kasi pumayag pa ako na mag- punta dito?

"Babe!"

Mas lalo akong nawala sa mood dahil sa boses na narinig ko.

"Hi there, Sin." Bati nya sa akin.

She is Meryl Lanaria Ubay, anak ng isa sa mga miyembro ng board member. Sya ang sassy, glamorous, and ma- attitude na girlfriend ni Kuya. Mayroon dyang sexy na katawan, mahaba ang kanyang kulay brown na buhok na medyo kulot, maputi at makinis ang kanyang balat, higit sa lahat, maganda.

I smiled. "Hello, Ria."

She rolled her eyeballs. "It's Ate. I am your brother's girlfriend and soon to be wife. So, you should addressed me properly. Right, babe?" She turned to my brother.

"Of course." Tugon ni kuya. Then, he glanced at me. "Didn't I tell you to fucking behave my dear little sister?"

Napa- yuko naman ako. "Sorry, Kuya. Pardon me, Ate Ria."

Napatawa naman ang maarteng babae. "Nah, it's okay." She giggled. "Babe, let's have a drink?"

"Sure." Sagot naman ng kapatid ko.

Umalis nga silang dalawa. Magka- hawak kamay silang nagpunta sa mini bar. Ako naman ay tumayo din at naghanap ng tahimik at hindi masyadong ma- taong lugar. Dinala naman ako ng mga paa ko sa gilid, sa likod ng mga malalaking decoration. Purong salamin ang pader ng buong gusali kaya naman, tanaw na tanaw ko ang mga maliit na building at kabahayan sa labas. Lumubog na ang haring araw at madilim na ang paligid. Ngunit, binuhay ng mga ibat- ibang ilaw na nagmumula sa mga gusali ang lungsod. Muli ay tinapunan ko ang direksyon ng kinaroroonan ng pamilya ko. Mula dito ay kitang- kita ko kung gaano sila kasaya. Nakalimutan na talaga nila na may isa pang miyembro ng pamilya dito. Ako. Mapakla akong napangiti sa katotohanang malayo mangyari ang mga gusto ko. Tumalikod ako at humarap muli sa tanawin sa labas kasabay ng pag- tulo ng mga luha ko.

My Baseball Queen (Athlete Series 1)Where stories live. Discover now