Una

35.6K 428 5
                                    

Handkerchief

"Girls!!Good morning! Grabe nakakapagod ang flight." my co-worker slash bestfriend ko.

"Anong akala mo ikaw lang ang napapagod ha Chelsea?" sagot din ng isa ko pang katrabaho at bestfriend din.

"Bad mood ka ata ngayon Jez?" Sagot naman ni Chel."Talagang bad mood yan,napagalitan kanina ng Manager paano naman kasi nakikipagharutan sa boyfriend sa working hours." sabat ko,sinimangutan lang ako ni Jez.

"Hoy!porket wala kang boypren dyan Zan ginaganyan mo na ako." maktol naman nya sa akin.

"Ang kati mo kasi bez yan tuloy,okay lang yan,pagkatapos ng duty natin ililibre ko kayo sa Jobee may kumuha kasi ng number ko kanina eh,ang pogi!feeling ko talaga sya na si Mr. Right ko!!" Tili ni Chelsea at kilig na kilig.

"Wow!manlilibre na nga lang, Jollibee pa?sana sa Mang Inasal nalang may Unli rice pa."nakasimangot na kumakain si Jez.

"Grabe ka talaga Jez!!syempre ililibre ko kayo sa mas mahal na resto pag syempre magtext sya sakin." pagpapaliwanag naman ni Chelsea.  Ang kaibigan kong laging umaasa na may taong magseseryoso sa kanya.

"Magtigil nga kayong dalawa dyan,pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh!" Pagsisita ko,nasa cafeteria kami at kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko.

"Eh yan kasing si Chelsea e,makatili kala mo naman nakakita ng Hollywood Actor,para yun lang kinikilig na,paano nalang kung nagpropose sayo yun di hinimatay kana?" Nguso ni Jez kay Chel na nakasimangot. Para siyang nanay namin ni Chel kung makaasta. Siya ang sandigan namin sa lahat ng bagay.

"Eeeeh!syempre talagang mahihimatay ako,ang pogi kaya daig pa ang Hollywood Actor noh!napaka mo talaga Jez,maging masaya ka nalang sakin, pwede?" Sagot ulit ni Chel.

"Wag mo kasing hanapin yang Mr. Right na yan at baka si Mr. Left ang makikita mo,hayaan mo lang na si Mr. Right ang hahanap sayo,kaya nga "right" diba?kase at the right moment and at the right time sya darating okay?" Sabi ni Jez na sinangayonan ko. Hindi naman masamang humangad ng isang lalaking magmamahal at mamahalin mo, pero minsan kailangan rin hintayin ang tamang lalaki para sayo.

"Tama naman sya Chel,wag ka masyadong magassume na magtetext sya sayo,mas lalo ka lang madidisappoint pag masyado kang umeexpect,just go with the flow." turan ko naman sa kanya habang sumusubo ng spaghetti.

"Makaadvice ka din Zan kala mo nagkaboyfriend na e." iiling namang sagot ni Chel natawa si Jez.

"Hoy di porque at NBSB ako eh wala akong alam dyan,nagbabasa naman ako ng mga love story at nanunuod din ako ng romance no!" Pagpapaliwanag ko natawa lalo sila.

"Tsaka makakapaghintay yang boypren." pagpapatuloy ko."bente kwatro kana Zan,utang na loob magkafling ka man lang sana!!" Asik ni Jez.

"Oo nga!maganda ka naman ah,sexy pa!andaming nanliligaw sayo,marami ding Piloto na may gusto sayo,bat ba ang arte mo?yang pinapantasya mong Ian Somerhalder na yan ay hindi magiging sayo kahit pumuti pa ang uwak at lumipad pa ang baboy noh!" Saad naman din ni Chelsea,napasimangot tuloy ako.

"Hoy hindi masamang mangarap,kayong dalawa tigil tigilan nyo ako ah,bat napunta sa akin ang usapan ha?" Tinuturo ko pa sila at tinawanan lang nila ako.

Alam ko namang wala akong alam tungkol sa pagibig pero kailangan ba pagaralan yan?hindi ba nararamdaman naman,sa tamang panahon at pagkakataon. Pero minsan napapaisip din ako,ano kaya itsura ng magiging boyfriend ko?o kaya ng magiging asawa ko?gwapo kaya sya? Mabait?

Love me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon