"Ang hirap maging flight attendant no?" pagiiba ng topiko ni Jez. "San ka ba nakakita ng trabahong "hindi" mahirap Jez?" Komento naman ni Chel emphasizing the "hindi".

"Alam ko naman po na mahirap talaga lahat ng trabaho,bruha ka talaga." sagot naman ni Jez.

"Wala na ba kayong balak umuwi? kanina pa tayo nagdadaldalan dito." singit ko ng biglang tumunog ang cellphone ni Chel.

"Waaaaah! Nagtext sya!" Tili nya, napatingin ang mga tao malapit sa amin. Nahihiyang ngumiti ako sa bawat matang makita ko.

"Ansabe?" Tanong ni Jez.

"Hi!daw Hi! dawwith smiley pa. gosh!! I  can't breathe!" Tili ni Chel na niyogyog ako at pinaypayan ang sarili.

"Bunganga mo nga! makatili ka kala mo nasa kwarto ka lang magisa ah!" Reklamo naman ni Jez.

"ANo irereply ko?" Tanong niya at inignora ang reklamo ni Jez,napailing nalang ako.

"Replyan mo ng hey der paker,tignan mo maiinlove agad sayo." sagot ni Jez na ikinasimangot naman ni Chel natawa nalang ako sa asta nilang dalawa.

"Mauna na nga muna ako sa inyo at may kukunin pa ko sa locker ko,hintayin nyo ko dito ah,wag kayong magaway pagbubuhulin ko kayo makita nyo." banta ko sa kanila at tumayo na ako.

Nang nakuha ko na ang mga gamit ko at nakalabas na ng locker area,biglang may tumawag sa akin mula sa aking likuran.

"Zaniella!" Si Mark na kumakaway at tumakbo palapit kung saan naroon ako, isa syang piloto.

"Oh Mark,bakit?"

"Busy ba kayo mamayang gabi? iimbitahan ko sana kayo eh, birthday ko." sabi nya habang nagkakamot sa batok, marahil ay nahihiya.

"Oo ba, wala naman trabaho bukas e." sagot ko naman, nakita kong nagliwanag ang mukha nya. "Talaga? sige sa dating bar, hihintayin ko kayo." saad nya tumango naman ako.

"Sige, happy birthday pala." Ngumiti ako at tumalikod na  at naglakad palayo ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Tinext ako ni Jez na sa parking lot nalang daw nila ako hihintayin kaya nagsimula na akong maglakad ng may humarang sa akin.

"Miss excuse me, your handkerchief fell." Isang baritong boses ang humarang sa akin. tumingala ako at napanganga ako sa ganda ng lalaki na nasa harap ko ngayon.

Matangkad na lalaki naka three piece suit na bagay na bagay sa tindig nya, may bigote at balbas sya na bagay na bagay sa mukha nya, hindi maduming tignan at nakakaakit.

His eyes with full of mistery, parang hinahalukay ang buong pagkatao mo pag nakatitig sayo,ang medyo magulong buhok niya na parang nagsasabing maginoo pero medyo bastos. He smirked and i blinked dahil nabalik ako sa huwisyo ko at nakakahiya, nahalata nya!

"T-thank you." yun lang ang sinabi ko pero grabe! nakakainis nagbuhol pa ang dila ko. Inabot ko ang panyo ko at bago pa man sya makapagsalita ay linagpasan ko na sya para makaalis na, nakakahiya talaga tinoktok ko ang sarili kong ulo.

"Ang tagal mo naman!" Reklamo ni Jez ng makarating ako ng parking lot.

"Sorry na,hinarang kasi ako ng-- ni ano--s-si Mark! iniimbita tayo, mamaya daw birthday celebration nya." paliwanag ko naman sa kanila.

"Anyare sayo? namumula yang pisngi mo?" Tanong naman ni Chelsea.

"H-ha? hindi, bilisan nyo na nga baka matraffic pa tayo." sumakay na ako sa kotse nya, sumunod naman agad sila.

Love me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon