1

2 0 0
                                    

(Listen to Billie Eilish's Lovely for emotion experience. Ty)

MANY things in this world are still mystery on me. Things were going through my head but I can't voice them out.

.

Lahat ng nakapaligid sa akin ay hindi ko kilala, basta ay nakaupo na lamang ako sa isang maliit na upuan sa loob ng silid na ito. Nananatiling hindi ko sila kakilala, ni-hindi ko maalala ang kanilang mga pangalan. Maging ang sarili ko, hindi ko kilala.

.

Purong puti ang nasa loob ng silid na ito, isang kama na walang unan, isang lamesitang gawa sa bakal at maliit na palikuran. Wala akong ideya kung anong ginagawa ko rito, tulog, kain at tumitig sa kawalan ang nagagawa ko. Kahit bintana ay wala sa maliit na kwarto na ito.

.

Nakasuot ng puting bestida na may mga tali sa gilid. Mahabang itim na buhok na umaabot sa aking baywang at napakaputi ng balat dahil sa tanang buhay ko ay hindi ako nakalabas sa silid na ito.

.

"Patient 0263" napalingon ako sa pintuan at nakita ang isang babae.

.

Kulay asul ang damit nito, may dalang tray ng pagkain at mga tabletas. Tuyo ang labi at walang buhay ang mga mata, maikli ang buhok nito.

.

Gustuhin ko man siyang lapitan ay ayaw ng mga paa ko, marahil ay hindi ko pa siya lubusang kakilala.

.

"Sino ka? Bakit ko iinumin ang dala mo?"

.

Iyan ang bungad ko sa pumasok sa aking silid, wala akong kaide-ideya kung bakit kailangan kong uminom ng gamot kung wala naman akong sakit.

.

"Utos ni doktora na painumin ka ng gamot mo"sagot nito sa walang ganang boses. Inilapag nito ang tray sa lamesa ko na katabi ng kama bago inilagay ang kamay sa bulsa ng damit nito.

.

Napayuko ako bago inabot ang mga pagkain. Simpleng kanin lang ito at isang maliit na mangkok na may mainit na sabaw.

.

Natapos ko ng mabilis at walang ingay na pagkain, umangat ako ng tingin at binigyan niya ako ng isang maliit at kulay berdeng tableta.

.

Isinubo ko iyon bago uminom ng tubig. Tinalikuran niya ako matapos bitbitin ang tray.

.

Ilang araw, buwan o taon na iyon ang paikot-ikot na daloy ng buhay ko, pakakainin, matutulog, kakausapin ang mga kaibigan ko at yayakapin ang sarili sa lamig at dilim.

.

Walang bago maliban sa mga taong pumapasok sa aking silid, iba't ibang mukha ang nakikita ko.

.

Kumalansing ang nakakabinging tunog ng bakal na pinto. Saka ang pagluwa ko sa tabletas na nasa ilalim ng aking dila.

.

Hinulog ko iyon sa inidoro at pumunta sa maliit at kinakalawang na kama para mahiga.

.

Hindi ko mawari kung gabi na o may araw pa, kahit ang petsa ay nananatili akong walang alam. Unti-unti pa ay dumilim ang paligid, may sumisitsit sa akin sa itaas ng kisame.

.

Tinakpan ko ang aking magkabilang tainga nang lumakas iyon, mayroon na ring tumatawa sa paligid. Mariin ko na lamang na pinikit ang mga mata at umupo sa gilid.

.

"Tara laro tayo"

.

"Gusto mo bang kwentuhan kita ulit?"

.

"Habulan tayo"

.

Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

.

'Nandito nanaman sila!' sigaw ng aking isipan.

.

Ilan lang iyon sa mga naririnig kong boses, makalipas ang ilang segundo ay nawala ang mga nakakatakot na mga boses.

.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at napahiyaw sa takot nang bumulaga sa harapan ko ang isang babae na nakangiti sa akin.

.

Wala siyang mga mata!

.

Napatingin ako sa aking mga kamay dahil malagkit ang mga iyon at laking gulat na nasa mga kamay ko ang nawawalang mga mata ng babae!

.

"Laro tayo"

.

"Magtago ka na"

.

"Ako ang taya"

.

"Pag nahanap kita"

.

"Katapusan mo na"

.

Isang nakakabinging sigaw ang pinakawalan ko, bago pa ako lamunin ng kadiliman ay naaninag ko pa ang nakakakilabot na babae.

Asylum Agatha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon