Chapter Two

0 0 0
                                    

JOINING TRAINING FIELD

"Hey,wake up kid. Gusto mo bang makasama pa sa training,"sabi ni Madelaine at mahinang sinipa ang katawan ni Sindra na mahimbing na natutulog. Inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Then she saw a small bag,on the top of the bedside table.

Nagtaka sya kung kanino yun. She don't remember that bag. Hindi naman yun dala ni Sindra. She walk towards it and open it. It's full of clothes,folded nicely. The folding style that is used is really familiar.

There's probably a lot more people who folded clothes this way. Hindi naman ata si Levi ang gumawa nito. Bulong nya sa sarili. Sa pagkakataong yun ay naalimpungatan na si Sindra.

"Uy, Maddie! Good morning. Anong almusal?" Ngiting sabi ni Sindra at umunat, bumangon sya at naupo sa higaan. Napunta ang tingin nya sa bag na hawak ni Madelaine.

"Ano yan?,"she asked curiously at humakay pagkatapos.

"Bag,may lamang damit. Sayo ba ito?" Tinignan ni Sindra ang bag,umiling sya dahil hindi naman pamilyar sa kanya ang bag na yun.

"This might be your clothes. Get ready,Eger begged me to bring you to the Training field," sabi ni Madelaine at lumabas ng kwarto. Humikab sya at umunat ulit, bago tumayo para tingnan ang bag.

"This isn't mine but I don't have a choice." Kibit balikat nyang sagot at pumasok sa cr na nasa kwarto. It was plain. Kagaya ng kabuuan ng bahay ay gawa ito sa kahoy. Maliit lang at may timbang gawa sa kahoy at may gripo. At ang bowl ay mukhang gawa rin sa kahoy.

Mabilis syang naligo,gamit ang mga sabon na nandun. Pagkatapos ay ibinalot ang sarili sa tuwalyang nandun. Pumili sya ng damit mula sa bag. Itim na pantalon,puting polo at ang sapatos na suot nya kahapon. Sakbat ang bag ay lumabas sya ng kwarto. Tanging si Madelaine nalang ang nandun at naghihintay sa kanya sa sala.

"Better eat fast." Sabi nito nang mamataan syang papalabas na. Tumango sya.

"How about you Maddie? Kumain ka na ba? Sila Eger at Artemi?" Sindra asked again.

"I'm done. They already left." Sagot ni Madelaine. Tumango si Sindra at naupo sa dining. Kumain sya ng agahan habang nag-iisip sa pwedeng kalabasan ng pagpasok nya sa Training field. Kung papalarin sya at makasama sa top ten ay pwede syang pumili kung saang distrito sya maglilingkod.

"Tara na. Malayo ba yun? Lalakarin lang ba natin?" Tanong ni Sindra nang matapos syang maghugas ng pinagkainan nya. Tumayo si Madelaine at nagtungo palabas,sumunod naman si Sindra sa kanya.

"Nasa command center ang mga sasali sa Training Field,sabay sabay kayong pupunta sa Southwest ng Athena." Sagot ni Madelaine. Tumango lang ulit si Sindra kahit hindi masyadong maintindihan ang sinasabi ni Madelaine.

"Asan pala si Levi?" Tanong nya habang naglalakad sila.

"Siguro ay nasa post nila." Sagot ni Madelaine.

"Malayo ba yun dito?" Takang tanong ni Sindra.

Gusto ko sana syang makita bago ako umalis. She said in her mind.

Wala syang pakialam kung nagtangka si Levi na patayin sya. Iniisip nya na nagalit lang si Levi dahil andun sya sa bahay nya. Sino ba namang hindi magagalit kapag ganun,diba? Isa pa,si Levi yun. We're talking about Levi here. She can't hate him,she can't get angry towards him,all she can give is love for him.

"Hindi,malapit lang yun sa Command center,"kibit balikat na sagot ni Madelaine, getting really suspicious.

Tama,alam ko yun. May apat na Command Center ang Athena. Superior,Prime at Supreme Command center. Ang isa naman ay sa Governor. Malamang ay sa Superior Command center kami pupunta, doon ang post ng mga Interior Police ng Athena. Ang cool nito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Athena Warriors: Scream of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon