Chapter One

2 0 0
                                    

Where Am I?

"Hey! Who are you!? What are you doing in my room!?", hawak ang matalim na espada ay ginamit ito ng isang lalaki bilang panghawi ng buhok nang babaeng nakahiga sa kama n'ya. Matalim ang tingin n'ya sa dalaga. Nagkamali s'ya,hindi n'ya kilala ang babaeng ito.

Nagtatangis ang panga n'ya dahil sa kanyang kinilos kahapon. Naiinis s'ya sa sarili n'ya at sa babaeng nasa harapan n'ya. Dahil sa galit na nararamdaman ay dahan dahan nyang inilagay ang dulo ng espada nya sa leeg ng babae at bumwelo para---

"L-levi!" Napatigil ang lalaki sa binabalak nang bigla itong magsalita. Inosente ang mukha ng babae at naluluha pa,mukhang nananaginip.

"Uy!" Ibinalik nya ang espada sa lalagyan nito sa belt kung saan ito nakalagay. Inilapat nya ang kamay sa pisngi nito at tinanggal ang mga takas na buhok sa mukha nito. Nakakapanghina,ganun ang matatawag ni Levi sa babaeng ito. Napupuno ng katanungan ang isip nya,at hindi nya alam kung sino ba ang makakasagot nito.

"Hindi pwede, dapat may lovelife ka. " Gulat sya at bahagyang napaatras pa nang muling magsalita ang babae. Kulay puting polo ang suot nito. Pulang pantalon at itim na sapatos.

"Levi! Levi!" Lalong kumunot ang noo nya nang magsimulang umiyak ang babae. Naisip ni Levi na kung hindi nya binuksan ang kwaderno ng babae ay hindi nya malalaman ang katotohanang iyon. Muntik na syang malilo,muntik na syang maniwala.

"Gumising ka na, kung hindi ay mapapatay na talaga kita." Malamig ang boses nya katulad ng mga mata nya. Sa pagkakataong yun ay bumalikwas ng bangon ang babae. 

"Hala!" Sigaw ng babae at mukhang natakot,ngunit napalitan ng ngiti nang makita ang lalaki.

"Levi! Nasa dream world pa pala ako." Kumamot sya sa ulo at niyakap ang unan, inamoy pa nya ito ng ilang ulit bago umunat at nagtanggal ng muta sa mata. Nang magtagpo ang paningin nila ni Levi ay muli itong ngumiti.

"Bakit ka natutulog sa bahay ko?" Kunwaring tanong ni Levi,sa babae.

It's better this way. Bulong nya pa sa sarili,at nagpanggap pang walang alam,na wala syang ginawa. 

"Bahay mo ba ito? Ito pala ang bahay mo? Akala ko kasi wala kang bahay. Hindi ko nakikita sa panaginip ko na umuuwi ka sa bahay mo." Sagot ng babae. Nairita ang lalaki kaya inilabas nya ulit ang espada nya at itinutok sa babae.

"I should just kill you." Nagtatangis ang panga nya sa galit. The bliss he felt yesterday vanish in an instant this morning. He wondered if he didn't look at her notebook,will everything stay like yesterday?

"Uy seryoso ka ba? Wag mo naman akong patayin sa panaginip ko." The girl giggled not taking seriously what Levi is trying to do. That face! Why do you have that face!? Levi is ranging inside,screaming in pain and anger.

"I'm serious!" Mas lalong lumamig ang mata ng binata na nagpanguso sa dalaga.

"Alam mo,hindi ko ma distinguished kung anong nararamdaman mo e. Pare-parehas lang naman yung reaksyon mo. Pero wag mo akong patayin,dito. Ngayon lang kita nakakausap sa panaginip ko e. Susulitin ko. Upo ka dito."Tinapik pa ng dalaga ang espasyo sa higaan ni Levi. Hindi na napigilan ni Levi kaya naman inilapat na nya ang espada sa leeg nito at dumugo ito.

"Aray! Bakit mo ginamit sa akin yan?! Ang talas talas e!" Napalitan ng gulat at takot ang mukha ng babae. She don't want to die this instant so she held the sword with both of her hands and push it away,even though he hands are bleeding.

Her blood drip on the blanket and she can't help but to cry and asking Levi to stop. Why is she crying now!? She tricked me! She lured me! She deserves to die! Levi said in his mind.

Athena Warriors: Scream of FreedomWhere stories live. Discover now