[14.5] Is it a merry christmas?

Start from the beginning
                                    

"Wag na, guluhin niyo pa yung condo nila." Binaba na ni Hiro yung tawag at pumunta sa condo ni Aphrodite dala-dala yung oreo cheesecake na binili niya sa starbucks. Peace offering daw tutal christmas na.

Iniabot niya yung cheesecake sa guard at ibinilin dito na ilagay ito sa harap ng pinto ng condo ni Aphrodite. Umalis na rin siya agad kasi daw baka abutan siya, ayaw niyang magmukhang nagbababa siya ng pride sa harap ng babae.

Mga limang minuto makalipas umalis ni Hiro, dumating naman si Aphrodite. Malaking-malaki yung ngiti sa kanya ni Manong Guard na hindi normal sa routine na bati sa kanya nito.

"Swerte mo naman Raine, bagay kayo." Tumingin si Aphrodite sa gilid niya at baka may nakikitang  multo si Kuya Guard na katabi niya. Nag-bow siya at nagpatuloy ng umakyat sa elevator, natatakot padin na baka mamaya ay may katabi nga siyang ibang nilalang.

Pagdating niya sa 17th floor, kung saan naroon ang condo niya. Napansin niyang may box sa harap ng pinto niya. Pinuntahan niya ito at kinuha. Binasa nya ung letter na nakalagay dun sa box ng cake.

Hoy Panget, wag ka na sanang tatanga-tanga at baka ma-rape ka na talaga. Hindi naman ako laging nasa tabi mo kaya mag-ingat ka naman. Balita ko favorite mo daw to. Wag mo ubusin lahat baka tumaba ka lalo. Merry Christmas.

Hindi namalayan ni Aphrodite na namumuo na pala ang ngiti sa labi niya. Kahit kailan talaga, laging napapasaya ni Hiro si Aphrodite, kagaya nalang ng ginagawa ni Aki sa kanya. 

Binuksan niya yung condo at nilagay sa ref yung cheesecake na bigay ni Hiro. Dun niya napansin yung bigay sa kanya ni Jeremy. Pinapataba ba ako nitong mga to? Tanong ni Aphrodite sa sarili niya. 

Ala-una pa lang naman, 5 pa ang misa, naisip niya. Pahiga na sana siya sa kama ng mapansin yung regalo na bigay sa kanya ni Aki dati. Sinuot niya ito at naiglip saglit.

Ayaw niya na malito kaya niya sinuot "yun". Gusto niyang malaman sa sarili niya kung sino talaga yung gusto niya...

Si Aki ba na walong taon niyang minahal, si Jeremy ba na mula sa simula palang hindi napagod sa pagmamahal sa kanya o si Hiro ang cold-hearted guy look-alike ni Aki na lagi siyang napapasaya  pero hindi niya alam kung gusto din siya.

Hirap nga namang maging maganda oh. Napakamot ng ulo si Raine sa kalokohang naisip niya. Umiglip na siya habang iniisip padin ang solusyon sa mga problema niya.

[Hiro's POV]

Tinamad ako mag-misa kaya sabi ko sa Agape nalang ako aattend. Pumila na din agad ako nung mga 5:30 na para makakuha ng ulam. Tinawagan kasi ako ni Kevin at sabi kumuha na daw ako para samin. Perks ng Mr. CBA eh nakauna ako sa pila. Pinakita ko yung ID naming anim(Kevin, Brylle, Andrew, Aphrodite at ako) para makakuha ng isang buong manok. 

Pumunta nga din ako sa pila nung lechong baka, pinauna din naman nila ako. Binigyan ako ng marami nung butcher kaya madami kaming ulam. Sa totoo lang, kay aphrodite talaga to kasi sabi niya mahilig daw siya sa lechong baka -_- takaw talaga nun eh.

(play music)

Pumunta na ako sa may lovers lane kasi naglatag daw sila ng picnic mat dun sa may damuhan para dun daw kami kumain. Nagpalibot-libot ako ng tingin para mahanap nila. Buti nalang nakita ko agad si Aphrodi--

Napatigil ako sa nakita kong pangyayari. Bakit ba lagi nalang akong mali sa mga desisyon ko? Sabi ko okay lang na magustuhan ko siya kasi kahit anong gawin ko hindi naman nawawala yung nararamdaman ko. Sabi ko kukuha lang ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya, napagpasyahan ko nga na ngayon na umamin sa kanya tapos ganyan makikita ko?

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now