Chapter 33

48 5 2
                                    

Hold

Days had passed Gremory started to stammer every time we're talking--I mean when it just the two of us. He started to avoid me and constantly blushing like Xerxes had put something on his cheeks. Ang awkward tuloy kapag sinusubukan ko siyang harutin kagaya ng dati. Tipong dadaldalin ko siya hanggang sa maiirita siya pero ang ending sasagutin pa rin ang pangungulit ko, ngayon eto nauutal siya, namumula laging naka iwas tingin--na sobrang nakakapanibago dahil si Gremory ang tipo ng taong pwedeng isabak sa staring contest hanggang sa ikaw na mismo ang ma intimidate at umiwas ng tingin.

Remembering what happened last week.. Siguro dinibdib niya iyong sinabi ng half brother niya? Well, may parte sa akin ang maligaya kasi sino bang hindi matutuwa kung itong mga feelings kong matagal ko ng ipinapakita e may kapalit naman pala but at the same time I want him to realize it by himself, I want him to tell me that he finally like me without being pressured by others nor talk with the words that others put out on his mouth.

Despite of everything happening on me I always pray for everyone's happiness as well as peace of mind. Na sana gumaling na si nanay at magka-ayos sila ni mama Karina sa problemang hindi ko alam, si Galatea na naghahanap kay Mang Generoso at si Deiry na nag-aaalala kay Rossweisse na ngayo'y nasa regionals..

Masaya lang ang mga kaibigan ko syempre masaya na ako pero ang plastic kasi pakinggan kapag sinabi ko sakanila ng harap-harapan. Ipagdadasal ko nalang.

I sighed heavily when my foot made it's way to Gremory's apartment, bukas ulit ang pintuan pero rinig ko ang mga yapak sa loob kaya tahimik akong pumasok. Nasilayan ko si Gremory at Genevorld na masinsinang nag-uusap, nakasabunot ang mga kamay ni Genevorld sa kanyang buhok paulit-ulit na ginugulo at mukhang problemado habang si Gremory nama’y kalmado lang.

“Kuya nangako ka sa amin nina Grien.. Nangako ka kuya..” Nanghihina nitong sabi, tinakpan ko ang bibig upang mapigilan ang kung ano mang ingay ang maari kong magawa. “Iiwan mo nalang kami ulit sa ere? Kaya nga kahit ang hirap maiwan doon hinyaan ka namin kasi ang sabi mo babalikan mo kami na.. Nangako kang kukuhanin mo ulit kami at poprotektahan..”

Gremory closed his eyes tightly, “don’t make me choose.. Please.”

“Paano kami?! Ayaw mong pumili pero sa nakikita ko kuya ay pwedeng-pwede mo kaming kalimutan ni Genevieve! Kasi ano? Masaya ka na rito? Kasi malayo ka na roon? E, paano naman kaming mga kapatid mong nakakulong pa rin doon? Ganiyan ka ba talaga? Mahilig mang-iwan? Basta nalang kakalimutan ang mga sinabi mo noon?” A lone tear escape Genevorld eyes. “Why would you make promises if you're going to break it, Kuya? Nangako ka sa puntod ni Vive.”

I don't want to interfere. It sounds like guilt tripping. Wala akong ideya kung anong pinag-uusapan nila, wala akong ideya kung ano nga ba ang totoong estado ng buhay nilang magkapatid. Ayaw kong makielam dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat involve ako.. I just want them to be okay no matter what problem they are facing.

“I’m sorry..” Gremory uttered.

My eyes widened when Genevorld kneeled down on his brother. He was shaking to the core and crying hysterically. “K-Kuya ‘wag mo naman akong hayaan.. P-Please I don't want to g-go back.. K-Kuya h-help me please.. K-Kuya y-your promise.. K-Kuya..”

Tuluyan na akong naiyak sa nasaksihan tila may kung anong bagay na matalas ang tumarak sa puso ko..

Gremory sat, leveling his brother's position. Something clearly happened to them that left everyone a traumatic experience. A deep bruise that kept on bleeding even it was inflicted a long time ago. “I’m sorry.. G-Gagawa ako ng paraan. Just don't make me choose, I finally found that someone I can’t do the plan.. I couldn't.. I'm willing to sacrifice myself to save you and her, kahit ako nalang.. Huwag mo lang akong papiliin..” He hugged his brother tightly.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now