Chapter 18

71 5 0
                                    

Not so good

“Anak, ” nilingon ko si mama Karina.
“May problem ka ba?” Tanong niya.
Umiling lamang ako. “Malapit na ang prom niyo, bukas na iyon pero bakit hindi ka ata masaya? Parang kahapon lang ay excited ka..” Bakas ang pag-aalala sa tono nito.

Sasali ka pa ba Dorothy?

Nagsimula ng magdebate ang aking sarili.  Ang ideyang magback out ay hindi ko tinaggap, hindi ko gagawing dahilan ang mga nasambit ni Gremory para maging malungkot ako sa mahabang panahon. Pinilit kong maging mabait, pero naubos ako.

Nginitan ko siya, “sasali ako ma. Wala lang po talaga ako sa mood.”

Maaga akong nagpaalam kay mama Karina na pupunta kina Deiry, walang tanong-tanong niya akong pinayagan at sinabing maari kong ikwento kung ano man bumabagabag sa akin. Sakto namang sa paglalakad ko papunta sa Sitio Nga-Nga’y nakasalubong ko ang pagong paligong si Achie.

“Nandiyan ba si Deiry?” Alanganin kong tanong kay Feitan, kasama ko ngayon si Achie habang nakatanaw kami sa bahay nila Lola D. “Ayaw niya ba akong maka-usap?”

Halos magkanda bali-bali na sa pag-iling si Feitan. “Para ‘tong shunga! Ikaw nga lang kaibigan nun tapos ayaw kang makita? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano nasabayan lang iyon ng pagod kaya nakapagsalita ng ganoon. ” Binuksan niya ng husto ang gate. “Tara, pasok kayo.”


Nagdadalawang isip pa ako kung papasok o hindi, pero agad ng nauna si Achie na mukhang malalim ang iniisip. Nadatnan namin si Deiry na nasa sala, napapalibutan ng mga sandamakmak na libro animo'y balak buruhin ang sarili doon.

Nangilid ang mga luha ko’t napanguso, “Dei..” Bumalik lahat-lahat kung paano ako insultuhin ni Gremory. Para akong batang nagsusumbong base sa pagkakayakap ko sakanya.

“Tara Achie kuha muna tayo ng miryenda..” Dinig kong anyaya ni Feitan.

“Hala ‘wag na..” Tanggi nito.

“Ayaw mo ng miryenda?”

“Gusto, nagpapabebe lang ako. Tara na nga..”

Naiwan kaming dalawa ni Dei, nagsusumamo ang bawat tingin ko sakanya hanggang sa bumuntong hininga ito. “Sorry na, Dei..” Ani ko.

Bahagya siyang ngumiti at tumango, “I’m sorry too. But you're right,” pinasadahan niya ng tingin ang isang libro. “Your life, your choices. Hindi dapat kita pakielaman..”

Marahas akong umiling. “Dei naman!”

“No, no. Let me finish talking first. What I mean is I won't interfere on the things you want to do from now one, I'll just support and warned you. That's all..”

“Galit ka ata, eh..”

“No.”


“Weh?”



“Oo nga..”

Lumiwanag ang aking mukha sa narinig at parang batang sinugod ng yakap si Deiry. Nagtawanan kami at kung ano-ano pa ang pinag-usapan bago dumating sina Feitan at Achie.

Humugot ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang nangyari, ayaw kong mas lalong mapasama sa tingin niya si Gremory pero.. “Deiry, promise mong hindi ka magagalit.”

Her forehead creased. “Why?”

I nervously laughed, “promise muna..” Pinakatitigan niya ako ng matagal bago napipilitang tumango. “May nangyari kasi,” I gulped. “Remember noong nagkatampuhan tayo at sagutan? Tapos nag walk out ka?” She winced hearing the word walk out. “Pagkatapos ng eksenang ‘yon pumunta ako sa practice ng Victorious.”

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now