Chapter 13

52 8 0
                                    


SL13| Class

“Rodriguez, Felipe, Santillan.” Tila binagsakan ako ng ginto sa sinabi ni ma'am. Ngiting aso ako habang tinatahak ang aking magiging pwesto. Kinikilig.

Katabi ko si Feitan at Gremory, napag&alaman kong late pala itong nag enroll sa hindi alam na dahilan. Pero ayos lang! Atleast ‘di ba? Munting pangarap ko lang dati pero nagkatotoo na. Nakataas ang kamay ni Feitan, kapwa kaming nakangiti sabay naming pinagdaop ang mga palad. Nag apir habang si Gremory nama'y tahimik lang na nakaupo sa tabi ko, nakagitna kasi.

Puro introduce yourself lang ang nangyari hanggang sa pinaka huling klase bago mag recess. Nakakapanibago, ang tahimik kasi ni Gremory. Yung tahimik niya parang nag level up. Inilibot ko ang tingin kanya-kanya ng grupo ang mga kaklase namin habang nakikinita ko na ang future ni Feitan.

Joker siya ng klase.

“Uh, gusto mo?” Alok ko ng buscuit sakanya. “A-Ayaw mo ba?” Hindi ito kumibo. “Sige ‘wag nalang.”

Kunot noo ito. “You're annoying.” Aniya.

Napaisding ako, “puro ka you're annoying pero dati ang bait, bait mo sa akin. Ang gulo-gulo mo, promise.” Kaswal kong sabi habang nakatingin nasa blackboard, wala na akong narinig na salita mula sakanya.

“Are you okay?” Napatigalgal ako nabibigla, “can't you talk?” Aniya bakas ang pag-aalala sa mukha nito pero nabura rin ng mapansing halos nakatitig na ang iba naming kaklase. “Tsk.”

Umalis siya naiwan ako, pero ramdam ko pa rin ang mga tingin niya na animo'y binabantayan ako. Kakaiba si Gremory, sala sa lamig, sala sa init. Mariin kong ipinikit ang mga mata, ang bata ko pa para kumerengkeng pero para kay Gremory, g ako.

“He's cold no?” Napalingon ako sa lalaking iyon, kulot ito. “Cosmos pala..” Pakilala nito. “Kapag may performance kami this school year sali ka ah? Vote mo Victorious!” At umalis na ng tuluyan.

Victorious.. Ang pangalan ng banda nina Gremory lagi silang tinetrain ng mga P.E teacher kaya alam na alam ko. Iyon si Cosmos ang second vocalist.
Siya rin iyong kumain ng niluto kong adobo para kay Gremory.


Napailing ako, iyong harap-harapang isinampal ni Gremory sa akin na hindi ito interesado.

“Para sayo..” Confident akong masarap ang niluto ko. Sabay na rin sa mga steps na ginawa ko para mapansin ni Gremory. Ang tinaguriang “Smile ways to melt the cold ice.”

Tatlo. Tatlong beses siyang humakbang papalayo sa akin, hinabol ko siya. Hanggang sa kunin na niya ang lunch box at walang pagaalinlangan ibinigay sa kasamahan.

Nalungkot ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa? Sanay na naman akong ganituhin niya lagi.

“Sungit.” Bulong ko nalang habang nakatitig sakanya. “Gwapo mo siguro kung ngingiti ka.”

Marahas siyang tumayo, naririndi. “Shut up.”


Bahala siya, tutal ilang buwan kaming magkaklase magtiis siya. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi siya na fafall sa akin. Magsantong paspasan na tayo Gremory!

“Tama iyan!” Sigaw ko, napapahiyang nagpa sorry dahil sa kabaliwan ng pagtinginan ako.

Natapos ang first day ng matiwasay wala si Deiry, hinalughog na namin ang room nito pero ang sabi'y maaga raw umuwi kaya sumama ako kay Feitan para puntahan siya.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now