"Jack Evander Gonzalez de Silva. I am five years old" sagot ko naman sa kanya.

"Ang haba naman ng pangalan mo...." 

"Ikaw din naman mahaba ang pangalan mo" 

"P-pwede ba kitang makalaro?" bakit naman gugustuhin niyang makalaro ang isang lalaki? Hindi ba dapat mga babae ang mga magiging kalaro niya? Hindi naman ako mahilig sa barbie at lutu-lutuan. 

"Okay lang..." maging ako ay nabigla sa sagot ko. Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako? On that day, we had an activity. Siya ang ka-partner ko. She looks clueless. Masyado pa siyang bata para magaral. Dapat sa kanya ay naglalaro pa sa bahay. Kaya ako nalang ang gumawa noon dahil magaling naman ako sa pagkukulay. Tinuruan ko nalang siya. She's a fast learner! I wrote our names on the top of the paper when I noticed that she was also looking at it.

Jack Evander G. de Silva

Maeve Gabriella G. Valderrama

"Anong gusto mong itawag ko sayo?" tanong ko sa kanya. Her name is too long. I can't call her Maeve Gabriella all the time.

"Maggy...Ikaw ba? Anong gusto mong itawag ko sayo?" 

"Kung ano ang gusto mo..." sagot ko naman. Linabas ko na ang mga crayons para makita kong maigi ang mga kulay.

"C-cede..." sagot niya.

"Cede, then" ngumiti ako sa kanya. I wanted to ask her why she wanted to call me that. Habang tinatapos ko ang activity namin ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung bakit Cede. But I also feel happy because she's the very first person who gave me a nickname. 

My days at school became better because of her. She was like my sunshine. Naging isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto kong pumapasok araw-araw. Her presence alone makes me feel alive. I don't know why. I pleased her with all her requests. I joined her when she wanted to play. We ate together and I treated her whenever she wanted something. Being with her is really fun. 

We were about to ride the seesaw when she had her tuhod and siko scratched. I was worried when I saw it bleeding. Kaagad ko siyang pinuntahan para tignan ang sugat niya. Si Kuya Jace naman ay nanghiram ng first aid kit. 

"K-kuya..." halos maiyak siya habang idinadampi ni Kuya Jace ang bulak na may alcohol sa kanyang balat.

"Mabilis lang 'to Maggy. Kapag hindi natin nalinis ang sugat mo ay baka ma-impeksiyon. Sa una lang masakit. Tumingin ka sa ibang direksiyon para hindi mo makita.." sumunod siya sa sinabi ni Kuya Jace. Nakatingin siya sa ibang direksiyon to distract herself from feeling the pain. 

"Ssshhh...." pinupunasan ko ang mga luha niya. I feel sorry for her. Hindi na dapat kami nag-attempt na mag-seesaw. Hindi sana siya nasugatan. 

"Oh...bakit nakabusangot 'yang kapatid mo Jace?" tanong ni Mama kay Kuya Jace. Kanina pa kasi ako nakatunganga. Hindi mawala sa isip ko na nasugatan si Maggy.

"Nasugatan yung kalaro niya Ma"

"Lalaki?"

"Babae Ma" linapitan ako ni Mama.

"Mama it was my fault" sabi ko sa kanya.

"It's not your fault anak...Huwag mong sisihin ang sarili mo"

"Kung pinauna ko sana siyang bumaba baka hindi siya nasugatan" Mama just hugged me. I feel guilty for what happened. "Mama when I grow up, I want to heal the wounds of people who have one. Para na rin ako na ang gagamot kay Maggy kapag mayroon siyang sugat"

"I thought you want to be a famous painter like Vincent van Gogh?"

"Nagbago na ang gusto ko Mama" because of that, I became more cautious. Ayokong masugatan ulit si Maggy kaya doble ang pag-iingat namin. 

After The SunsetWhere stories live. Discover now