JOVENEIL RILEY MENSES (chapter 21)

5 3 0
                                    

Pagod akong naupo sa couch namin dito sa bahay sa Massachusetts. Hinilot ko ang sintido habang nakapikit. Kay daming pwedeng gawin pero pinili ko ang magbasa ng mga case.

Akala ko kasi makapag focus ako hindi naman pala. Nag aaksaya lamang ako ng oras.

Napatingala ako sa kisame ng mansion namin dito. Kung hindi kaya ako umalis sa Pinas at doon nag aral ng Law ay ano kaya ang mangyayari? Siguro hindi ako ganito ka stress at tampered sa mga pinaggagawa ko. Siguro malaya akong nakakilos.

Pero, alam ko rin ang tama at ang hindi. Isa pa kahit naman magmatigas akong umalis ay pipilitin parin ako ni Alexa na habulin ang mga pangarap ko. Isa na ito doon.

Sa fiction lang ata nakikita iyong kayang i-give up ang kanilang pangarap para sa iisang babae. Siguro meron sa totoong buhay pero kadalasan pangarap talaga ang nauna saka ang babae.

Sa sitwasyon ko, pareho. Pangarap ko ang maging Lawyer, at the same time pangarap kong maging akin si Alexa. Gusto ko siya sa tamang panahon. Gusto ko siya pag nauna kong abutin ang pangarap ko. Makapag trabaho ng maayos at mabigyan ko siya ng magandang buhay. Kasama ang mga anak namin. Alam kong malalim na masyado ang iniisip ko tungkol saming dalawa pero ewan ko ba. Namomotivate ako habang naiimagine ko ang buhay namin mag asawa. Together with our child.

Naiimagine niya rin kaya ang buhay niya sa kinabukasan. Kasali kaya ako sa mga pangarap niya.

Saksi ang Moon Goddess kung gaano ko pinangarap na sana kahit sa dulo ng kanyang pag iisip ay nandon ako. Desperadong desperado pero takte naman.

Huminga ako ng malalim saka napangiti.

Ilang taong lumipas ay siya parin talaga. Sa totoo lang ay maraming tukso dito sa abroad. Maraming temtasyon. Subalit pag gustuhin ko ng sunggaban ay mukha ni Alexa na umiiyak ang naglalaro sa isipan ko dahilan ng mapaatras ako sa kagaguhan kong gagawin.

Siguro ganito iyong pagmamahal nilang sinasabi. Na pag mahal mo ang isang babae hindi mo makuhang magtaksil. Kahit na kahain pa ang tukso sa harapan mo. Hinding hindi mo magagawa.

Hindi naging kami pero alam kong mahal niya ako. Hindi niya sinasabi dahil siguro natatakot. Alam ko yun. At handa akong hintayin ang panahon kung kailan siya maging handa.

Sana sa pagbalik ko ay ako parin ang mahal niya at handa na siya para sakin. Sana lang talaga.

"Hey! Wanna go out? Maraming chix doon, dude"

Napalingon ako sa kapatid kong wala ng ibang ginawa kundi ang mang girl hunting.

"No thanks. I'm good." Sabay ayos ng upo.

Humalakhak siya sa sinabi ko. "Damn! Ilang taon ka ng tigang, Jovel!"

"For your freaking information Jols. I am fucking virgin and i am proud of that!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Sabagay natikman na ata niya lahat. Klase klaseng sarap ata natikman niya. Disgusting.

Well, gagu ako noon pero mas gagu at demonyo siya kompara sa akin.

"Lol! Ikaw lang ata Menses na nabaliw sa isang babae." Iiling iling nyang sabi.

So what?

"Kung alam mo lang si Papa, mga tito natin baliw sa mga napangasawa nila. Ikaw kamo ang Menses na hindi baliw." Walang gana kong saad sa kanya. Natahimik siya bigla.

"Muntikan na" mahina ang kanyang boses. Muntikan ampota. Sabihin niyan indenial lang sya.

"Sus, rason mo. Alam kong baliw ka na. Ako pa lokohin mo"

Tuluyan na siyang natahimik. 'Tamo, may pinagdaanan yan, dinadaan niya lang sa ganitong mga bagay. Which is wrong.

May pinagdaanan rin naman ako pero mas pinili kong magtrabaho.

Saka ko siya iniwan sa sala at dumiretso ako sa kwarto.

Nagbasa basa ako ng mga dapat basahin doon ng bigla kong naopen ang laptop ko. I groaned to myself as i remember.

Nandito na naman tayo Joveneil! Akala ko magbasa ka lang buong gabi? Bakit nasa laptop ka na naman? Para icheck na naman ang buhay niya? Napapikit ako sa inis.

Distracted na ako. Iyong kamay ko ay nasa laptop ko samantalang ang mga mata ay nasa libro.

Maya maya naman ang tingin ko sa laptop ko. Sa timeline ni Alexa.

Nababaliw na ata ako. Ilang beses ko ng pinigilan ang sarili kong hindi na tignan ang social media dahil natetempt akong istalk siya at baka ma message ko pa. Especially pag nakita ko siyang online.

Isang araw nga muntikan ko ng mamessage. Nangangati ang kamay ko at parang pag hindi ko pinigilan ay baka malike ko ang napakagandang photos niya.

Pumikit ako saka padabog na sinarado ang laptop.

Kamusta na kaya siya.

Caligo NightOn viuen les histories. Descobreix ara