CHAPTER ELEVEN

5 2 1
                                    

Tumikhim siya bago nagsalita.

"Eh ikaw? Saan mo nakuha yong pera na binigay mo sa kanya? 5k yun ah. Bat ang laki naman ng hiniram niya?" Sobrang gulo talaga ng mukha niya habang tinatanong niya iyon.

Natatawa ako sa kanya dahil wala siyang kaalam alam sa mga bagay na ito. Sabagay ay pinanganak na nandun na lahat sa harapan.

"Kulang pa yun, Neil. Saka ipon ko yun. Para sana iyon sa nararating na birthday ni Papa sa Decembre. Malayo pa naman iyon at baka makaipon pa ako ng mas malaki dun"

Oo, tama. Inipon ko yun para sana sa regalo ko sa birthday ni Paoa pero dahil naibigay ko sa kapatid kong maganda ay wala na, babye 5k.

Muli siyang natahimik kaya nilingon ko siya.
"Natahimik ka jan?" Sabay tawa ko.

"An- ano kasi...wala lang. Naisip ko na galit ako sa buhay. Galit ako sa mundo. Galit ako sa pamilya ko. Kulang na atensyon ang naibigay ng mga magulang ko. Pakiramdam ko, kay laking problema na iyon pero naisip ko ngayon na ang mga iyon ay wala sa kalingkingan ng problema mo. Noong una ako na ang may pinakamabigat na problema. Ngayon naisip ko, nahiya naman yung problema mo."

Namumula siya habang nag kkwento siya. Tila nahihiya sa kanyang sarili.

Nakatingin lang ako habang nagsasalita siya. Hilaw siyang tumawa sa akin at ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya. Tinaas ko ang kamay ko at inayos ang buhok niya na nagulo sa hangin.

"Alam mo kasi ganon ang mundo. Magkaiba tayo ng pinanggalingan. Pero kahit ganon pa man dapat nagpapasalamat ka sa Panginoon. Kasi kahit puro sakit at kadiliman ang nakakaharap mo sa buhay, nanatili kang nakatayo at nakahinga. And that is blessing Neil. Galit ka sa mundo, sa mga tao sa paligid mo, sa pamilya mo, sige lang. Magalit ka lang. Okay lang yan. Ako nga ay galit sa katotohan na dala ng liwanag. Bilib nga ako sayo e. Kasi kahit galit ka sa pamilya mo umuuwi ka pa rin sa inyo. Hindi tulad ko, pag malungkot ako at pag parang tinalikuran ako ng mundo ay nagtatago ako sa dilim."

"Okay lang magalit sa buhay?" Inosenteng tanong niya. Ang cute naman niya. Shit.

"Oo, wala namang permanenteng bagay sa mundo. Kahit yung nararamdaman natin hindi permanente. Nagbabago. Kaya naniniwala akong iyang galit mo mawawala din yan. Mababago yan. Tulad ng ate ko, magbabago din siya. Hindi siya habang buhay na ganon. Kaya hangga't ganon siya ay pinagbibigyan ko kasi balang araw maaaring isang pahina ng buhay niya ang maaari kong makaligtaan." Sabay ngiti ko sa kanya.

Tumango siya sa akin at ngumiti. Tiningnan niya ang mukha ko at mapupungay ang mga mata.

Ganon din ang ginawa ko sa kanya. Hindi ko alam pero habang patagal ng patagal ay lalo akong nahuhumaling sa kanya. Lalo akong nahuhulog. Ang lalim ng pagkahulog ko na kahit sa kanyang mata ay kontento na akong yun ang matanaw araw araw. Parang kaya ko lahat pag tanaw ko ang mga mata niya. Very expressive. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya dahil dito. Best asset.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi subalit ako naman ay nalalasing na sa kanyang mga mata.

"Napakaganda mo" bulong niya sa akin. Bigla ay natauhan ako. Ngunit imbis na lumayo ay ningitian ko pa siya lalo.

Magkaharap na kami ngayon at sobrang lapit ng mukha namin.

"Kwento mo sa bato Neil" saka ako nag iwas ng tingin pero nakangiti parin. Damn. Hindi na tama 'to.

Humalakhak siya sa gilid ko. Ayan na naman iyong tawa niyang sobrang nakakapanghina ng tuhod.

Kinagat ko ang labi ko. Damn.

"Totoo nga. Ang ganda mo kaya" bulong niya sa tenga ko. Iyong kamay niya ay nasa beywang ko na at ang kanyang ilong ay nasa pisngi ko na.

"Chansing ka e no?" Pang aasar ko sa kanya. Pero ako iyong parang kinikiliti. Bwesit pakilig.

"Nagpachansing ka rin naman and I think it's fine?" Sabi niya sa tenga ko. Nakikiliti ako sa hininga niya doon kaya bahagya ko siyang tinulak.

"Anong FINE. Landi mong kupal ka may jowa ka naman. Dyan ka na nga" saka ako tumayo at umalis doon.

Ramdam ko ang takbo niya sa likod ko kaya nangiti ako sa isipan.

"Hey, babe! Hintayin mo ako! Sinaktan mo naman ang puso ko!" Sigaw niya.

"Ang korni mo! Hindi bagay sayo!" Sabay halakhak ko.

"Nadurog ang puso ko, Alexa!"
Sigaw niyang muli.

"Childish ang kingina" sabi ko sa sarili. Tatawa tawa akong naglalakad patungo sa classroom.

Ramdam ko ang lakad niya sa aking likuran. Hindi ko na siya nilingon, malapit na kasi kami sa room at ayokong may larawan sa kanilang isipan na masama tungkol sa aming dalawa.

"Alexa..." Tawag niya sa akin

"Ha?"

Ngunit imbis na sagutin ako ay sumabay siya sa akin ng lakad at hinawakan ang kamay ko. Mahigpit niya itong hinawakan dahilan ng pag lingon ko sa kanya.

"Baka makita tayo...hindi naman tayo, Neil"

"Alam ko, alam ko. Just this time, Xel."

Caligo NightWhere stories live. Discover now