CHAPTER 20

3 3 1
                                    

"Sino yun, Kuya?"

"Kaibigan lang. Nandito ang mga bagong sulat ko."

"Okay..." May pagtataka parin sa boses ko.

"Sige. Kakain lang ako"

Sinundan ko siya ng tingin at nakakunot ang noo. Sino kaya kausap niya at sino ang tinutukoy niyang nandito na.

Matapos kong mag ayos at kumain ay nagbasa basa ako sa mga notes ko nang may tumawag sa akin and it's Hannabelle.

"Hi, Lexa!" Matamlay ang kanyang boses ngayon.

"Hello, Hannabelle? Tamlay mo ah may problema ba?" Tumayo ako at pumunta sa terrace ng kwarto ko. Hinawi ko ang kurtina doon.

"Wala, malungkot lang ako kasi hindi tinanggap ng kuya mo ang gig nila dito sa amin."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Bakit daw?"

"Ewan ko." Malungkot talaga ang boses niya dahil lang dun. Wtf!

"Wala din akong ideya niyan"

"Okay lang. Gusto ko lang may makausap." At bumuntong hininga siya.

Mga ilang minuto din ang pagrarant niya bago natapos ang tawag.

Bumalik ako sa study table at nagresume sa ginawa.

Bago ako pumasok sa paaralan kinabukasan ay tinanong ko si kuya tungkol doon sa gig nila sa bayan nina Hanna.

"Kuya may gig kayo sa kabilang bayan? Tinanggihan nyo?"

"Oo. Nilagnat si Davey kagabi kaya walang drummer."

Napatango ako ng mahina.

Tumuloy ako sa paaralan at nakangiting mukha ni Emanuel ang bumungad sa akin.

"Hi, Alexa. Good morning"

"Hello. Ohayo" nauna akong naglakad sa kanya at nakasunod siya sa akin.

"May gusto lang akong sabihin sa iyo."

Tuluyan na kaming nakapasok sa room namin at kaming dalawa lang ang tao.

"Sige lang. Ano yun" sabi ko na hindi ko siya tiningnan.

"Tungkol doon sa nangyari sa resto bar. Sorry don. Nakainom ako non e." Nakakamot na siya sa batok niya.

"Ah yun. Walang problema sa'kin yun."
Ngayon ay nakatingin na ako sa kanya.

"Gusto ko lang manghingi ng pabor sayo. Kung okay lang naman. Hehe"

"Sure basta kaya ko. Ano ba yun"

"Tulungan mo naman ako kay Hannabelle, oh"

Napangiti ako bigla sa kanyang sinabi. Sabi na e. Alam ko na darating ang araw na to. Napatawa ako sa isipan ko.

"Ikaw ah HAHAHA. Sige ba!"

Tinanong niya ako kung ano ang favorite color ni Hanna at kung ano ano pa. Kaya naman sinabi ko sa kanya ang nalalaman ko kay Hannabelle.

"Sabay kayo sa canteen mamaya at susulpot ako doon. Saka pagnandon na ako. Pa as if kang magcr para makakilos na ako, ha?"

Tumango tango ako sa kanyang plano. Cringe. Parang bata. Pero plano niya iyan kaya sinupurtahan ko na lang.

Iyon na nga ang nangyari. Magkasama kami ni Hannabelle sa Canteen.

Habang masayang sinuri ni Hanna ang kanyang binili ay nitext ko na si Eman na pwede na siyang mag grand entrance.

Ilang sandali ay nakita ko na siya. Maraming pagkain at bulaklak na dala.

Agad siyang napansin ni Hannabelle.

"Hala si Emanuel! Hoy dito ka!"

Natawa ako sa kanilang dalawa. Alam kong crush niya si kuya pero pagdating kay Eman ibang level siya. Tingnan nalang natin kung ano talaga ang mangyayari sa lovestory na ito.

Caligo NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon