CHAPTER TEN

3 3 0
                                    

"Hi sissy" maarteng bungad ng kapatid ko sa akin. Hinihingal pa ako habang nakatukod sa tuhod ko ang pareho kong kamay.

"Ate, sabi ko sayo na mamaya na di ba?" Puno ng pagod ang boses ko.

Maarte niyang hinawi ang buhok niya sa kanyang mukha at nilapitan ako. Muntik na akong mapaatras.

"You know, sis. Kakailanganin ko ang pera. Dumating na kasi iyong liptint na inorder ko at naubos ang pera ko dahil sa lakad namin kahapon ni Nathane. Kaya pahiram na muna ako. This time babayaran ko na"

Nathane ang pangalan ng kanyang nobyo. Hayst, sabi ko na nga ba e.

Huminga ako ng malalim at pagod siyang tiningnan.

"Kakailanganin ko rin ang pera ate e. I'm sorry."

"OMG! Sana sinabi mo agad kanina sa text na kakailanganin mo! Hindi na sana ako napunta dito sa cheap na paaralan. Refund mo ako sa pamasahe ko"

"Ate naman. Wag ka dito magkalat." Nilingon ko ang magkabilang gilid. Mabuti naman at walang tao.

Muntik ko ka siyang kaladkarin dahil sa pag sisigaw niya.

"Just refund me the money i spent for the taxi, Alexa!" Galit niyang sabi.

Napahinga ako ng malalim. Kung hindi ko ito pag bibigyan ay magkakalat ito. Aawayin ako saka abot langit ang muhi niya sa akin. Nakakapagod na talaga.

"Ilan ba ang kailangan mo?"
Napako ako sa kinatatayuan ko ng tumabi si Neil sa tabi ko at nakatingin sa ingratang kapatid ko.

"Who the hell are you?-" mataray na tanong ni ate. Ngunit pinutol ko na bago pa magkasigawan silang dalawa. Mas lalong sumakit ang ulo ko. Dumating pa kasi ang isang ito.

"Ate umalis ka na" nagpapanik na ako at hindi ko na alam ang gagawin. "Oh ito pera. Umalis ka na. Wag ka na bumalik dito. Mag aral ka ng mabuti. Ingat" tinulak ko siya sa at agad pumara ng taxi.

Nang makasakay na siya ay si Neil naman ang hinarap ko.

"Bakit ka nandito!" Nagpapadyak ako sa inis dahil sa pagsulpot niya kanina.

"Hindi mo ba napansin? Sumama ako sayo no. Nasa likod mo lang ako."

Anak ng-!

"Tsk. Sana hindi ka na nakisawsaw no? Kainis" at naglakad ako sa loob ng paaralan. Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin at hinayaan ko na lang.

Nabadtrip tuloy ako. Ayun goodbye 5k. Tsk.

"Anong gagawin niya sa pera?" Tanong niya.

Naupo ulet ako sa pwesto ko kanina at siya nakatayong nakaharap sa akin. Umirap ako. Kailangan ko pa talagang magkwento sa kanya? Tsk.

"Narinig mo naman ata diba?" Hinawi ko ang buhok kong nilipad ng hangin.

Natahimik siya at mataman akong pinagmasdan. Saglit pa at naupo na siya sa tabi ko. Rinig ko ang kanyang buntong hininga.

"Siya ba iyong nagtext sayo? At siya rin ang prinoblema mo?" Saktong marinig ko lang ang boses niya. Now you know, tsk.

"Hmm" sabay tango ko. Nakatingin pa rin ako sa harap.

Tunikod niya ang kanyang parehong kamay tulad ng ginawa ko.

"Bakit mo binigyan? I mean, bakit nanghiram siya sayo? Wala siyang pera? Eh bakit ikaw meron?" Litong tanong niya.

Nilingon ko siya at doon ko napagtantong sobrang lapit ng mga muka namin. Tumikhim ako at medyo dumistansya.

"Gastador." Tanging nasagot ko.

"Hm, so sayo nanghiram? Eh sa Mama mo?"
Inosenteng tanong niya.

Nilingon ko siya at tinawanan. "Richkid ka talaga, Menses. Syempre mahirap lang kami. Alam namin ang estado ng buhay namin. Namomoblema kami sa financial. Kaya kung manghingi siya kay Mama, walang maibigay si Mama. But knowing Mama, she'll do anything just to provide our needs. And wants for my older sister. Ano?mangungutang na naman? I already told her, my sister. Not to ask any amount to our parents specially when it is just her wants. Kaya sa akin siya nanghiram kasi alam niyang pagbibigyan ko siya kesa sa kay Mama na wala  ng maibigay. Nakabudget na ang natirang pera para sa bahay. And she knew that. Pero hindi pa rin nag iisip"

Natahimik siyang muli. Ningitian ko siya saka binalik ang tingin sa harapan.

Isang katahimikan ang namutawi ang namamagitan sa aming dalawa.

Ganoon na talaga. Minsan ang buhay ay hindi palaging nasa tuktok. Tulad naming magsasaka. May panahon na makakaranas kami ng ng krisis, at may panahon ding nasa matiwasay kami hinggil sa aming pinansyal.

Hindi naman kasi permanente ang presyo ng mga gulay na binibenta namin. Kaya hindi rin permanente ang aming income kada buwan o kada linggo.

Kung naiintindihan niya ako ay maganda. Kung hindi naman ay bahala na siya sa buhay niya.

Wala pang nakakaalam ang side na 'to sa akin. Pero walang duda kong sinabi sa kanya. Ni hindi niya ako pinilit na magkwento. Nag kukusa ako.

Ibang klase talaga. Tanginang yan!

Nilingon ko siya pero tila may malalim siyang iniisip. Hinayaan ko na lang at inenjoy ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Gustuhin ko mang alisin ang tingin ko sa kanya pero hindi ko nagawa.

Nakatitig lang ako sa kanya at nag iwas lang nong naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya.

Caligo NightWhere stories live. Discover now