CHAPTER 17

5 3 0
                                    

Natapos ang kanta. Palakpakan ang nakuha ko sa gabing iyon. Bumaba kami at maraming bati ang aking natanggap. Hindi ko isiping ganito pala ka gaan sa pakiramdam ang makatamo ng pasasalamat at pagbati sa sari saring tao.

Marami ang nakipag usap kay kuya. Ako naman ay nakaupo sa table na binigay para sa amin. Tahimik lamang akong nakamasid sa mga tao doon. Wala naman kasing makausap.

Ang hirap naman kung makisali ako sa usapan ng mga lalaki lalo't baguhan ako dito.

May sumubok naman na kausapin ako pero hindi pumayag si Kuya. Aniya reserved na daw ako.  Nagkakamot ng ulo ang lalaking gustong makipag usap sa akin sa sinabi ni niya.

Ano bang pinagsasabi niyang reserved na ako? Pero nagpasalamat nalang din ako sa naging depensa niya. Ayoko naman talaga kasing kinakausap especially kung hindi ko kilala masyado.

Walang gana kong ininom ang juice na bigay ng kapatid ko.

"Galing mo talagang kumanta, Alexa." Puri sa akin na si Renzy. Kabanda ni kuya.

"Naku salamat po." Sabay ngiti ko.

"Sana isasama ka na palagi ng kuya mo. May marami kaming gigs at kailangan ka namin para unique yung banda natin. May babae" sabay kindat niya pa.

"Ah oo" nahihiya kong sagot.

Tinawag siya ng isang kabanda nila kaya naiwan ulet ako. Nilibit ko ang tingin sa buong bar na ito. Marami akong nakikitang mga pamilyar ang mukha. Siguro school mate ko pero ewan hindi naman kasi talaga ako mahilig makiusisa tungkol sa mga tao. Wala akong pakialam. Ganon.

But then....

This time. Isang kaedad ko ang lumapit sa table at may dalang rosas. Tatlo iyon.

"Miss para sayo. Ganda ng boses mo. Singganda ng mukha mo"

Nacringe ako sa banat niya pero hinayaan ko na lang.

Tinanggap ko iyon at nilagay sa lamesa.

"Salamat" walang ganang sambit ko.

"I am, Emanuel. And you are Alexa right? Your name is in every corner of this bar." Sabay tawa niya. Medyo tipsy na siya kaya sinasabayan ko na lang.

Natawa ako sa sinabi niya at umiling nalang. Medyo may tama na siya kaya sinasabayan ko na lang. Hanggang sa matalim na tingin ni kuya ang nahagip ng paningin ko.

Napakurap kurap ako. What now, bro?

Marami pa siyang sinasabi. Kahit hindi ko naman talaga rinig dahil busy na ako sa pagmasid ng reaction kuya, pero natigil si Emanuel nong  hinawakan ako ni kuya sa braso. "Alexa, tara na" walang sabi sabi na lumabas kami. Hinila niya ako. Nagpatianod nalanh din ako kasi naman. Gusto ko na rin talagang umuwi.

Bukod sa napagod ako at nahilo sa lights doon ay pagod rin ako sa bukid kanina.

Walang nagsasalita ng sumakay na kami sa sasakyan. Mas mabuti na ring ganito. Para kasi talaga akong nawalan ng enerhiya. Na drain ako.

Ilang minutong byahe ay nakauwi na kami. Tahimik niyang pinark ang sasakyan at nauna na ako sa loob.

Wala ng gising at patay na rin lahat ng ilaw. Hinatid naman ako ni kuya sa kwarto ko. Hinubad ko ang boots at bonete ko. Nakamasid lang siya sa akin. Naweweirduhan ako sa kanya. Kanina pa siyang matalas ang mata sa akin.

Nasa hamba siya ng pintuan at nakasandal doon habang sinusuri akong may inaayos.

"May ginawa akong kanta. Lyrics pala. At gusto kong ikaw ang gumawa ng tono noon." Walang emosyon siyang nakahalukipkip sa harapan ko.

Nahinto ako sa ginagawa ko.

Aangal pa sana ako nang umalis siya bigla upang kunin ang dalawang bundle ng short bondpapers. Napa'wow' ako sa dami. Bakit ang dami? Hindi ko ata kaya ang mga ito.

"Ito lahat? Ang dami!" Pag reklamo ko. Nakakunot ang noo. Pinapahirapan ba niya ako.

"Hmm. Bukas wala kang ibang gagawin kundi ang gawan ng tono 'to. I mean unti untiin mo muna. Hindi naman ako nagmamadali. At alam na ito nina Mama at Papa kaya wala ka ng ikabahala pa."  Sinuri suri niya ang kanyang mga sulat. Puro lyrics nga ang mga iyon.

Parang hindi ko maimagine na magawa ng tono lahat ng ito.

"Uh...sino ang tutulong nila bukas sa farm?" Kasi nga diba ako ang inaasahan nila?

"May pinaswelduhan ako limang tao. Okay na yun"

Mabuti naman.

Tumango ako.

"Okay, matulog ka na"

Umalis siya sa kwarto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko siya tanaw.

Napabuntong hininga ako. Ang dami. Napalingon ako sa dami ng mga ito.

Nag bihis ako ng saglit at nang matapos ay napatingin ako sa bundle ng gagawin ko bukas.

Napahinga ako ng malalim at saka naupo sa study table.

Ilang minuto kong pagbabasa ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Hi, Lexa!" Maligayang bati niya. "Nandyan kuya mo?"

"Oo"

Ilang minuto ang lumipas ng pag uusap namin ay inaantok na rin siya. Kaya bumalik na ako sa study table at iniis isa ang mga sulat ni kuya.

Kahit hinihikab na ako ay nagbabasa parin ako at iniisip na ang maaaring gawing tono.

Limang kanta ang nagawa ko sa gabing iyon nang hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. 

Caligo NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon