[Part 2] KABANATA 13

Start from the beginning
                                    

Ngumiti ako sa kanya, at hinawakang muli ang kanyang kaliwang kamay. Muli siyang napatingin sa pagkakahawak ko, bago niya dahan-dahang iniakyat ang kanyang tingin paitaas hanggang sa humantong na siya sa aking mukha.

Nang makita ko nang nakatingin siya sa aking mukha ay sinamantala ko na ang pagkakataong 'yon para, kindatan siya at ngitian. Halatang nagulat siya. Pero bago pa siya naka-react, ay hinila ko na ang kanyang kamay, upang idampi 'yon sa aking mga labi.

Nakita kong napalunok siya, at nanlaki ang mga mata.

"Halika na." Malambing na sambit ko, bago ko siya hinila pabalik sa pinanggalingan naming corridor.

Nakabukas naman ang mga ilaw nang nagbalik kami roon. Medyo madilim pa rin dahil sa dalang ng nakabukas na ilaw—bagama't hindi na ito nagpa-fluctuate.

"Aling classroom?" tanong ko sa kanya. "Ito ba?" Sabay turo sa classroom na hinintuan namin.

"Oo."

Bahagyang nakasara ang pinto. Dahan-dahan ko 'yong itinulak bago kami pumasok. Kinapa ko ang switch sa gilid ng pintuan, kinalabit 'yon, at bumukas naman kaagad ang ilaw.

Sinuyod namin ng tingin ang buong paligid ng classroom na 'yon. Maalikabok na ang ibabaw ng mga pasimano, lamesa at mga armchairs. Halatang wala nang gumagamit ng classroom—katulad ng iba pang mga silid-aralan sa parteng 'yon ng unibersidad.

"Ano sa tingin mo ang naririto?" bulong ko kay Zia.

Hindi sumagot si Zia. Tiningnan lamang niya ako na tila natatakot pa rin; nakayakap siya sa braso ko. Pinagmasdan ko ang pagkakayakap niya sa braso ko. Nang napansin niyang nakatingin ako'y bibitaw na sana siyang muli. Napigilan ko siya kaagad, bago ko ibinulong sa kanya ang mga katagang, "Higpitan mo pa. I like it," bago ko tinaniman ng isang mabilis na halik ang kanyang noo.

Halatang napanganga siya sa ginawa ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagtititigan nang makarinig kami ng lagabag.

Magkasabay kaming napalingon sa isang malaking cabinet na nakatayo sa isang sulok ng classroom. Do'n kasi namin nadinig ang kalabog. Nilingon ko si Zia, na napatingin din naman sa akin, bago namin magkasabay na dahan-dahang nilapitan ang cabinet.

"Enrico," bulong ni Zia, mga ilang hakbang pa bago kami makarating sa harapan ng cabinet. "Natatakot ako."

"Titingnan lang natin kung ano 'yun, and then we'll go, ok?" Tumango siya, pero mas lalong humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin.

Tila nadadagdagan naman ang lakas ng pagtibok ng aking puso, sa bawat hakbang namin papalapit sa cabinet.

Kinakabahan sa kung anong maaari naming makita ro'n.

Natatakot na mayro'n nga kaming matatagpuan do'n.

Sumigaw si Zia matapos naming buksan ang cabinet. Habang ako nama'y natulala lamang sa sobrang gulat dahil sa bagay na bigla na lamang tumumba sa aming gitna. Napabitaw kami ni Zia sa isa't isa.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Isa iyong natuyong bangkay ng isang tao. Nakasuot pa ito ng unipormeng panlalaki ng unibersidad, kaya't ipinagpalagay ko na lamang na marahil ay isa rin ang bangkay na iyon sa mga dating estudyante ng aming paaralan.

Nang mahimasmasan na ako sa sobrang pakagitla ay kaagad kong hinila si Zia at niyakap. Pagkatapos no'n ay saka ko siya dali-daling hinila papalabas, para maipagbigay alam namin sa kinauukulan ang aming natagpuan.

* * *

It was an exhausting 3-hour ordeal after that incident. Naroon na 'yung paulit-ulit kaming tinanong nang magkasabay at magkabukod ng iba't-ibang imbestigador mula sa paaralan at sa pulisya. Hindi pa nila natutukoy kung sino ang bangkay na natagpuan namin. Kailangan pa raw kasi nilang paimbestigahan ang bangkay na 'yon sa mga forensic experts. Sa ngayon, Zia and I were both excused from all our classes because of that, pero dahil din do'n ay maaga kaming pinauwi.

"I'll take you home." Alok ko sa kanya.

"It's too early, 3:15 pa lang. Ayoko pang umuwi. Sa library na lang muna ako magpapalipas ng oras. Sige..." Akmang tatalikod na s'ya sa akin, pero napiligilan ko siya.

"Sandali lang, Zia. Puwede ba tayong mag-usap?"

"T-tungkol saan?" Hindi siya makatingin sa akin.

"Alam mo na kung tungkol saan."

"S-sa ibang araw na lang, Enrico, s-sige aalis na ak—." Akmang aalis na ulit siya, pero napigilan ko rin naman siyang muli.

"Talk to me please?" Hinila ko siya papalapit sa akin. "Kahit sandali lang."

Matagal siyang hindi nakakibo, bago niya sinabing, "If you r-really insist." Habang pilit inaayos ang kanyang sarili. "I'd really like an expensive drink downtown."

Napangiti ako. "Like how expensive this drink would be?"

"S-so expensive that it is worth your 3 months' allowance." Napapangiti na siya nang bahagya.

"Are we talking about hard drinks here?" Nakabungisngis ako. "Are you of the legal age?"

"I'm 19. How about you?" Nakabungisngis na rin siya.

"Nah." Hinawakan ko na ang magkabila niyang kamay. "Let's just walk around the town. If you may ask, I'm a young responsible driver. I don't drink and drive."

She giggled.

"At bakit naman ako sasama sa 'yong mamasyal?" aniya. "Ano ba kita?" Namumula siya. Ang cute niya habang kinakagat-kagat niya ang ang kanyang lower lip.

"Sa ngayon?" sagot ko, habang hinihila siya nang bahagya papalapit sa akin. "Manliligaw muna. Bukas?" Hinalikan ko na ang likuran ng kanyang mga kamay, "Manliligaw pa rin kung hindi mo pa ako sasagutin. Sa makalawa, gano'n ulit. Paulit-ulit lang araw-araw hangga't hindi kita napapasagot."

"Ano ka ba?" Pilit niyang binabawi ang kanyang mga kamay habang nakayuko. Halatang itinatago niya ang kanyang pamumula. "Kung pinagtitripan mo lang ako, tigilan mo na, dahil hindi ka na nakakatawa." Hindi siya makatingin. "Mamaya niyan ma-misinterpret na naman kit—"

"Mami-misinterpret mo pa ba ako kung didiretsuhin na kita? Straight and clear, nanliligaw ako."

"Whatever, Enrico." Umirap siya. "Joker ka na ba ngayon?"

"Anong joker? Halika nga rito." Hinawakan ko ang kanyang baywang, hinapit papalapit sa akin at saka siya binulungan ng, "I love you, Zia." At saka ko banayad na hinalikan ang linya ng kanyang panga.

[ITUTULOY]

Ang Babae sa Crossing [PUBLISHED]Where stories live. Discover now