07- Concept of Love

117 36 94
                                    

Magandang araw, Amalia. Marahil ika'y nasa Maynila o kaya'y nakabalik na sa inyo bago mo ito mabasa. Ipagpaumanhin mo kung hindi ko man lamang nagawang magpaalam bago ako lumisan, hindi ko magawang ika'y gisingin dahil napakalalim ng iyong tulog. Nakakatawang isipin na ang una at huling beses kitang nasilayan ay ika'y natutulog.

Nais kong humingi ng pasensya dahil sa pagkakamaling aking nagawa, alam kong isang malaking kasalanan ang paghalik sa iyong mga labi. Hindi ko dapat ginawa iyon at pinagsisisihan ko ang aking ginawa. Sana ay ako'y iyong mapatawad.

Nais kong malaman mo na ikinagagalak ko na ika'y aking nakilala, hindi ko alam kung tayo'y magkikita pang muli ngunit palagi kong ipagdarasal na nawa'y magtagumpay ka sa iyong buhay at pangarap. Paalam, hangang sa muli.

-Danilo

"Amalia, wala ka bang balak na matulog?" inis na bulong ni Lorena sa akin.

Agad ko namang tiniklop ang sulat ni Danilo at pinasok iyon sa sobre. "Ano ba iyang ginagawa mo at kailangan mo pang buksan ang lampara?" tanong niya pa ulit.

"W-wala ito, may binabasa lamang ako," tugon ko sabay ihip sa lamapara dahilan upang magdilim ang buong paligid.

Nasa kalagitnaan na ng gabi at hindi ko rin mawari kung bakit hindi ako dinadalaw ng antok. Wala akong ibang magawa kundi ang basahin na lamang ang sulat ni Danilo na halos makabisado ko na nga dahil sa paulit-ulit ko na pagbasa rito.

"Salamat sa iyong pagpatay ng lampara," mariin na saad ni Lorena sabay talukbong ng kumot sa buo niyang katawan.

Inihiga ko na lamang ang aking sarili at sinubukang maghanap ng antok. Ngunit makalipas ang isa, lima at sampung minuto na yata ay heto at gising na gising pa rin ang aking diwa.

"Lorena, gising ka pa ba?" mahina kong bulong. Tumayo ako sa pagkakahiga at naghintay ng kaniyang sagot.

Tinanggal niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa kanyang mukha bago magsalita. "Matulog ka na Amalia, may lakad pa tayo bukas."

Agad naman akong napangiti nang malaman ko na gising pa siya. Tumayo ako sa aking kama at naglakad papalapit sa kanya.

"Naranasan mo na bang magmahal?" wala sa wisyong tanong ko.

Napansin ko naman na nagliwanag ang kanyang mga mata dahil sa aking tanong. Umurong siya ng kaunti upang bigyan ako ng espasyo sa kaniyang higaan.

"Oo, naranasan ko ng umibig ngunit sa kasamaang palad ay palagi rin akong nabibigo."

"Bakit mo nga pala na tanong?" tanong niya sa akin.

Humiga ako sa kanyang tabi upang magkaharap kami ng maayos, hindi ko masyadong natatanaw ang kanyang mukha dahil sa dilim ngunit dahil sa liwanang ng buwan ay naaaninag ko siya ng kaunti.

"Naitanong ko lang. Hindi ko pa kasi nararanasang umibig, ano bang pakiramdam kapag nagmamahal?"

"TALAGA? Hindi ka pa nakaranas na umibig sa isang lalaki?" gulat niyang tanong sa akin, medyo napalakas ang kanyang boses kaya't biglaang dumaing si Cecillia sa kabilang sulok ng kwarto senyales na nabubulabog namin ang kaniyang pagtulog.

Nagtitigan muna kami ni Lorena bago kami tuluyan na maghagikhikan. Tinalukbong niya ang kumot sa amin upang hindi marinig ni Cecillia ang aming mga boses.

Catastrophe Between Us (COMPLETED)Where stories live. Discover now