Chapter 30

4 3 0
                                    

BUMALIK na si Catherine sa labas ng OR at sakto naman ang paglabas ng doctor. Dali-dali siyang lumapit dun at tinanong ang doctor.

"Doc, ok lang po ba si Ethan?" Aniya

Tinanggal muna nito ang mask bago nagsalita.

"I'm sorry Mrs. Lewis, we did our best. Maraming dugo ang nawala sa kanya at dumiretso sa puso ni Ethan ang bala. He didn't survive" anito at tumingin kay Jam,"Spotty and Aiven, come with me." At umalis na sila

Umiyak ng umiyak si Catherine dahil sa kanyang nalaman. Hindi niya matanggap na wala na si Ethan.

"Kasalanan to ni Daddy" mahina niyang sabi.

Ilang minutong umiyak lang si Catherine sa harap ng katawan ni Ethan bago paman ito sunugin. Tumawag kasi ang boss nila Ethan sa kanilang organization na ipapacremate daw si Ethan kasi isa yan sa rules nila. Wala na siyang magawa kundi pumayag nalang.

"L-love, n-nangako ka sakin diba?? Sabi mo di mo ko iiwan. Magkakaanak pa tayo love. Bakit ka bumitaw? B-bakit? Di mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sakin?" Umiiyak niyang sabi.

Ilang segundo pa lang niyang tinititigan si Ethan ng may pumasok na mga nakaitim na lalaki sa room kung saan nandun dinala si Ethan.

"Good evening Ma'am. Kami po yung inutusan para kunin sir Ethan." Ani ng isang nakaitim na lalaki

Tumango lang siya at pumunta sa may pintoan.

"Cath, dun ka nalang sa bahay niyo maghintay sa labi ni Ethan." Ani Aiven

"Huh? Hindi. Sasama ako" aniya

"Hindi pwede. Utos yan ng aming boss." Anito at umalis na.

Wala na siyang magawa kundi pumunta nalang sa kanilang bahay ni Aiven at magmukmuk.

She still can't accept the fact na patay na si Ethan. Hindi pa rin nag sisink-in sa isipan niya na wala na ito.

She missed him.

Ilang oras ang lumipas at dumating na ang Urn ni Ethan pero nakatulala pa rin si Catherine. Marami na din ang dumating na mga tao sa kanilang bahay para sa pag dasal sa kaluluwa kay Ethan.

Palagi lang nakatulala si Catherine. Hindi na siya kumakain at namamayat na siya.

"Anak, kumain ka muna dun. Ako na muna bahala rito" ani ng kanyang mommy

"Wala ho akong gana" aniya ng walang emosyon

"Anak, alam kong mahirap tanggapin pero kailangan mong magpakatatag para sa sarili mo anak. Kung nandito palang si Ethan ngayon, sigurado akong sinisirmunan ka na non" anito

Biglang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sinabi ng kanyang ina.

Tumayo siya at pumunta sa kusina para kumain. Naalala niya kasi ang mga pinagsasabi ni Ethan sa kanya noon.

BUKAS na ililibing si Ethan at mas dumadami pa ang mga taong pumupunta sa kanila. It's a sign na talagang mabait na tao si Ethan.

"Mabait talaga na bata si Ethan. Noon nga nung highschool pa yan, palagi yang bibili ng burger sa Jollibee tapos ipamimigay niya lang sa mga bata na nasa tabi-tabi at sa mga nanlilimos" ani ng isang babaeng tumabi sa kanya sa upuan.

"Hanggang ngayon din." Ani Catherine

"Palagi lang yang nasa bahay nila tapos lumalabas lang pag may bibilhin. Kahit minsan lang siya lumalabas, namamansin parin siya." Tumawa ito ng mahina,"Hay nako, di ko talaga makalimutan nung may bagyo tapos siya lang mag-isa sa bahay nila kasi pumunta na ng US ang parents niya. Yung bahay kasi namin maliit lang at madaling masira, mahirap lang kasi kami. Nung nakita kami ni Ethan na nilalagay ang mga damit namin sa plastic para di mabasa, tinawag niya kami tapos sinabi niya samin na dun nalang muna kami titira sa kanilang bahay total mag-isa lang naman siya. Kaya dun kami tumuloy ng tatlong araw."

Catherine just smiled at the woman and excuse herself, again. Ayaw niyang makita sa mga tao na umiiyak na naman siya.

She needs to look strong. Kailangan niyang magpakatatag para kay Ethan.

She was silently crying in the bathroom. Ilang minuto siyang umiiyak dun at bago pa man siya lumabas, naghilamos muna siya sa kanyang mukha.

Binuksan na niya ang pintuan ng CR ng bigla siyang nawalan ng malay at natumba. And everything went black...

NAGISING nalang si Catherine sa kanyang kwarto. Bumangon siya at muling inisip kung anong nangyare ng biglang bumukas ang pintoan ng kanyang kwarto.

"Hey, are you okay?"ani Jam

Tumango siya,"yes, okay lang ako" aniya

"I brought you some milk. Sabi nila tita magpahinga ka daw muna, sila na bahala dun. And also sabi ng doctor, dahil daw sa stress, nawalan ka ng malay"

"I still can't accept it Jam" tumingin siya sa sahig at nag umpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha.

Umupo sa Jam sa gilid ng kanyang kama at kinuha ang kanyang kamay.

"Alam ko. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Naramdaman ko din yan noon. Pero kailangan mong tanggapin at magpakatatag para sa sarili mo. Wag kang magpadala sa emosyon na naramdaman mo. Alam kong ayaw din ni Ethan na maging ganito ka. You have to accept it and slowly move on. Time heals, Cath."

Tumingin siya dito na may luhaang mga mata at ngumiti naman ito sa kaniya.

"Sige na, magpahinga ka na." Anito at umalis na.

Again: AloneWhere stories live. Discover now