Chapter 17

6 5 1
                                    

Hindi makatulog si Ethan dahil sa kanyang nakita kanina. Kailangan na niya talagang kumilos para matapos na itong gulo na ito.

Para kumalma ang kanyang isip sa pag-iisip kung anong kanyang dapat gawin ay kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinext.

"Hey, still awake?" Text niya

Ilang minuto pa ang kanyang hinihintay but still no response.

"Baka natulog na yun" aniya

Nilagay na niya ang kanyang cellphone sa isang maliit na lamesa katabi ng kanyang kama at tumalikod para matulog.

Ilang segundo lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya yun at tinignan kung sino ang nag text sa kanya.

"Yes. Slr, naligo kasi ako." Reply nito

Biglang may namumuong ngiti sa kanyang mga labi dahil nireplyan siya nito.

"Pwede ba kong tumawag?" Reply niya din

"Sige." Anito

Tinawagan na niya si Catherine at nag usap sila para bukas.

"Hey, ahm. Busy ka ba tomorrow?" Aniya

"Hindi siguro. Bakit?" Anito

"Wala lang. Mamasyal lang tayo" aniya

"Oh, sige ba, basta libre mo haha" anito at tumawa pa

"Oo naman. Ako yung nag aya eh" aniya at tumawa na din

Nag tawanan silang dalawa. Ilang minuto pa silang nag uusap at pagkatapos ay napagdesisyonan na nilang matulog kaya pinatay na nila ni Catherine ang tawag.

KINABUKASAN ay maagang nagising na naman si Ethan kasi nga mag kikita sila ng bestfriend niya.

Bumaba na siya sa sala pagkatapos niyang maligo at magbihis.

Nakita na naman niya agad si Aiven na nagluluto at si Agent Spotty na nag ayos ng lamesa.

"Wow naman. Parang ako yung anak tapos kayo parents ko" aniya at tumawa ng malakas.

Sarap kaya asarin nitong dalawa. HAHAHA

"Luh assuming, samin lang tong niluto ko noh. Hindi ka kasali dito" ani Aiven

Damot naman...

"Huy anong sa inyo lang!? Ako yung namili ng mga yan ah. Ako yung nag grocery!" Inis niyang sabi

"Tumahimik nga kayong dalawa, aga-aga ang iingay niyo." Sabi ni Agent Spotty na nagpapatahimik sa kanila.

"Sorry loves" ani Aiven at niyakap pa si Spotty mula sa likod.

"Ewww" sigaw ni Spotty, "lumayo kang hinayopak ka. Hindi tayo bati noh?" Anito

Napapailing nalang siya. Umandar na naman kasi yung pagiging sweet ng dalawang ito.

"Anyways, may pupunta ako ngayon and I think it's part of the mission. " aniya

"Okay bud. Ingat" ani Aiven

"Hindi ba kayo aalis or ano ba gagawin niyo dito sa condo? Ang boring dito." Aniya

"Mamamasyal kami mamaya" ani Spotty

"Talaga loves? Wala ka bang pasok?" Ani Aiven

"Day off ko noh" anito at umupo na para kumain

Kumain na din sila ni Aiven at nang matapos ay umalis na siya. Baka makadisturbo pa siya nila Aiven. Siya na may-ari ng condo, siya pa yung nahiya sa nakitira.

Hay nako...

NASA mall na sina Ethan at Catherine. Kumakain sila ngayon sa isang napaka sikat na restaurant dito.

"Masarap ba?" Ani Ethan

"Oo ang sarap. Ngayon lang ako nakakain ng ganito ka sarap" aniya

"Mabuti naman" at tumawa ito

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Maya-maya lang ay nagsalita na naman ito.

"Cath" tawag nito sa kanya na nagpatigil sa kanyang pagsubo sa pagkain

Ilang taong hindi niya yan narinig. Parang bumabalik ang mga memories nila noon nung college.

"Yes?" Aniya at tumingin sa mga mata nito.

"Pwede ba tayong bumalik sa dati?" Anito

"Shempre hindi. Hindi na natin mababalik ang time noh" aniya na hindi man lang inisip kung ano ang ibig sabihin ni Ethan.

Tumawa ito na dahilan para tingnan sila ng mga taong malapit sa kanila.

"Tumahimik ka nga Ethan. Pinagtitinginan tayo oh" sabi niya na nahihiya na.

"Sorry hindi ko lang mapigilan yung tawa ko. Hindi mo kasi na gets eh"anito na tumatawa pa rin.

"Ano ba kasi ibig mong sabihin?" Aniya

"I mean pwede bang maging kaibigan tayo ulit. Katulad ng dati?"



A/N: Catherine's answer will be in the next chapter. Abangaaaan!!!!

Again: AloneWhere stories live. Discover now