Chapter 6

21 15 1
                                    

PAGOD na umuwi si Catherine after nilang mag shopping ni Ethan. Alas 4 na nang hapon sila naka uwi kaya meron pa siyang dalawang oras oara magpa hinga at para mag handa papuntang airport kasi gusto niya itong ihatid doon.

"May oras pa ako para magpa hinga" pagod na sabi niya sa kanyang sarili.

Matutulog na sana siya ng pumasok si Jaselle sa kanilang dorm. Ngumiti ito sa kanya at ganun din ang ginawa niya.

Nawala na ang galit niya rito. Nag kwento kasi si Ethan kanina habang ng sha-shopping sila na mag kaibigan sila ni Jaselle simula bata pa sila.

"Jaselle, may tanong ako." Tawag attention niya rito

Lumingon si Jaselle sa kanya," ano yun?" Nakangiting tanong nito

"May gusto ka ba kay Ethan?" Tanong niya rito

Kinakabahan siya sa sagot nito. Ayaw niyang masaktan. Alam niyang may gusto siya sa binata kaya ayaw niyang magka gusto din si Jaselle kay Ethan. Ayaw niyang may kaagaw.

Oo, alam niyang hindi magkaka gusto si Ethan sa kanya at alam niya din na wala siyang karapatan masaktan at magselos kasi una sa lahat magkaibigan lang sila ni Ethan at si Jaselle ang unang nakilala nito bago siya.

"Hindi naman. Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Siguro noon nung highschool kami nagka gusto ako sa kanya konti, pero sabi ko sa sarili ko na magkaibigan lang talaga kami" anito

"Ahh. Sige."ngumiti siya at tumalikod na nito

"Bakit mo natanong? May gusto ka ba sa kanya?" Tanong nito sa kanya

Tumingin na naman siya nito at nag tanong, "h-huh? W-wala noh. H-hindi ako m-magkaka gusto non" utal-utal niyang sabi

"Aysos. Alam ko na yan. Alam kong may gusto ka kay Ethan. Wag kang mahiya na sabihin sakin. Promise hindi ako magsasalita tungkol diyan sa secret mo" tawang-tawa nitong sabi

"Ahm" tumikhim muna siya "Oo, may gusto ako sa kanya. Pero alam ko namang hindi niya ako gusto." Sabi niya at yumuko

Kinuha ni Jaselle ang kanyang dalawang kamay at nag angat siya ng tingin dito

"Wag mong isipin niya. Kilala ko si Ethan. Hindi siya yung tipo ng lalaki na maghihintay ng isang babae, hindi siya yung tipong lalaki na makikipag kain at manlibre sa labas ng babae na walang dahilan unless kung may kailangan siya sayo or tungkol sa projects ba pero yung libre sa mga mamahaling restaurant,hindi talaga" umiling muna ito bago pinagpatuloy ang pagsasalita "Ngayon ko lang yun nakitang may hinihintay at lumalabas ng campus. Simula nong bata pa kami, ayaw na ayaw niya yung pinaghihintay siya at lumalabas kung saan-saan. Bahay-paaralan paaralan-bahay lang talaga siya" sabi nito

Napaisip tuloy siya kung may gusto ba si Ethan sa kanya o hanggang kaibigan kang talaga ang tingin nito sa kanya.

Ayaw niyang mag assume. Masasaktan lang siya sa huli.

Nag usap-usap muna sila ni Jaselle. Hindi nila namalayan na alas 7 na pala ng gabi. Kumain sila habang nag uusap at nag bihis na din.

Nang may nag text sa kanya, kinuha niya yung cellphone niya at binasa niya kung kanino galing ang text. It was from Ethan.

"Nandito na ako sa gate ng dorm niyo. Hinihintay kita. Isama mo na rin Jaselle, sabi ko kasi sa kanya na ihatid nita ako" -Ethan

Sinabi niya kang Jaselle ang text nito at nagmamadali silang lumabas.

Nang makalabas ng gate, nakita nila kaagad si Ethan. Sabay-sabay silang lumabas ng Campus. Pwede pa naman silang lumabas kasi 10 PM pa naman ang curfew nila at hindi naman masyadong malayo ang airport mula sa kanilang paaralan.

Pumara ng taxi si Ethan. Pumasok siya sa back seat at si Jaselle din. Sa passenger seat naman umupo si Ethan.

Tahimik lang sila buong byahe hanggang maka abot sila sa Airport.

Habang nag hihintay sila sa flight ni Ethan, nag usal muna sila.

"Hindi ako sure kung kailan ako babalik" sabi ni Ethan

"Ok lang naman. Para magka jowa na ako" sabi naman ni Jaselle na kaagad nawala ang ngiti sa mga labi nito dahil tinignan siya ni Ethan ng masama

"Catherine, sabihin mo sakin pag may lumalandi sa kanya. Uuwi talaga ako dito para lang suntokin yang lalaking lalandi sayo." Sabi nito na parang galit

Tumawa lang si Jaselle at siya naman tumango lang

Hanggang sa oras na ng flight ni Ethan, tahimik lang siya. Ayaw niya kasing magsalita kasi baka iiyak siya.

Umalis na si Ethan, sasakay na ito ng eroplano. Hindi niya inalis ang kanyang paningin nito hanggang sa mawala si Ethan sa kanyang paningin.

Hindi niya alam na may nakatakas pala na isang butil ng luha galing sa kanyang mga mata kung hindi nito tinuyo ni Jaselle

Ngumiti lang siya dito at ganun din ang ginawa nito. Pareho silang tahimik ni Jaselle hanggang makalabas ng airport.

Hindi niya talaga kayang hindi makita si Ethan. Ilang linggo din silang nagkasama tapos aalis ito. Hindi pa niya masyadong kilala ang binata pero gusto na niya ito.

MALUNGKOT na bumaba si Ethan sa eroplano. Ilang oras din siyang naka upo. Kaagad niyang nakita ang kanyang ina sa waiting area. Gabi kasi ngayon sa Amerika. Hindi kasi magkapareho ang time sa Pilipinas at sa amerika.

"Hi Mama" bati niya sa kanyang ina na ngayon ay napakalapad ng ngiti

"Anak" niyakap siya ng mahigpit dito

"Mama, hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo" aniya

Tumawa lang ito,"sorry anak, ilang taon din kasi kitang hindi nakasama. Sobrang miss ka na namin"

Niyakap niya lang niya ulit ito at kumawala rin ilang minuto ng may pumasok sa isip niya

"By the way, kumusta na si Papa, Mama? Tanong niya

"Ok lng naman siya anak, pero hindi pa siya pwedeng ilabas sa hospital. Masyadong malala ang kanyang kondisyon ngayon anak." Sabi nito sa malungkot na boses

"Nandito na ako Mama, wag ka nang malungkot. Lalabanin yan ni Papa ang kanyang sakit." Sabi niya at ngumiti

Ngumiti lang din ang kanyang ina pero nabasa niya sa mga mata nito ang kalungkutan na nararamdam nito.

"Tara na Mama, baka hinahanap ka na ni Papa ngayon sa Hospital" aniya

"Sige anak. Iuuwi muna kita sa bahay bago kita ihatid sa hospital" anito

Tango lang ang tugon niya bilang pag sagot nito.

A/N: ATTENTION TO MY BELLAS!!! THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORY. I PROMISE TO CONTINUE WRITING AND UPDATING THIS ONE AND WRITE ANOTHER ONE AND ANOTHER AGAIN AND AGAIN.

PILI KAYO 🐬 OR 🦁
COMMENT NOW!!! HAHAHAHA

Again: AloneWhere stories live. Discover now