SPECIAL CHAPTER!!!

10 3 0
                                    

KINAKABAHANG lumakad si Ethan papunta sa harapan ng altar. Kinakabahan na masaya siya dahil ikakasal na ang kaniyang mahal sa buhay.

Nang makarating sa harapan ay tinapik niya ang balikat ng kaniyang kaibigan--Aiven.

"Congrats" aniya at ngumiti.
"Thanks bro." anito

Bumukas na ang pinto ng simbahan at nakita niya ang pinakamagandang bride. Ang pinapangarap niyang papakasalan.

Lumakad na ito papunta sa kanila. Lalapit na sana siya dito ng lumapit si Aiven at nagmano sa magulang ng babaeng mahal niya. Ang babaeng una niyang minahal. His first love.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Hindi niya alam kung totoo ba yun o guni-guni lang niya na parang malungkot ang ngiti ni Catherine.

Nakatingin lang siya kay Aiven at sa babaeng minamahal niya papunta sa harapan ng pari.

Hindi na niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang luha.

"Aiven John Stoller, do you take Catherine Hart Callan, to be your wedded wife, to live together in marriage?  Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as long as you both shall live?"

"I do." Rinig niyang sabi kay Aiven.

"Catherine Hart Callan, do you take Aiven John Stoller, to be your wedded husband, to live together in marriage?  Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to him, for as long as you both shall live?"

Tumingin muna si Catherine sa kanya at umiwas din ng magtagpo ang kanilang mga mata.

"I-i do." Anito

"You may now kiss the bride" ani ng pari

Naghiyawan at nag palakpakan ang mga tao kasabay ng pag kiss ni Aiven kay Catherine. It's just a smack kiss, but it hurts.

Habang nakatingin sa dalawa ay napa-isip siya.

Ako yung nauna, pero siya ang wakas.

Sabayan pa ng kantang pumasok sa isip niya.

--When it hurts, but it hurts so good
Do you take it?
Do you break it off?
When it hurts but it hurts so good
Can you say it?
Can you say it?--











IT'S A PRANK!!! HAHAHAHAHAHAHAH CHAROT LANG GUYS. GUSTO KO LANG KAYO SAKTAAAAN!!! HAHAHAHAHAHAHAH SORNAAA. LAB KO KAYOOOO. PROMISE NEXT CHAPTER TOTOONG WEDDING NA TALAGAAAA

Again: AloneWhere stories live. Discover now