Chapter 18

11 5 0
                                    

"I mean pwede bang maging kaibigan tayo ulit. Katulad ng dati?" Anito na may seryosong mukha na.

'Bilis naman mag change ng mood nito. Abnoy ata to.' Aniya sa kanyang isip

Nag-iisip muna siya ng ilang sandali bago sumagot.

"Friends naman talaga tayo ah. Nag away ba tayo?" Aniya

"Hindi. Pero para kasing hindi na tayo katulad ng dati" anito

"Lahat naman talaga kasi ng bagay at tao nagbabago" aniya

"Tama ka pero gusto ko maging bestfriend kita ulit. Okay ba yun?" Anito na titig na titig sa kanya.

"Oo naman. " aniya

Biglang sumaya ang mukha ni Ethan at nag smile na abot hanggang tenga.

Pagkatapos nilang kumain ay nag window shopping muna sila.

Habang naglalakad sila ay may tumatakbo na lalaki papunta sa kanila.

Familiar...

"Buddyyy" sigaw nito at niyakap si Ethan.

BIGLANG nag-iba ang mood ni Ethan dahil sa lalaking yumakap sa kanya.

"Baliw. Parang hindi tayo share ng bahay noh?" Aniya ng kumawala ito sa yakap.

Hindi siya pinansin nito at tumingin sa kanyang katabi.. si Catherine.

"Hey. What's up? We meet again." Anito at nag smile pa ang loko.

"What do you mean?" Ani Catherine

"Oh. Hindi mo siguro ako naalala. Ako yung lalaking nagsabi sayong dalhin mo muna si Ethan sa kotse mo after nung fight nila ng ex-boyfriend mo." Explain ni Aiven.

"Ikaw yun? Sorry hindi kasi kita namukhaan eh. Naka mask ka kasi nun at naka cap kaya hindi ko masyado na kita ang mukha mo" ani Catherine.

"It's okay. By the way, I'm Aiven, Ethan's bestfriend." Sabi ni nito habang nilalahad ang kamay nito para makipag shake hands.

"I'm Catherine. Ethan's bestfriend since college. " anito at tinanggap ang pakikipag kamay ni Aiven.

May namumuong inis sa loob ni Ethan ng makitang nagkahawak ang kanilang mga kamay.

Inis na pinutol niya ang pakikipag kamay ng dalawa at masamang tinignan si Aiven.

"Dun ka nga sa jowa mo. Wag kang mag isturbo sa araw namin" aniya na inis na inis.

"I smell jealousy." Ani Aiven at tumawa

"Alis!" Aniya

Tumawa lang ang loko at mabilis na umalis sa kanilang harapan.

Nagpatuloy sila sa kanilang pamamasyal at nung bandang hapon na ay nagdesisyon silang pumunta sa kung saan-saan. Ayaw pa kasi nilang umuwi.

Kaya naman pumunta sila sa matataas na lugar kung saan makikita nila ang mga city lights at makapag star gaze pa sila.

Bumili na sila ng kanilang mga makakain at mahihigaan. Wala silang dalang tent, picnic blanket lang ang mayroon sila.

Nag prepare muna sila bago humiga sa picnic blanket.

MASAYA silang nag uusap-usap ni Ethan. Sabay silang nagtawanan, nag asaran, nag kwentohan sa mga nangyari sa kanilang buhay nung malayo na sila sa isa't isa.

"Alam mo bang namiss kita?" Ani Ethan

"Hindi. Pano ko naman malalaman kung wala tayong connection noon?" Aniya

"Oo nga noh. Ang busy ko kasi dun sa states." Anito

"Bakit ka ba umuwi dito?"aniya

"Ayaw mo bang makita mo ang gwapo kong mukha?" Anito at nag pogi pose pa.

"Ang hangin naman." Aniya

"You changed." Anito at lumingon sa kanya.

"Ikaw din naman" aniya

Marami pa silang pinag-uusapan hanggang sa sumapit ang gabi.



A/N: Don't forget to vote and comment!!! Thank youuu❤

Again: AloneWhere stories live. Discover now